Chapter Six
NAGULAT si Ayna nang bigla siyang kausapin ni Tyrone pagdating nila sa bahay. Ang alam niya, deadmahan talaga silang dalawa. At hindi siya ang unang susuko!
“Sinupladahan mo ba yung assistant ni Daniella?” Hindi nakangiti ang lalake. Hindi naman natinag ang dalaga.
“Bakit ko siya susupladahan? Ni hindi ko siya kilala. Nakikita ko lang siya sa set but never kaming nagkausap,” depensa niya sa sarili. Totoo naman ang sinasabi niya.
“Kinausap ako kanina ni Daniella. Nagrereklamo siya dahil hindi yata nagustuhan ang pakikitungo mo sa assistant niya.”
“Wait. Amo ko ba si Daniella? Or yung assistant niya? Ang alam ko, mommy mo ang nagpapa-sweldo sa akin dito and my job is to make your life easier. May ginawa ba ako para makabigat or makasagabal sa buhay mo bilang artista?” Hindi nakaimik ang lalake kaya nagpatuloy si Ayna.
“Sa totoo lang, marami na ang nagwarning sa akin na masama ang ugali ng PA ni Daniella pero hindi ko sila pinapansin. Ni hindi nga ako nakikisali sa mga nagkukuwentuhan kapag may taping ka. I always mind my own business.”
“Alam mo, I take my responsibilities seriously at hindi ako mapagpatol sa mga petty issues sa work place. You can check my working history.”
Nang hindi pa rin nagsasalita si Tyrone ay nag-excuse na siya para pumasok sa kuwarto. Suplada ba ang dating niya? Ang alam niya, nagpapakatotoo lang siya. Gigil nga siya kay Daniella dahil bakit siya nito sinisiraan? Pati ang maldita nitong assistant, tila gusto pa siyang pagtulungan. At hindi naman ang tipo niya ang masisindak!
Kung bundok at mga rebelde nga, hindi ko inatrasan sa mga outreach programs namin, sila pa? Padabog na humiga sa kama ang dalaga. Mas mabuti pang matulog na lang muna siya bago maligo, kesa ubusin niya ang oras sa inis.
MATAGAL bago naka-recover si Tyrone sa mga sinabi ni Ayna. May sampung minuto yata siyang nanatili sa sala bago tuluyang tumayo. The nerve of the woman! Kung pagsalitaan naman siya, para bang siya ang PA at ito ang amo! Oo nga, naroroon na siya- maayos magtrabaho ang babae. Pero kung kausapin naman siya, aba, para bang alipin ang turing sa kanya! Lahat ng nakikilala niyang babae, halos manginig kapag ngumiti siya- kulang nalang sabitan siya ng sampaguita dahil literal siyang sinasamba ng mga fans. Women of all ages- from all walks of life- nakukuha sa ngiti niya at charm. Bakit ganun? Tila wala talaga siyang effect pagdating kay Ayna? Mula noon hanggang ngayon- hate talaga siya ng babae! At ni hindi ito nagkukunwari!
Tumayo si Tyrone at tinawag ang driver. Kinuha niya ang susi ng BMW niya at saka nagtungo sa garahe.
“Sir, aalis ho kayo?” alanganing tanong ng driver. “Ako na po ang magda-drive?”
“Hindi, ako na. Magpahinga ka na.”
“Sir, gabi na po. Sasamahan ko po kayo, baka magalit sa akin ang mommy niyo kapag hinayaan ko kayong magdrive mag-isa.”
BINABASA MO ANG
Star In My Heart
ChickLitThere are people whom we hate to love. And there are people whom we love to hate.