CHAPTER SEVEN

230 16 0
                                    

Chapter Seven 

AS expected ay hindi niya napigilan ang sarili. Tinalakan niya agad si Tyrone sa parking lot nang makita ito!

“Bakit ka kasi lumabas na mag-isa? Sana nagpasama ka sa driver!”

Kanina pa nagpipigil si Ayna- sa daan pa lang ay pilit na niyang kinakalma ang sarili. Imagine, napuslitan siya ng binabantayan niya! All the while, akala niya ay nasa kuwarto si Tyrone at nagpapahinga na, yun pala ay gumimik ang bruho! Of course wala naman sanang kaso- kung alam niya kung saan ito nagpunta. Pero hindi! Wala siyang kaalam-alam at ni hindi ito nagdala ng driver! Ano nalang ang sasabihin ng ninang niya? Hindi niya ginagawa ang trabaho? Ayaw pa naman niyang napupuna siya when it comes to her work dahil alam niya, responsible siya.

“E kung napahamak ka? Na-hold-up? Or nakidnap? Imagine, hindi man lang namin alam kung nasaan ka?” Tuluy-tuloy ang litanya niya sa lalake. Care niya kung magalit ito.

Binuksan na ng driver ang hood ng sasakyan para i-check kung bakit ayaw gumana. Nanatiling nakatingin sa kanya si Tyrone- himalang hindi man lang ito sumasagot sa kanya.

Alam niya kasing may kasalanan siya!

“Ma’am Ayna, wala naman pong diperensya ang sasakyan. Mukhang naubusan ng gasolina kaya ayaw umandar,” ani ng driver na napakamot ng ulo.

“Walang gas?” wika ng dalaga. Napatingin uli ito kay Tyrone. Hindi siya makapaniwala na kawalan ng gas ang dahilan kaya hindi umandar ang sasakyan! “Ni hindi mo tiningnan kung may gas ang sasakyan o wala? Basta ka na lang nagdrive?”

“Aba, malay ko! Lagi naman akong nagpapa-full tank ng sasakyan kapag lumalabas.”

“Sir, hindi ho kasi natin ito nagamit, hindi ko na-monitor ang gas nito,” sabad ng driver.

“E kung sa gitna ng Edsa ka pala natirikan? O kung tumigil ang sasakyan mo sa highway at binangga ka ng truck?”

“Ang morbid mo naman.”

“Totoo naman ang sinasabi ko ah. Ganito pang dis-oras ng gabi, maraming tarantado sa kalye no!”

Hindi na siya pinansin ng lalake. Sa halip ay binunot nito ang pitaka at naglabas ng pera.

“Here, magtaxi ka at bumili ng gas sa pinakamalapit na Shell or Petron.” Inabot nito ang pera sa driver.

“Manong, humingi nalang po kayo ng lalagyan doon sa gas station. Or bilhin niyo nalang po. Kahit tatlong litro lang muna bilhin niyo, mapaandar niyo lang ang kotse. Saka kayo magpa-gas uli. Hintayin ka namin dito,” bilin ni Ayna.

Agad namang umalis ang driver. Naiwan tuloy ang dalaga kasama ang lalake. Saka niya na-realize na naka-shorts lang siya ng maikli, tsinelas at t-shirt na pinatungan ng jacket. Nakita niyang nakatingin sa legs niya si Tyrone at nakangisi.

Star In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon