CHAPTER FOUR

210 16 0
                                    

Chapter Four

“TYRONE! TYRONE! TYRONE!” Nakakabingi ang tilian ng mga fans sa mall show na pinuntahan nina Ayna. Pero deadma lang siya sa isang tabi. Amused siya sa nagaganap na kaguluhan.

Anong meron kay Terrano para mabaliw sila ng ganito?

May mga type din naman siyang artista pero karamihan ay panay Hollywood actors. Pero hindi naman siguro siya ganito ka-wild kapag nakaharap ang paboritong celebrity. Bakit naman mangingisay siya?

“Pa-picture!” Sigaw uli ng iba. Dumog ang mga taong gustong magpakuha ng larawan sa lalake, halos walang magawa ang mga security guards ng mall.

“Tyrone ang guwapo guwapo mo!” May yumayakap, may kumukurot. May nanggigigil, may halos himatayin nang akbayan ni Tyrone.

Mga hibang, gustong matawa ng dalaga. Anong nakita nila dito kay Terrano?

“Miss, ikaw yata ang sinesenyasan ni Tyrone,” wika ng isa sa mga guwardiya.

Nagulat si Ayna, pagtingin nga niya sa lalake ay pilit siya nitong pinalalapit. Saka lang naintindihan ng dalaga na kailangan na niyang gumawa ng paraan para makaalis sila sa lugar.

“Excuse me po, salamat mga kapatid. Mali-late na po si Tyrone sa susunod niyang pupuntahan.” Lakas-loob niyang hinawi ang crowd saka inabot ang braso ni Tyrone at iginiya ang lalake sa direksyon patungo sa exit. Mabuti nalang at inalalayan sila ng mga guwardiya.

“Sino ba yan? Ang taray naman!” komento ng isang babae.

“Ano pa, e di alalay! Akala mo kung sino!” sagot ng isa.

“Baka jowa? Mukhang possessive!” wika ng isang bading na nagpa-picture kanina kay Tyrone.

“Papatol ba naman si Tyrone sa ganyan? E mas maganda pa yung katulong namin diyan no!” mataray na komento ng pinakamaingay sa grupo.

Gustong balikan ni Ayna ang huling nagsalita at batukan pero nagtimpi na lamang siya.

“Ang aangas ng mga fans mo!” komento niya kay Tyrone nang nasa kotse na sila at bumibiyahe. “Parang mga hibang!”

“Ganun talaga sila.” tila tuwang-tuwa pa ang lalake. “At least may taste sila,” dugtong pa nito kaya lalong nainis si Ayna.

“Sir, diretso na po tayo sa taping niyo?” sabad ng driver.

“Balik muna tayo sa bahay. Mamaya pa ang call time ko. May four hours pa naman. Matutulog muna ako.”

Hindi na kumibo si Ayna. Pabor din naman sa kanya ang umuwi muna sila para makapagpahinga siya kahit dalawang oras at makapaligo bago magtungo sa taping ni Tyrone. Besides, gusto niyang magdala din ng laptop para hindi siya ma-bored.

Star In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon