CHAPTER THREE

219 17 0
                                    

Chapter Three

IT wasn't as bad as she expected. Yun ang assessment ni Ayna sa unang gabi ng pagtrabaho niya bilang Personal Assistant ni Tyrone. Sanay naman siyang magpuyat sa gabi and she didn't really mind waiting kasi may dala siyang iPod and pocketbook. Hindi siya nainip, plus the fact na marami siyang nakikita at naaaliw siya sa mga nao-obserbahan. It was a whole new experience- malayo kesa sa mga nakasanayan niyang trabaho pero puwede na.

At least mataas ang sweldo, papetics-petics lang ako.

Alas-siyete na sila ng umaga nakauwi pero wala naman daw silang lakad that day kaya puwede siyang matulog buong araw. Alas-otso na nakatulog si Ayna pero gumising na rin siya bandang ala-una ng hapon dahil kumalam ang sikmura niya. Nagutom siya kaya't napilitan siyang tumayo at lumabas para kumain. Ang balak niya ay ayusin ang gamit niya sa kuwarto pagkatapos kumain dahil hindi niya pa iyun naiaayos simula nang dumating noong nakaraang gabi.

“Ayna!” Nagulat ang dalaga nang marinig ang boses ng ninang niya.

“Ninang,” tumayo siya at humalik sa may edad na babae. “Kain po tayo,” aniya.

“Sige, tapos na ako. Kumusta ang unang gabi mo? Hindi ka ba nahirapan sa shooting?”

“Hindi naman po.”

Tumingin muna sa paligid ang Ninang Imee niya bago muling nagsalita.

“Walang mga babaeng pumunta doon sa set?” pabulong na wika ng may-edad na babae. Gustong matawa ni Ayna.

“You mean, kung meron pong dumalaw doon na hindi artista?”

“Madami kasing stalkers yang si Tyrone, mga fans na aggressive- alam mo na. Handang gawin ang lahat mapalapit lang sa kanya. May narinig pa ako dati, gusto daw niyang magkaanak kay Tyrone. Que horror di ba? Yun ang gusto kong iwasan niya.”

“So far wala naman po akong napansin kagabi.”

“Good. Kaya ko pinaalis yung huling PA kasi madaling mabola. Bigyan lang ng load at mga gift certificates, e sinasabi na kung nasaan sila ni Tyrone kaya lagi silang nasusundan!” tila gigil na wika nito.

“Don't worry ninang, hard to get ako,” biro niya. “But seriously, huwag po kayong mag-alala at haharangin ko ang mga iyun.”

“Thanks hija. That's exactly what I need- someone who can protect my son,” seryosong pahayag ng ginang. “Natatakot kasi ako na baka mapikot siya, o baka masaktan.”

“Bakit hindi na lang po bodyguard ang kinuha niyo para kay Tyrone?” inosenteng tanong niya. Naisip kasi ng dalaga- hanggang saan ba niya kayang harangin ang mga babaeng palaban?

“Ayoko namang ikuha ng bodyguard si Tyrone, baka machismis na mama's boy. O di kaya ay bading. Alam mo naman sa showbiz, maraming intriga!”

Star In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon