Chapter 7

22 4 0
                                    


Cullen's POV


Nagising ako dahil sa kakaring ng phone ko. Kanina pa kasi nagriring nakakainis na. Kaya naman umupo ako ng bahagya para kunin yung phone sa side table. At naramdaman ko na lang bigla ang pagsakit ng ulo ko. Shit!



Sinagot ko na ang tawag, bwisit si Enzo lang pala. Ano namang kailangan nito?


"Dude, ikaw ba yan? Gising ka na?" tanong nito na tila excited


"Malamang, sino pa ba?" pagsusungit ko



"Ah baka naman kasi si ano.. Nandyan pa ba siya? Naabutan mo ba siya dyan?" sunod-sunod niyang tanong



"Baliw ka ba? Sinong siya? Ako lang mag-isa dito, anong tingin mo sa akin nag uuwi ng babae?" pikon kong tanong



"Si Yvonne dude, nandyan siya. Tinulungan niya nga akong ihatid ka sa bahay niyo kagabi. Atsaka nagpaiwan siya dyan kagabi para bantayan ka." anito



"Ako ba pinaglololoko mo? Yun lang ba itinawag mo? Bwisit ka, natutulog ako tapos gigisingin mo lang ako para sabihin yung walang kwentang bagay na yan?" pikon kong sabi


"Totoo dude, hindi ka maniniwala sa nakita ko kagabi. For sure magkaka mini heart attack ka kapag nakita mo si Yvonne na kamukhang-kamukha ni---" naudlot niyang sabi



I ended the call. Nakakabanas, maayos yung tulog ko eh, istorbo talaga kahit kailan. At ibinalik ko ulit yung phone sa side table. At napansin ko naman ang basin na may lamang tubig at towel atsaka thermometer na nasa side table.


Teka? Bakit nandyan yung mga yan?



At tinignan ko naman kaagad ang damit ko. Naka polo ako kagabi tapos ngayon naka plain white shirt na ako.


Si Enzo lang naman naghatid sa akin pauwi kagabi ah? Baliw, imposibleng si Enzo ang gagawa nito dahil siguradong hahayaan lang ako nun.


Baka naman si mama? Nakauwi na ba siya? Akala ko ba hindi siya makakauwi ngayon?


Hays bahala na, ang mahalaga nagising pa ako ngayon. Teka, medyo nauuhaw yata ako?



So, lumabas ako ng kwarto at dahan-dahang bumaba para uminom ng tubig. Shit ang bigat talaga ng ulo ko! Naparami siguro ako kagabi?


At habang pababa ng hagdanan ay may naririnig akong tila nagluluto sa kusina, at habang papalapit ako ay mas lalo kong naamoy ang niluluto nitong fried rice. Sabi ko na nga ba umuwi si mama eh. Lagot na naman ako nito!


"Ma.." tawag ko


Pero nagulat ako the moment na nakita ko yung babaeng nagluluto na nakatalikod, hindi ito si mama.


"Oh, gising ka na pala?" sabi nito sabay lingon sakin



At para bang nalaglag ang panga ko at nanghina bigla ang mga binti ko dahil sa nakita ko. Napaupo ako sa sahig dahil sa gulat at pagkabigat ng ulo ko.



W-Wait! Whaaat? Am I under the influence of drugs? Teka, totoo ba itong nakikita ko o namamalik-mata lang ulit ako?


At dahil sa hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ipinikit ko ng maiigi ang mga mata ko at binuksan ulit. Pero walang nagbago, ganun pa rin ang nakikita ko.


Si Yngrid na nakatayo ngayon sa harap ko. Lord, ibinabalik niyo na po ba siya sa akin? Hindi niyo na po ba siya kukunin?


"Para ka namang nakakita ng multo dyan? Tumayo ka nga para kang timang." seryosong sabi nito habang inaayos na ang mga pagkain sa mesa



What Part of Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon