Chapter 1

53 3 0
                                    

11 MONTHS LATER...


Yngrid's POV


"Len, malayo pa ba?" tanong ko habang nakatakip ang mga mata at inaalalayan niya paakyat.


"Malapit na love, konting hakbang na lang." natatawa niyang sabi


At patuloy kaming umakyat sa napakahabang hagdan. Nakakapagod na, nakakailang hakbang na rin kami pero di niya pa rin tinatanggal ang blindfold sa mga mata ko.

"Finally, we're here!" sabi niya "Are you ready to see it love?" dagdag niyang tanong


"Yeees!" nasasabik kong sagot

At dahan-dahan niyang tinanggal ang takip sa mga mata ko sabay ng dahan-dahan kong pagmulat nito.


Laking gulat ko nang makita ko ang isang giant heart-shaped couch na pinalibutan ng red petals and scented candles. Sa bandang gilid naman ay may malaking piano.


" Alam kong napagod ka kakaakyat kaya naman ihahatid na kita sa iyong trono, mahal kong prinsesa. " nakangiti niyang sambit


And he offered his arm like a prince and gently walk me to the giant heart-shaped couch. He gave me a bouquet of roses and kissed me on my cheeks.


"I love you" bulong niya


At nagtungo na ito sa piano sabay upo at inayos ang microphone.


"Love, having you by my side makes me the happiest, most grateful and luckiest guy in the world. I love you! " nakangiti niyang sabi


At nagsimula na siyang mag piano at kumanta.


Wise men say only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?


Nakatitig lang siya sa akin habang nagpipiano at kumakanta na tila ba alam na alam niya na ang ginagawa niya. At ako naman itong hindi maalis ang mga mata sa kanya at hindi ko nalang namalayan na unti-unti na rin pa lang pumapatak ang mga luha sa mata ko.


Like a river flows surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be
Take my hand, take my whole life too
For I can't help falling in love with you.

Maya-maya ay dahan-dahang nagsilabasan ang mga kaibigan ni Len at may hawak na letter balloons at nag form ng "Happy 4th Anniversary."

At dahil doon mas napaiyak ako lalo. Iyak dahilan ng sobrang saya at pangamba na ito na ang huling anniversary na icecelebrate ko with him.

Lumapit na si Len sa akin at umupo sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit sabay sabing, " Happy 4th Anniversary Love, I'm looking forward for more anniversaries to celebrate with you. I love you so much! "

Hinalikan niya ako sa noo at pinapahiran ang luha ko na hindi humihinto kakapatak.


Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa dahil feeling ko di ko rin masasabi ang gusto kong sabihin dahil sa kakahikbi ko. Basta niyakap ko na lang din siya ng mahigpit. At naramdaman ko na lang na unti-unti na akong nanghina. And everything went black.

Cullen's POV


"Cullen!" natatarantang tawag sa akin ni tita habang tumatakbo sa direksyon ko



"What happened?" nag-aalalang tanong ni tito


"Tito, tita, hindi ko po alam kung bakit biglang nawalan ng malay si Yngrid. Nagulat na lang po talaga ako sa nangyari." nag-aalala kong paliwanag sa kanila


"Goodness!" naiiyak na sambit ni tita


Niyakap ko na lang si tita para mapakalma ito at nagdadasal na lang habang hinihintay ang doctor na lumabas at ipaalam sa amin kung ano ba talaga ang nangyari kay Yngrid.

Umabot rin ng isang oras ang paghihintay namin bago lumabas ang doctor.


"Doc. how's my daughter? Please tell me she's fine, please?" umiiyak na pakiusap ni tita


"Madam, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I'm sorry to tell you this, but your daughter only has a few hours left to live. I guess you already know that she has a glioblastoma multiforme which is considered a grade 4 tumor. They are the most aggressive and are very infiltrative, they spread into other parts of the brain quickly. If you had treated it immediately it would have cured. But it happened, it is already there, so I'm really sorry to say but we can't do anything to extend her life." nalulungkot na sabi ng doctor



ANOOO? Alam ko hindi ako bobo, naintindihan ko lahat ng sinabi ng doctor perooo... ANOOO?



"WAIT! WHAT?" napasigaw ako dahil sa sobrang pagkagulat



"Cullen please calm down" mahinahon na sabi ni tito para mapakalma ako



"You must be kidding, Doc. What are you trying to say? Do you mean my girlfriend will die anytime soon? Sino ka para sabihin yun?" galit kong tanong


"Look, if you want to know more about your girlfriend's disease then I'm more than willing to spare you some time to discuss about the results we got, just follow me on my office." sabi ng doctor

At umalis na ito, habang ako naman ay naiwang hindi makagalaw sa pwesto at puno ng katanungan ang isip.


Napatingin na lang ako kina tita at tito at unti-unti ulit tumulo ang mga luha ko.


"Tita? Tito?" tanong ko


"Cullen.." naiiyak na sabi ni tita habang tinatakpan ang bibig niya


"Cullen hijo, patawarin mo kami kung itinago namin ito sayo. Gustuhin man naming sabihin sayo pero nagmakaawa sa amin si Yngrid na huwag itong sabihin sa kahit na sino, lalo na sayo. Alam mo naman kung gaano din kasakit para sa amin ito. We are very sorry Cullen." naiiyak na sabi ni tito habang niyayakap si tita.


At bigla na lang nanghina ang mga binti ko, dahilan para mapaupo ako sa sahig at tuluyan na ngang pumutak ang luha sa mga mata ko.


Nooo! Hindi siya mamamatay. Hindi ako papayag!

What Part of Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon