Chapter 6

24 4 0
                                    

Yvonne's POV


Nandito na ako ngayon sa bar na sinasabi nung lalaking kausap ko sa phone kanina.


At inilibot ko ang paningin sa buong bar napakaraming tao, nasaan na kaya yun? Mukha lang ni Cullen ang nakikilala ko dahil sa mga pictures na nakita ko sa journal at album ni Yngrid. Kaya si Cullen ang dapat mahagip ng mga mata ko.


"Hey miss, want some?" biglang sulpot ng isang lalaki sa likuran ko at binibigyan ako ng beer


"No thanks" sabi ko at iniwasan ko na kaagad


Jusko naman nasaan na ba kasi yun?



At sa wakas ay nakita ko rin siya. Inabot din ako ng 20mins kakahanap sa lalaking ito. Halatang lasing na lasing na dahil sobrang namumula na at halos hindi na makadilat ang mga mata.



Aba at talaga namang may kasama pang babae? Ano yun may kapalit na kaagad? Napalitan niya na kaagad ang kambal ko?



"So, what now? Aren't you going to give me your number? How am I going to contact you?" nag iinarteng sabi ng babae habang marahang hinahaplos ang pisngi ni Cullen


"I have a terror girlfriend, sooo back off!" nakapikit na sabi ni Cullen habang itinutulak palayo ang babae



Ah good! Tama yan Cullen ganyan nga. Huwag mong lolokohin ang kambal ko kung hindi ako makakalaban mo.



Wait, what am I going to say this time?



"I can make you happier baby" sabi ng babae



At akmang hahalikan na nito si Cullen kaya naman umeksena na ako.



"Hey bitch! Get your dirty hands off on my boyfriend or else I'm gonna break your fucking bones into pieces!" kunwari ay galit kong sabi



"Y-YNGRID?" gulat na gulat na sigaw ng kaibigan ni Cullen



Halos malaglag ang panga nito nang makita ako. I understand, ikaw ba naman makakita ng kamukha ng babaeng patay na? Syempre schocking talaga.


"Are you his girlfriend?" kinakabahang tanong nito


"Isn't it obvious?" galit kong tanong



"I'm sorry about what I said earlier I was just actually kidding. Anyway, I'm leaving. Byeee!" kinakabahang sabi nito sabay nagmadaling umalis



"Y-Yngrid? Tama ba ang nakikita ko? Yngrid ikaw ba yan?" gulat na tanong ni Enzo



"I knew you'd come back to me love." sabi ni Cullen na hindi namakamulat ng mga mata at tuluyan nang nakatulog



"Yngrid? Paano nangyari ito? Nabuhay ka ba ulit? Sino ka ba talaga? Si Yngrid ka ba?" sunod-sunod na tanong nito at gulat na gulat pa rin


"Akala ko ba kailangan mo ng makakatulong sayo para maiuwi itong kaibigan mo? Eh bakit napakarami mo pang tanong? Hindi na mahalaga kung sino ako, ang mahalaga ay maiuwi na itong lasinggero mong kaibigan." pag prangka ko sa kanya



"A-Ah okay sige" sabi niya habang inaalalayan ang kaibigan niya pero nakatingin pa rin sa  akin



"Pwede ba tigilan mo kakatingin sa akin? Baka gusto mong ipokpok ko itong bote ng beer sa ulo mo?" pikon kong sabi


"Ah sorry" sabi niya at dahan-dahang inalalayan niya patayo si Cullen



At muntikan na silang matumba dahil sa medyo mabigat din ito at napakalikot pa.


What Part of Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon