Chapter 23

19 2 0
                                    


Yvonne's POV


Mag-isa lang ako ngayon sa bahay dahil nasa work sila mom and dad. Kaya naman naisipan kong ngayon na lang mag cooking lesson with Cullen, since wala naman akong magawa.




So, I called him. Ilang beses ko siyang tinawagan pero hindi niya sinasagot yung tawag ko. Busy ba siya?




Nasaan kaya 'yon?



Naisipan ko namang tawagan si Enzo para tanungin kung nasaan ang kaibigan niya.




"Hello, Enzo?"




"Yes?" tanong ni Enzo sa kabilang linya




"Alam mo ba kung nasaan si Cullen?" tanong ko




"Si Cullen? Sa pagkakaalam ko niyaya siya ni Aella sa club ng tito niya." sagot ni Enzo




"Club? Ano namang gagawin niya doon?"




"Ah Friday kasi ngayon, for sure maraming tao doon. Just so you know, mahilig kasi tumugtog at kumanta si Cullen. Siguro namiss niya nang kumunta ulit sa club kaya sumama na siya kay Aella." pagpapaliwang ni Enzo




"Oh really?"



"Yeah, bakit may lakad ba kayo ni Cullen ngayon?" tanong ni Enzo




"W-wala naman, ikaw may lakad ka ba?" tanong ko




"Oo, actually paalis na nga ako ng condo kasi magmemeet kami ng chicks na nirereto sa akin ni Jasper." natutuwang sabi ni Enzo



"Hay naku sa susunod na yan, I need you now. Sunduin mo ako dito sa bahay, this is urgent, okay?" nagmamadali kong sabi




"What? Not now, Yvonne." pagtatanggi ni Enzo



"I said I need you now, so hurry and pick me up. I'll be waiting for you. Thanks, Enzo! Bye!" sabi ko sabay end call



So, nagmadali akong nagbihis at nag-ayos. I'm pretty sure susunduin ako dito ni Enzo dahil hindi ako matitiis 'non.



Maya-maya ay may huminto na ngang kotse sa tapat ng bahay namin. Kaya naman nagmadali na akong bumaba at lumabas.



"Finally, you're here." sabi ko sabay bungad sa gate




"Saan ba tayo pupunta? Akala ko ba urgent?" pikon na tanong ni Enzo



Lumabas naman ako ng gate at tuluyang sumakay sa kotse niya.



"Dalhin mo 'ko doon sa club na sinasabi mo." pag-uutos ko




"Ano? Iyon lang ba ang dahilan kaya pinapunta mo 'ko dito? Para samahan ka kina Cullen?" sunod-sunod na tanong ni Enzo




"Obvious ba? Akala mo talaga urgent? Syempre sinabi ko lang 'yon para mapilit kitang mapapunta dito." sagot ko




"Edi sana tinanong mo na lang ako kung saan yung location ng club. Kaya mo namang puntahan 'yon mag-isa eh. Paano na yung chicks na imemeet ko ngayon?" pagrereklamo ni Enzo sabay kamot ulo




"Jusko, chicks lang ba kailangan mo? Marami akong kilalang chicks, don't worry ipapakilala ko sila lahat sayo. Kahit magpalit ka pa ng chicks araw-araw."



"Sabi mo yan ha?" natutuwang sabi ni Enzo




Aba at naniwala naman 'tong mokong na 'to!



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What Part of Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon