Chapter 5

29 4 0
                                    

Yvonne's POV


Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Hindi pa ako nakapagbihis suot ko pa rin yung damit sa biyahe. At bigla kong naalala yung natanggap kong e-mail kay Yngrid last month  bago siya pumanaw.


Kambal may ipapagawa sana ako sayo bago ako tuluyang mawala. Look for my journal in my room under my mattress. Iyon lang ang bagay na naroroon. Do you wonder why I've been hiding it there? Doon lang kasi hindi naghahalungkat si Len. Anyway, just follow the instructions in the letter I'm leaving. Ito nalang ang tanging hiling ko sayo kambal, please pagbigyan mo sana ako. Tatanawin kong isang malaking utang na loob kapag ginawa mo iyon. I love you kambal !♡


So, dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ko at pumunta sa kwarto ni Yngrid. Inilibot ko kaagad ang paningin ko sa buong kwarto niya. Napakahilig niya pala talaga sa mga abstract paintings.


So, agad kong hinanap yung journal niya sa ilalim ng mattress at napansin ko sa side table niya yung picture nila ng boyfriend niya. Magkamukhang-magkamukha nga talaga kami ni Yngrid. Hindi ko ma imagine kung anong magiging sitwasyon namin kung lumaki kaming magkasama at araw-araw naming makikita ang mga itsura namin kahit hindi kami tumingin sa salamin.


At nahanap ko rin yung journal niyang napaka kapal. Paano niya nagagawang magsulat dito araw-araw? Napakasipag niya namang mag kwento sa mga nangyayari sa buhay niya.


So, binuklat ko yung journal niya at tungkol sa boyfriend niya halos ang ikinekwento niya dito. Kaya kahit hindi ko pa nakikilala yung boyfriend niya parang nakilala ko na rin dahil sa kakabasa sa journal niya.


Ipinagpatuloy ko ang pagbubuklat ng journal niya hanggang sa mapadpad ako sa sketch ng mukha ni Cullen, boyfriend ni Yngrid. Napakagaling talaga mag sketch ng kakambal ko, kung nagkaroon lang sana ako ng pagkakataong magpa sketch sa kanya.


Tinitigan ko lang yung sketch at kasabay niyon ay bumagsak ang isang black envelope mula sa journal. Baka ito na nga yung letter na tinutukoy ni Yngrid? Kaya naman dahan-dahan ko itong binuksan at binasa.

    Yvonne,

       If you're reading this, it only means that...well, I'm gone. Pero hindi ang pagkamatay ko ang pag-uusapan natin dito kundi yung favor na sinabi ko sayo sa e-mail. Kakapalan ko na ang mukha ko kambal but don't worry this will be simple. I want you to take care of Cullen. I already told you a lot about him, and you know how precious he is to me. I don't want to leave him but I have no choice.
      I love him so much. Hindi ko alam kung makakaya niya kapag wala na ako. Kaya pakibantayan mo siya at pakialagaan. Hindi ako nagtitiwala sa ibang babae dahil baka saktan at lokohin lang nila ang prinsipe ko. Kaya sayo ko siya ipinagkakatiwala. Huwag mo siyang sasaktan ha? Believe me, he's such a nice and loving guy. Napakadali niyang mahalin.
      Iyon lang ang ipapagawa ko sayo kambal. Sana hindi mo ako biguin.

                                            Truly yours,
                                                 Yngrid

P.S. Kapag tinanggap mo ang responsibilidad na ito, matatahimik na ang kaluluwa ko. But if you fail me, I'm gonna scare you to death LOL


Tignan mo nga naman itong kakambal ko nagawa pang magbiro sa sitwasyon niyang iyon? Yngrid, paano ba maging ikaw?


At tinignan ko ang singsing na nasa ring finger ko. I'm sorry but I guess I have to take this off for now, para walang maging sagabal sa misyon ko. Sa ngayon, ang huling habilin muna ng kakambal ko ang pagtutuunan ko ng pansin. Dahil matagal ko din siyang hindi nakasama at ito na lang ang paraan para makabawi ako sa kanya.


So, tinanggal ko ang singsing sa daliri ko at hinalikan ko iyon bago tuluyang ilagay sa bulsa ko.



Kinabukasan...



Enzo's POV


"Ano ba dude lasing na lasing ka na, halika na't uuwi na tayo." pagsasaway ko kay Cullen


Nasa bar kami ngayon dahil nga niyaya niya akong uminom at ngayon ako naman ang pinapaproblema nito dahil ayaw niya pa daw umuwi.


Tinawagan ko na si tita para may tumulong sa akin sa paghatid  kay Cullen pauwi dahil tiyak matatauhan ito kapag napagalitan na ng mama niya.


"Hello tita?"



"Hey Enzo hijo, mamaya ka na tumawag nasa business meeting ako ngayon. Nasa bahay lang yata si Cullen ngayon? puntahan mo nalang. Sa susunod na araw pa ako makakauwi dahil nag out of town kami. Paki monitor muna ang best friend mo habang wala ako ha? Okay byeee." nagmamadaling sabi ni tita at kaagad pinatay ang tawag


Lagot wala pala dito si tita. Kaya naman pala walang pakialam ang mokong na ito kung saan-saan man siya makarating ngayon? Pero anong gagawin ko dito? Kung nandito lang sana si Yngrid hays.


Ngayon nalang ulit uminom ng sobra si Cullen dahil simula noong naging sila ng Yngrid always with moderation lang ang pag iinom niya pero ngayon halos hindi na makapagsalita ng maayos dahil sa sobrang kalasingan.


What if mommy or daddy na lang ni Yngrid ang hingan ko ng tulong para mapauwi ito? Baka sakaling mahiya  si Cullen at mahikayat nilang umuwi na.


So tinawagan ko na si tita Amanda at nakailang ring lang ay sinagot din nito kaagad.


"Good evening, tita Amanda" nahihiyang pagbati ko



"Hello sir Enzo? Naku sorry po wala po dito si ma'am Amanda ngayon. May kailangan po ba kayo?" sagot ng yaya nila


"Ah ganoon ba? Okay sige salamat na lang po." sagot ko


Papatayin ko na sana ang tawag nang biglang may narinig akong pamilyar na boses sa kabilang linya.


"Sino yan manang?" tanong nito na may pambabaeng boses


"Si sir Enzo po, kaibigan ni sir Cullen" ani yaya



Sino ba ito? May iba pa bang tao sa bahay nila tita Amanda? May bisita ba sila?


"Hey? Anong kailangan mo kay... kay tita?" maangas na tanong nito


Bakit parang narinig ko na ang boses na ito dati? Kilala ko ba ito?


"Sino ka?" tanong ko



"Ikaw, sino ka? At anong pakay mo?" nagsusungit na tanong nito


"Gusto ko lang sana humingi ng tulong kay tita Amanda sa pagpauwi kay Cullen nandito kasi kami ngayon sa bar at lasing na lasing na siya. Sinubukan ko nang pauwiin pero ayaw pa rin, ang kulit." pagpapaliwanag ko


"Saang bar ba yan?" tanong niya



At sinabi ko na kung nasaan kami at bigla niya namang pinatay ang tawag. Teka, sino kaya yun? Hindi kaya scammer yun? Ang tanga mo naman Enzo ba't mo sinabi kaagad kung nasaan kayo? Hindi ka ba nag-iisip na baka hindi katiwa-tiwala yung taong yun? Hays bahala na! Ang importante maiuwi na si Cullen.


At napakamot ulo na lang ako.



Pagbalik ko sa table namin ay may babae nang nasa tabi ni Cullen at halatang nilalandi nito ang kaibigan kong wala na sa katinuan.


"Can I get your number?" tanong ng babae kay Cullen habang inaamoy- amoy ang damit nito


"N-no! My girlfriend would scold me." sagot ni Cullen


"She would never know unless you tell her." pangungulit nito


"Excuse me miss? Kailangan ko nang iuwi ang kaibigan ko lasing na lasing na kasi eh." pagsingit ko sa usapan


"No dude, ayaw ko pang umuwi" pagtanggi ni Cullen



"Ayaw pang umuwi ng kaibigan mo, so hayaan mo muna siyang uminom. Ako na ang bahala sa kanya." sabi ng babaeng lumalandi kay Cullen


Damn it! Anong gagawin ko sa lalaking ito? Jusko napakakulit talaga.

What Part of Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon