Chapter 3

38 3 0
                                    


Cullen's POV


One month na rin ang nakalipas after ng funeral ni Yngrid. Pero nandito pa rin ako sa tagpuan namin naghihintay na baka sakaling maawa ang Diyos sa akin at ibalik niya ang babaeng pinakamamahal ko. Ewan ko ba pero parang feeling ko hindi na ulit babalik yung dati. Hindi ko na alam kung paano pa ko babangon ulit. Hindi ko alam kung paano ko tutuparin yung hiling ni Yngrid na mabuhay ako para sa kanya at sa future ko. Hindi ko na talaga alam.



"Love? Alam ko kasama kita ngayon, alam ko nandyan ka lang. Pwede mo ba akong yakapin? Sobrang nalulungkot ako ngayon eh. Yakapin mo ako, please?" sabi ko na may namumuong luha sa mata



Para akong tanga na kausap ang hangin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa sarili ko hays.



At bigla naman nag ring ang phone ko.



*Mom calling*



"Hello ma?" sagot ko



"Anak nasaan ka? Nag-aalala ako sayo eh baka kung anong gawin mo. Pwede ba umuwi ka na anak? Please?" nag-aalalang sabi ni mama sa kabilang linya



"Ma, wala naman akong gagawing masama eh."



"Please umuwi ka na lang, dito na lang tayo sa bahay. Kailangan mo ba ng kausap? Halika mag-usap tayo." ani mama



Masyado ko na yatang pinapag-alala ang mama ko, kailangan ko na umuwi.



"Sige ma, uuwi na po ako."



"Jusko salamat naman anak, ingat ka pauwi ha? Dahan-dahan lang sa pag drive. I love you." sabi ni mama



And I ended the call.



"Love, mauna na ako ha? Nag-aalala na naman si mama eh alam mo naman yun diba? Hindi yun matatahimik kapag 'di ako umuwi ngayon kaagad. Don't worry I'll be back soon." sabi ko sa hangin



At sumakay na ako sa kotse. Hays traffic pa kaasar!



Binuksan ko naman yung radio para hindi masyadong mainip. At bigla akong nalungkot sa bumungad saking kanta.



She's always on my mind
From the time I wake up 'til I close my eyes
She's everywhere I go
She's all I know


And though she's so far away
It just keeps gettin' stronger, every day
And even now she's gone
I'm still holding on
So tell me where do I start
'Cause it's breakin' my heart
Don't want to let her go.


Maybe my love will come back some day
Only heaven knows
And maybe our hearts will find a way
Only heaven knows
And all I can do is hope and pray
'Cause heaven knows.


Maya-maya ay nakaramdam ulit ako ng namumuong  luha sa mga mata ko. Pero bago pa man ito tuluyang pumatak ay pinigilan ko na kaagad. Ngumiti na lang ako sabay patay ng  radio. Hindi naman nakatulong.



At dahil sa sobrang tagal ng usad dahil sa matinding traffic marami na namang mga batang pulubi ang kumakatok sa mga kotse.



"Kuya palimos po pambili lang po ng pagkain" sabi ng pulubi sabay katok sa car window ko



At binigyan ko naman kaagad para umalis na dahil nag Go signal na rin. At laking gulat ko nang may nakita akong familiar na mukha sa katapat kong kotse.



Teka, namamalik-mata ba ako? Cullen gumising ka! Tama ba ang nakita ko? Bakit parang nakita ko si Yngrid sa kabilang kotse?


Ano ba Cullen? Baliw ka ba? Wala na si Yngrid! Paano mo siya makikita sa kabilang kotse na yun? Pero hindi eh, parang totoo yung nakita ko. Si Yngrid yun hindi ako pwedeng magkamali. Oo kulang ako sa tulog at nagmumukha akong baliw kakausap ko sa hangin at sa sarili ko pero hindi pa ako bulag nakita ko yun, si Yngrid yun.



Kaya naman sinundan ko yung kotse kung saan ko nakita si Yngrid. Bahala na, baliw na kung baliw pero alam ko siya yung nakita ko. Si Yngrid yun!



Patuloy ko pa ring sinusundan yung kotse. At biglang nag ring yung phone ko.



*Mom calling*



"Anak---" naudlot na sabi ni mama



"I'm on my way home ma, mamaya na tayo mag-usap pagkauwi ko. Bye. " sagot ko



Then, I quickly ended the call.



Maya-maya ay nag ring ulit yung phone ko.



*Enzo calling*



Shit wag niyo muna akong istorbohin please, hindi ko pwedeng palagpasin yung kotseng yun.



So, hindi ko pinansin yung tawag ni Enzo at focus pa rin kakasunod sa kotse. Pero nag ring ulit yung phone ko.



*Enzo calling*



"Shit!" bulong ko. At sinagot ko na yung tawag. "Ano bang kailangan mo?" galit kong tanong



"Dude, punta ka dito sa hospital isinugod ko si tita inatake ng highblood, bigla na lang nawalan ng malay." sabi ni Enzo sa kabilang linya




"Shit! Anoo? Saang hospital yan?" gulat kong tanong




At bigla akong nag U-turn para puntahan yung hospital kung saan naroroon si mama. Shit! Ano bang ginagawa mo Cullen? Pati mama mo pinapahirapan mo na.



At pagkatapos ng kalahating oras  ay nakarating na ako sa hospital.



"Enzo, kumusta si mama?" nag-aalala kong tanong



"Don't worry dude, ayos na si tita.  Ngayon nagpapahinga lang siya. Buti na lang talaga pumunta ako sa bahay niyo dahil gusto sana kitang bisitahin. Kaso si tita yung naabutan ko sa sala na halos hindi na makahinga." sabi niya



"Sorry atsaka salamat dude sa pagdala kay mama dito sa hospital." sabi ko sabay lapit kay mama at hinaplos ang buhok nito



"Saan ka ba kasi nanggaling?" tanong niya




"Kapag sinabi ko rin naman hindi ka maniniwala eh."



"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Enzo



"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong nakita ko si Yngrid?" seryoso kong tanong



"Dude naman eh, alam mo kung kulang ka sa tulog please matulog ka na lang. Kung kulang ka sa pagkain, sige wait lang bibilhan kita. Okay?" sabi ni Enzo na akmang lalabas na ng room para bumili ng pagkain.



"Seryoso ako dude, nakita ng dalawang mata ko si Yngrid nakasakay sa kotseng nakatapat sa kotse ko kanina. Sinubukan kong sundan pero hindi ko na nga nagawa dahil pumunta ako dito." pagpapaliwanag ko.



"Cullen naman, pwede ba maawa ka naman sa sarili mo? Naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo. Pero sa tingin mo ba kung nabubuhay pa si Yngrid, matutuwa siya sa ginagawa mo ngayon? Halos napapabayaan mo na sarili mo dude. Tanggapin mo na lang kasi na kahit anong pagmumukmok ang gawin mo, wala na si Yngrid at hindi mo na maibabalik yun. Okay? Isa lang din naman ang hiling niya sayo eh, na mamuhay ka ng maayos kahit wala na siya. Hindi mo ba yun kayang gawin para sa kanya?" pagpapa unawa sa akin ni Enzo



At bigla na lang ako natauhan sa mga sinabi ni Enzo. Tama naman siya eh. Nagmumukha na akong tanga sa pinaggagagawa ko. At hindi ito ang gustong mangyari ni Yngrid.



Pero ang hirap eh, parang 'di ko yata kaya?

What Part of Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon