Chapter 11

35 4 0
                                    

Yvonne's POV

Nalaman ko kay Enzo na may lakad si Cullen ngayon dahil makikipag meet daw ito sa ex girlfriend niya.


Kaya naman maaga akong gumising para masundan at palihim na bantayan siya.



Nandito na ako ngayon malapit sa labas ng bahay nila Cullen naghihintay na lumabas na siya.



I just wear a hoodie jacket, jeans, sneakers, hat, and shades para di niya ako makilala kaya kailangan kong mag disguise.



Nakakainis lang na ginagawa ko ito. But I remember, I'm doing this for Yngrid and not for myself.



Maya-maya ay bumukas na yung gate at lumabas na yung kotse. At nakita ko si Cullen na nagdradrive nito. Kaya naman dahan-dahan ko siyang sinundan para hindi niya mapansin.



At sinundan ko lang siya hanggang sa nakarating ito sa isang coffee shop. Hinintay ko muna siyang mag park ng car niya at naghanap na din ako ng pwedeng mapaglagyan ng kotse ko.



Bumaba na siya ng kotse at pumasok sa loob ng coffee shop at dahan-dahan ko ulit siyang sinundan.



At huminto siya sa tapat ng isang mestisang babae na napakapayat at pulang-pula ang labi.



So, naghanap na rin ako ng upuan na malapit lang sa kanila para marinig ko ang pinag-uusapan nila.



"I haven't seen you in ages! I'm glad you came." natutuwang sabi ng babae



At hindi naman nagsalita si Cullen.



"Ah.. I've already ordered for you. Espresso is your favorite, right?" sabi nung ex niya




"Cappuccino" tipid na sagot ni Cullen



"Ah iba na pala? I'm sorry, sige mag oorder na lang ako ulit. Waite---" naudlot na sabi ni ng ex niya



"Nevermind." pagtanggi ni Cullen. "Ano bang gusto mong pag-usapan?" seryosong tanong ni Cullen



"Ma'am, can I take your order?" biglang tanong ng waitress sa akin



Aish ang epal naman neto.



"Ah cappuccino." kaagad kong sabi at nagpatuloy sa pakikinig sa kanila



"Large or---" naudlot na tanong ng waitress



"Anything!" pikon kong sabi



"Ah okay ma'am." sabi nito at umalis na



At nagpatuloy ako sa pakikinig sa usapan nila.



"I heard your girlfriend passed away last month, I feel bad about that." seryosong sabi ng ex niya



"Look Danna, kung iyan lang din ang pag-uusapan natin, pwede ba huwag nalang tayo mag-usap?" pabulong na sabi ni Cullen




"No, I'm sorry. Hindi ito ang gusto kong sabihin sayo." sabi naman nung Danna




"Then, what? Why don't you just say it?" pikon na tanong ni Cullen



"Cullen.. I--I still can't get over you." naiiyak na sabi ni Danna



At nagulat naman ako sa sinabi niyang iyon. Pero si Cullen tila wala lang sa kanya yung sinabi ng ex niya. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kanya.



What Part of Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon