Chapter 18

43 4 0
                                    

Yvonne's POV



Nagising ako dahil sa ingay ng mga girls habang nag-aayos.



"Girls need help, which is better?" tanong ni Frenchie habang pinapakita yung hawak niyang dalawang pair ng swim wear




"That white one suits you better, mas sexy ka tignan dyan mas lalong mabibighani si Dean sayo nyan." sagot ni Czarina habang inaayos yung scarf niya





"Really?" nakangiting tanong ni Frenchie




"Oo nga, sige na magbihis ka na." sabi ni Czarina




"Wow Aella, bagay na bagay sayo yang bikini mo ha? For sure mapapansin ka na ni Cullen nyan, diba girls?" sabi ni Blair habang nagpapahid ng lotion sa legs niya




"Stop it Blair, I'm not wearing these to impress him!" pataray na sabi ni Aella habang sinusuklay ang buhok niya




"Okay sabi mo eh." natatawang sabi ni Blair




Nakahiga lang ako habang tinitignan silang nag-aayos. Nakakatamad pa kasing bumangon, gusto ko pang matulog.




"Oh Yvonne, gising ka na pala? Bumangon ka na dyan, we'll play volleyball and go kayaking after." sabi ni Phoebe




"Ah yeah sure, mauna na lang kayo at susunod na lang ako." sabi ko sabay ngiti




"We gotta go!" nasasabik na sabi ni Blair




At lumabas na sila habang naiwan akong nakahiga pa rin sa kama.




Volleyball? Hindi naman ako marunong maglaro nun eh. Kayaking? Gooo!



So, bumangon na ako at nagtungo na sa CR para maghilamos at magbihis.




I put my black two piece on with a white see-through and a straw hat. I just let my long hair down and just put some moituriser on my face.




At lumabas na rin ako at nagtungo sa beach. Naabutan ko naman silang naglalaro na ng volleyball.




"Pwede pa bang sumali?" tanong ko sabay tanggal ng hat ko




At lumingon silang lahat sa akin at halatang gulat ang mga ito. Walang nagsalita sa kanila at tinignan lang ako.




This is fucking awkward!



"U-uhm.. guys?" nahihiya kong sabi sabay marahang itinaas ang kaliwa kong kamay para mapukaw ang atensyon nila



"Whoa Yvonne, ikaw ba yan?" gulat na tanong ni Enzo



At napa smirk na lang ako.



"Hindi ako marunong maglaro ng volleyball, pero pwede ba akong sumali?" tanong ko sabay ngiti sa kanila



"Ah yeah sure, ako bahala sayo. Dito ka na lang sa team namin para ma guide kita." nakangiting sabi ni Matt




"Wag masyadong magpahalata dude." natatawang sabi ni Jasper




"Bakit? Ano ba?" nahihiyang tanong ni Matt



"Sige naaa! Simulan na natin ang laro." sabi ni Frenchie na umagaw sa atensyon naming lahat



So, tama lang dahil twelve kaming lahat. Mga kateam ko sila Matt, Phoebe, Steve, Czarina at si Cullen. Habang ang kabilang team naman ay sila Aella, Enzo, Jasper, Dean, Frenchie at Blair.



What Part of Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon