Chapter 15

37 4 0
                                    

Enzo's POV

Nakarating na kami sa resort nila Matt, napakaganda at napakaluwag nito.


For sure masaya 'to kasi exclusive lang para sa amin for two days 'tong resort nila.

So, nagtungo na kami sa mga rooms namin. Hiwalay lang yung para sa girls and boys. Twelve kaming lahat dahil humabol si Cullen, anim kaming mga lalaki at anim rin ang mga babae.



Nandito na kaming boys ngayon sa room namin, maliban kay Matt na hinahatid yung mga girls sa room nila.



Ito yung pinili naming room para lahat kaming anim ay sama-sama. Maluwag naman yung kwarto at napakaaliwalas. May anim na kama, anim na cabinets, anim na side tables, malaking couch, malaking TV, at may comfort room na rin.


"So, anong first activity natin dito?" tanong ni Steve sabay lapag ng bag niya sa kama



"Syempre inuman agad, wag tayong magsayang ng oras. Sabi ni dad masama daw magpalipas ng alak. Maraming beer at wine dito, atin daw yun lahat sabi ni Matt." natatawang sabi ni Jasper



"Gusto ko yaaan!" pagsang-ayon ko


"Labas muna ako ha? magpapahangin lang." sabi ni Dean



"Magpapahangin daw? Ang sabihin mo pupuntahan mo lang si Frenchie. Kayo talagang mag jowa, ilang minuto lang hindi magsama hindi na kaagad makatiis. Magpakasal na kasi kayo, nahiya pa kayo eh." pangungulit ni Jasper



"Gago! Inggit ka lang dude palibhasa pinagpalit ka sa amerikanong hilaw." natatawang sabi ni Dean



"Lumayas ka! Wag ka nang babalik dito ha?" naiiritang sabi ni Jasper sabay bato kay Dean ng tsinelas


At tumakbo naman si Dean palabas.



Napansin ko naman si Cullen na tahimik lang na nakahiga sa couch habang nag cecellphone. Kaya nilapitan ko ito at bigla kong inagaw yung hawak niyang phone.


"Ano ba Enzo?" pikon niyang tanong


"Bakit ka sumama? Sabi ko na nga ba kakainin mo rin yung "no way" mo eh." pang-aasar ko


At hindi niya naman ako pinansin, as usual.


"Hoy Enzo wag mo nang asarin yang si Cullen at baka umuwi pa yan." natatawang sabi ni Steve


"May babantayan siya dito, kaya hindi 'to uuwi. Diba dude?" natatawa kong sabi sabay akbay kay Cullen


"Ah personal assistant?" pang-aasar na tanong ni Jasper


"Hindi dude, bodyguard." pang-aasar din ni Steve


"Baka naman guardian angel?" natatawang tanong ni Jasper


"Enough." seryosong pagsaway ni Cullen


"Hala seryoso tayo ah?" sabi ni Jasper na nang-aasar pa rin


"Cullen wag ka naman masyadong seryoso, tatanda ka kaagad niyan." sabi ni Steve


"Pwede ba kung wala kayong magawa, wag ako ang pagtripan niyo?" pikon na sabi Cullen sabay tayo sa kinauupoan niya at lumabas ng room


At sabay naman nito ang pagpasok ni Matt.


"Oh anong nangyari doon?" tanong ni Matt habang pinagmamasdan ang pag alis ni Cullen


"Biniro lang naman namin tapos napikon kaagad." natatawang sabi ni Jasper


"Loko" sabi ni Matt sabay smirk


What Part of Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon