Chapter 4

35 4 0
                                    

Yvonne's POV


"Yvonne hija, I'm glad you arrived safely." sabi ng isang misis sabay salubong at yakap sa akin


I sighed.


"Napagod ka yata sa biyahe anak? Napalinis na namin yung kwarto mo, baka gusto mo na magpahinga? O kaya naman baka nagugutom ka? Nakapaghanda na rin kami ng pagkain." sabi ulit ng misis habang patuloy natataranta pero nakangiti pa rin


"Yvonne hija, please feel at home. Kung may kailangan ka just tell us o kaya yung mga katulong dito." sabi naman ng mister


Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa mag-asawang ito. Ang alam ko lang mga magulang sila ni Yngrid pero wala akong intensyon na tawagin silang tita at tito, at mas lalo namang hindi ko sila tatawaging mom and dad.


"I'm tired, I wanna rest." tinatamad kong sabi


"Yeah sure hija, halika at ihahatid ka namin sa kwarto mo." sabi ng misis. "Yaya pakibitbit na lang ng mga baggage sa taas." utos nito


"Yes ma'am."


At umakyat na kami para pumunta sa kwarto.


"Ito nga pala yung masters bedroom anak, dyan kami natutulog ng daddy mo. So, kung may kailangan ka sa gabi kapag di ka nakakatulog pwede kang kumatok na lang sa---" naudlot niyang sabi


"I don't have time for house tour, I'm tired." seryoso kong sabi


"Oh yeah, I'm sorry about that hija." nakangiting sambit nito. "So this is your room, sana magustuhan mo yung ambience hindi kasi namin alam kung anong gusto mong ayos ng kwarto but feel free to re-arrange it. Kung gusto mong ipaayos sabihan mo lang kami ng daddy mo, okay?" sabi ng misis sabay hawak ng kamay ko


At tinignan ko lang yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko at kaagad niya naman itong tinanggal.



"Ah sorry hija" naiilang niyang sambit.


"Hon, hayaan na natin si Yvonne para makapagpahinga na siya." sabi ng mister sabay tapik sa balikat ng asawa niya. "Basta anak kung may kailangan ka huwag kang mahihiyang magsabi." dagdag pa nito


At lumabas na sila ng kwarto kaya naman isinara ko na agad ito.


Umupo ako sa kama at inilibot ang paningin sa buong kwarto at nakaagaw sa atensyon ko ang isang family picture sa side table. Kinuha ko ito at tinignan ng mabuti.


Nasa picture ang dalawang mag-asawa at dalawang sanggol na babae. At hindi ako maaaring magkamali, ako ang isa sa mga sanggol na ito.


Yeah it's Yngrid and I, cause we're identical twins. And we just found out recently na magkambal pala kami. Simula pagkabata ko akala ko wala akong kapatid. Akala ko mga magulang ko talaga ang nagpalaki sa akin, but I was wrong. My entire life was a lie.


Flashback



@Colorado, United States



"Happy 24th Birthday our unica hija!" masayang pagbati sa akin nila mommy at daddy



"C'mon sweetheart, make a wish." masayang sambit ni dad habang hawak ang malaking cake.



Then, I slowly closed my eyes and blew the candle as I make a wish. And they smiled and both kissed me on my cheeks and put a very cute birthday hat on my head.


"Whoa!"


Wala akong ibang masabi dahil sa sobrang pagka flatter. My heart is very happy right now. I'm just so grateful to have them, they're such an awesome parents.


What Part of Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon