Chapter 9

31 3 0
                                    


Cullen's POV


Nakarating na kami ni Yvonne sa venue ng party ni Matt. Nandito kami ngayon sa penthouse niya. Sa totoo lang medyo kinakabahan talaga ako dahil alam na alam ko ang magiging reaction nila kapag ipinakilala ko sa kanila si Yvonne.



Pero hindi rin naman talaga maitatago sa kanila ito, kaya mas mabuti nang malaman nila. Bahala na.



So nagdoorbell na kami at mula dito palang sa pinto ay dinig na dinig na namin ang ingay mula sa loob.




"Huwag kang magpapasaway dito ah." bilin ko kay Yvonne


"Anong tingin mo sa akin, bata?" pagtataray nito



At maya-maya ay pinagbuksan na kami ng pinto ni Matt.




"Oh there you are dudeee." masayang salubong nito sabay pat ng shoulder ko



"Happy birthday dude!" pagbati ko sa kanya sabay abot ng regalo sa kanya



"Aba nag-abala ka pa." nakangiting sabi nito sabay tanggap ng regalo



At bigla namang sumulpot at nagpakita si Yvonne kay Matt na nakangiti sabay sabing, "Happy Birthday! Sorry hindi ko alam na birthday party pala ang dadaluhan ko akala ko kasi kung anong party lang. So hindi ako nakapag prepare ng gift. But don't worry may next time pa naman." sabi nito



At halatang gulat na gulat si Matt sa nakita niya. Sino ba namang hindi magugulat? Eh wala namang may alam sa amin na may kakambal pala si Yngrid.



Hays nakakatamad mag explain.



"Si Yvonne dude, twin sister ni Yngrid. Yvonne, si Matt kaibigan ko." pagpapakilala ko para sa kanila



At patuloy pa ring nakatitig si Matt kay Yvonne.



"Nice to meet you." sabi ni Yvonne sabay abot ng kamay na tila makikipag shakehands


At tulala pa rin si Matt pero inabot niya ang kamay ni Yvonne at ako naman itong nakatingin lang sa kanila at sa magkahawak nilang kamay.



Seryoso? Ano ito eksena sa palabas?



So, pinaghiwalay ko na ang mga kamay nila sabay sabing, "Ano? Dito nalang ba tayo?" seryoso kong tanong



At tumuloy na nga kami sa loob at napakarami na pala ng tao.



Nagulat naman ako nang biglang may umakbay sa akin.



"Isinama mo talaga si kambal ah. Bakit ngayon lang kayo? Diba kanina ka pa umalis sa bahay niyo?" pangungulit ni Enzo



At bahagya ko siyang siniko at inalis yung braso niya sa balikat ko.



Prinoproblema ko ngayon kung paano ko ipapakilala itong pasaway na babaeng ito sa lahat ng mga bisitang nandito ngayon dahil lahat sila nakakakilala kay Yngrid.


At yun na nga. Nagtitinginan na ang mga bisita kay Yvonne na halatang gulat na gulat at ngayon ay nagbubulungan na.



At nagulat na lang ako nang biglang magsalita si Matt sa gitna gamit ang microphone at nagtahimikan ang lahat. "Attention everyone! I know you are all in shock the moment you witness this unexpected guest who's such a gorgeous lady. *sabay turo kay Yvonne* By the way, she's Yvonne, Yngrid's twin sister." pagpapakilala ni Matt kay Yvonne



What Part of Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon