Hindi ko parin matanggal-tanggal ang titig ko sa kaniya. It's been almost 3 years na hindi ko siya nakita.
Napansin siguro niya yung pagtitig ko sa kanya kaya napalingon din siya sakin. Mukhang nagulat din siya sa presensya ko dahil bakas sa mukha niya. Pero bigla niyang iniwas yung tingin niya sa akin, at nagsimula nang maglakad sa counter.
Binaling ko nalang din yung paningin ko kay Joshua na ngayon ay tumititig sa akin ng malalim. Tinagilid niya ng bahagya ang mukha niya, kaya napakunot ang noo ko.
"Kilala mo ba yon?" aniya.
"Hindi." i tried not to stutter at napaiwas ako ng tingin.
I badly wanna ask her, why'd she leave me that day.
Saktong saktong pagka baling ko ay palabas na siya ng Café.
"I'll go na. Thanks for the treat, bye." sabi ko sa kanya, hinalikan ko muna siya sa pisnge bago patakbong lumabas sa Café, hindi ko na hinintay ang sagot niya.
Nang makalabas ako ng Café ay patingin tingin ako sa kung saan siya, at yon nga nakita ko siya papunta sa car park.
"Sapph!" sambit ko habang tumatakbo papalapit sa kanya.
Bubuksan niya pa sana yung pintuan ng sasakyan niya nang hinawakan ko ito. Lumingon siya sa akin, napakalamig ng titig niya.
Panay ang lunok ko dahil parang maiiyak na ako.
"Can we talk?" pinipigilan kong hindi ma basag ang boses ko pero hindi ko na kaya. Kaya yumuko nalang ako.
"Get in." Aniya sa malamig na tono.
Tumango ako at iginaya ang sarili sa front seat, nauna na siyang makaupo doon sa driver's seat.
Natahamik muna kaming dalawa ng ilang segundo bago ko iyon binasag.
"Why?" Agad kong tanong.
Why did you leave me? Why didn't you show up that day? Why did you cut off our communication? Ang dami why's sa isip ko at alam kong ikaw lang ang makakasagot.
Naka move on na ako pero i still need a proper closure. Or I'm still denying things? Ewan, minsan hindi ko na kilala ang sarili ko.
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisnge kong hindi ko namalayan at bumaling ako sa kanya. Her eyes is still focus on the front. Nakita ko siyang lumunok bago binuka ang bibig.
"I'm sorry." she said with a sad voice.
"I don't need it, Sapph! I want an explanation!" sigaw ko. And a lone tear fell again. Nagulat siya sa pagsigaw ko kaya napapikit siya.
And she started explaining everything, every single details. At sa bawat pagbigkas niya ay nanlalaki ang mata ko dahil sa gulat.
I can't believe it. Mia?
"I-I... d-dont know what to..." hindi ko na natapos ang salita ko dahil sa gulat. Kumirot ang puso ko kaya may luha na namang tumulo.
"It's true, Eira. Kahit tanungin mo pa si Mia." aniya.
How? Paano siya napasok?
"I-I g-gotta go..." wala sa sariling sabi ko kahit nauutal parin ako. Pinigilan pa sana niya ako pero tuloy na ako sa paglabas sa sasakyan niya. Nakatulala parin ako pagkalabas. Blurry parin ang paningin ko kaya pinunasan ko ito.
How come hindi ko alam na mag ex sila? I'm so fckin dumb. Lahat ng mga drama ko tungkol sa kanya ay sinasabi ko kay Mia. Pero bakit hindi man lang niya masabi sabi sakin na mag-ex sila?
YOU ARE READING
Rekindled Feelings (Chavez Primos Series #1)
RandomEira Cee Chavez becomes a successful Fashion Designer, she thought her life would be better without Axel Klein Beethoven, not until he met him again and ask her to marry him unexpectedly. [I started writing this story last January, and ngayon ko la...