Chapter 13

0 0 0
                                    

Half day lang ang klase namin ngayon, we are given so much time for our make over for this promenade tonight. Nasa salon ako with the tatlong bebe.

Nag pa nail polish kami. 1 P. M pa naman and the prom starts at 7 so we really have so much time tho, not sure sa iba kung effort sila mag me-make up ngayon.

"Ah! I feel so fresh!" sambit ni Trisha pagkalabas namin sa Salon, iniwagayway pa ang bagong ayos na buhok. Ganoon din ako nag pa ayos ng buhok pagkatapos namin mag Nail Polish. Umiling nalang kaming tatlo sa kanya at pumunta nalang sa malapit na restaurant, na nasa loob parin ng mall.

Wala na kaming balita kay Joshua, it's been a week since last kami nagkita, and noong inaresto siya. Ayon nag sisi tuloy ako kung bat hindi ko pa siya kinulong agad, hindi ko naman kasi alam na nag do-droga ba siya, kung totoo man.

I sigh.

"Mukhang malaki iniisip natin, sis ah." ani Axel na katabi ko lang nasa tapat ko naman ang dalawa, katapat ko si Chloe. Mukhang napansin ata niya iyon, kaya umiling ako. Nagkatinginan yung tatlo at nagkibit balikat nalang, hanggang sa dumating ang order namin.

"Hoy 'wag ka masyado magpa ganda ah, dapat ako lang maganda." pagbibiro ni Axel sa akin, natawa nalang ako.

"Maganda na yan si Eira kahit pa naman walang make-up, wag ka ilusyunada bakla." pabirong suway ni Chloe sa kanya, natawa nalang kami at nakita kong pabirong iniirapan ni Axel si Chloe, pero binelatan lang siya nito. Natawa nalang kaming apat.

"BYE ingat kayo." si Chloe, tsaka hinalikan ang pisnge ko, ganoon din si Trisha. Before we part ways, kasi sa apartment ni Axel ako pupunta dahil doon na ako magbibihis tsaka doon narin ako mag me-make-up.

Isa isa kaming sumakay sa aming sasakyan, and on the passenger seat at the back are my things for tonight. Nasa apartment na niya kasi yung gown ko.

4 PM na ng makauwi kami sa apartment niya, agad akong sumalampak sa sofa niya dahil sa pagod, inalalayan naman niya ako sa mga gamit na dala ko kanina.

"Thanks." sambit ko, tsaka napag desisyonan na matulog.

NAGISING ako dahil sa bango ng mamahaling sabon na humahalimoyak sa buong sala, pag dilat ko ay nadatnan ko si Axel na tinutuyo ang buhok gamit ang blower and he's topless! Tanging tuwalya lang ang nakapalupot sa hawak niya, covering half of his body.

And ghad, baklit lahat ng gwapo, gwapo rin ang gusto? His body is so damn well defined, from his bisceps, broad shoulders, and well six pack abs. Bumagay lamang sa fair skin niya.

Napaiwas ako ng tingin at tumikhim nang namalayan kong grabe na pala ako sa pagtitig sa kanya. Pero bakit nga ba ako-

"Ohmyghad!"

Agad akong bumalikwas ng bangon at tumungo sa C.R ng kuwarto niya ng maalala kong Promenade  nga pala ngayon. Nahagilap ng mata ko ang oras at it's almost 5 PM!

I heard Axel evil laugh at the sala, hindi ko na iyon pinansin at naghubad ako tsaka pinaandar ang gripo. It took me a fckin hour to finish taking shower, it's not like hindi pa ako naliligo, I just wanna make myself clean.

Nang matapos ay lumabas ako ng banyo, ang gamit ang bagong towel na pumalupot sa buong katawan ko. Medyo nakonsensya ako sa pagtulo ng mga tubig galing sa buhok ko, sa sahig.

Nagbihis muna ako ng simpleng damit bago nag blow dry ng buhok, Axel helped me too. And he told me na siya nalang ang mag make up sa akin.

"No! Ako na, tsaka baka hindi ka makapag bihis." Agad kong tanggi dahil 6 PM na, light make up lang naman to at marunong naman ako.

Rekindled Feelings (Chavez Primos Series #1) Where stories live. Discover now