Andito ako ngayon sa Café sipping my iced coffee. Medyo matagal tagal din akong nakauwi kagabi mga 11 P. M na ata. I'm just out here chillin' since 8 A.M pa ang klase ko sa Pre-Cal.
I was just staring outside the glass wall, pinagmamasdan ang mga sasakyang dumadaan, mga bisekleta. Medyo malapit lang din ito sa school kaya okay lang.
I'm wearing a White Button down shirt tucked in to a Black Pants, and a white sneakers. I also wore a gold doubled necklace, a pair of diamond earrings and expensive watch. Civilian outfit ako ngayon dahil yun naman talaga ang schedule. Nakalugay ulit ang di masyadong kulot na buhok ko, inilagay ko sa gilid ng tenga ang buhok ko sa gilid para mabigyang pansin naman ang side bangs ko.
Aalis na sana ako ng Café nang may nadatnan ako papasok. Naka palupot ang kanyang braso sa lalaking ito habang nagtatawanan. Napahinto lang sila nang hindi ako umaalis sa harapan nila, how dare he... how dare he? how dare he cheat on Axel.
I saw his smile slowly faded when he saw my face, napalitan ito ng gulat. Agad akong umiling at malalaki ang hakbang na umalis sa harap nila.
I didn't knew he was following me until hinatak niya ang braso ko. "Hey..." he said, may pag alala sa boses niya. I don't even remember his name. Inis akong humarap sa kanya habang nakapameywang.
He gave me a puppy ay lifted both his hands and rubbed it, pleasing me. “Please don't tell, Axel.” pagmamakaawa niya.
I let out a deep breath bumaling sa ibang direksyon at muli sa kanya, “Talagang hindi, dahil mas maganda pag sa kanyang sariling mata nakita niya ang pinagagawa niyo, hindi sa akin.”
Tinapos ko ang salita ko at agad siyang tinalikuran, mukhang hindi na ako sinusundan noon. Nang makapasok sa sasakyan ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. I felt sorry for Axel. Nanatili ako dito sa loob ng sasakyan ko hanggang sa mag alas otso.
KUNOT noo akong lumabas ng classroom kasabay ng mga estudyante dahil raw eh may performance ang 'Dragon' sa gym ngayon. I'm really fan of them tho, kaso tinatamad talaga ako lumabas ng classroom kaso sabi ni Ma'am eh may points daw kaya sayang naman and I admit na talented talaga sila at mga guwapo.
Nakita kong naghihiyawan na ang mga babae papunta sa gym may hawak pang mga banner. Parang sinampal ng mga demonyo ang mukha nila dahil pulang pula ito, siguro dahil sa liptint na nilalagay nila. Tantya ko ay mga grade 7 ito.
Napailing nalang ako at inaantay ang mga kaibigan ko dahil nauna na ako sa gym, nagpapareserve ng mga upuan ang mga mokong. Third row ang pinili kong uupuan namin, hindi kalayuan sa magpeperform.
Medyo kinakabahan nga lang ako dahil parte ng bandang ito si Joshua, at hindi ko alam kung papanoorin ko ba siya o hindi. I felt relieve nang makitang papunta na sa gawi ko ang mga bruha kong kaibigan, AT MAY DALANG MGA BANNER AMPOTSPA!!
Napairap nalang ako katabi ko na ngayon si Axel at pati siya eh hiyaw ng hiyaw dahil sa excitement. First time niya ito, dahil bago palang din naman siya sa paaralan. Binuklat niya ang naka lukot na banner, tiningnan ko iyon at ang nakalagay ay "WE LOVE YOU DRAGONS!!" with heart design on it. Napailing ulit ako.
Mas lumakas at tumindi ang hiyawan sa loob ng gym nang magsimulang maglakad ang mga miyembro ng banda. Si Zach na drummer, Si Gab na guitarist at sa harapan eh may roong microphone dahil slash vocalist din siya, si Aaron na electric guitarist. Kulang sila ng isa at si Joshua iyon.
"Ho! Go DRAGONS! Go DRAGONS!”
Hiyawan ng mga tao sa loob ng gymnasium pati narin ang mga katabi ko, wala ako sa mood kaya hindi ako nakisabay. Tsaka may hinanakit pa ako sa bandang ito, dahil kay Joshua. Bitter ako, bat ba.
YOU ARE READING
Rekindled Feelings (Chavez Primos Series #1)
AléatoireEira Cee Chavez becomes a successful Fashion Designer, she thought her life would be better without Axel Klein Beethoven, not until he met him again and ask her to marry him unexpectedly. [I started writing this story last January, and ngayon ko la...