TOP

178 5 3
                                    

Ang TOP ay binubuo ng limang nag gagandahang mga dilag , marami ding humahanga sa kanila dahil dito .

Dara dating anak mahirap , nag sumikap at nag aral ng mabuti upang makapasok sa Phoenix U .

Simula bata palang mahilig na talagang mangalikot ng mga gadgets ang batang dara kaya naman ang pagiging IT ang kinuha nyang course .

------------------------------------------------------------

Sarah isang simple at masayang pamilya ang meron sya ngunit nasira ito dahil isang insedente , napagbintangan ang kanyang ama na nag nakaw  ng pera sa dati nitong amo , nakulong ang ama nya  dahil sa walang sapat na pampyansa . Pero hindi naging hadlang iyon upang mangarap ang batang si sarah na magiging abogado at ipagtatanggol ang mga mahihirap .

------------------------------------------------------------
Glenda madaldal at matalinong bata pero sa kabila nito di maikakaila sa batang melissa ang  pangungulila sa mga magulang kahit na kasama nya sa iisang bahay ang mga magulang nito dahil parang wala lang sya sa mga ito , pero di naging hadlang yon sa batang glenda upang mag pursigi at ipakita sa mga magulang nito na maiaahon nya ito sa hirap dahil sa mahal na mahal nya ang mga ito ,nangarap ang batang melissa na maging isang reporter o maging isa sa mga makikilala sa larangan ng komunikasyon upang kahit sa ganitong paraan ay makita o mapansin manlang sya ng kanyang mga magulang .

------------------------------------------------------------

Katherine ( kath ) dating anak mayaman pero naging mahirap dahil nalugi ang negosyo ng kanyang magulang dito nya nakita kung paano sobrang nasaktan ang kanyang mga magulang , dito nya naranasan kung papaano apihin ng mga nakatataas sa buhay , kaya naman pinangako nya sa mga magulang nya na ibabalik ang mga nasimulan ng mga ito .

------------------------------------------------------------

Sabina (sab) gaya ni dara mahilig din itong mangalikot , mahilig syang mag discover ng mga bagay bagay , gaya ng apat mahirap lang din sila pero ito ay naging daan upang mangarap ng mataas ang batang sab .

------------------------------------------------------------

Dahil sa kalagayan ng kanilang kabuhayan lahat sila ay nagsumikap gumawa ng paraan , pinasok ang marangal na mga raket , nag ipon at nakipag tagisan ng talino upang maging isang scholar sa Phoenix U.

Lahat sila ay pinangarap na makapasok sa eskwelahan ito dahil lingid sa kanilang kaalaman na ito ang magiging susi upang maging kilala at mabilis makapasok sa trabaho kung sakaling sila ay mag tapos , dahil alam nila kung gaano kakilala at tinitingala ang paaralang PHOENIX U.

Dahil sa pag pasok nila sa sikat na paaralan dito na mababago ang kanilang buhay at makikila sa grupo ng mga gangster bilang TOP.

------------------------------------------------------------




Short Update po muna tayo hirap mag isip kung paano ko sila ipapakilala hahhaha

Ps. Yung Spg ninyo matagal tagal pa yan kasi di ako sanay hahahah

Pero wait lang kayo
Pag bibigyan ko din kayo hahahhah keep reading lang guys .

Yung nasa taas sila yung TOP

Love lots 🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰

The Gangsters and The BitchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon