Four.

12.1K 323 15
                                    

Lyrica's POV:


"Red anak, ingatan mo si Lyrica at ang magiging apo namin ng Dad mo."

Mahigpit na bilin ni Mommy Ria kay Red. Ngumiti lang si Red sa mom niya at bahagyang tumango.

Pauwi na kami ngayon sa sariling bahay ni Red sa Maynila. Gusto raw kasi ni Red na hiwalay kami sa pamilya niya para naman daw maramdaman niya na totoong may sarili na siyang pamilya.

Hindi ko alam pero may kung ano akong nararamdaman. Pakiramdam ko ay hindi maganda itong desisyon niya na humiwalay kami sa parents niya.

"Hija anak, mag iingat ka palagi ha? Kung may kailangan ka tawagan mo lang si Mommy. Okay?"

Bakas sa mukha at boses ni Mommy Ria na nag aalala talaga siya sa akin. Sa pamamagitan ni Mommy Ria, pansamantala kong nakalimutan na may dinaramdam pala akong hinanakit sa totoong pamilya ko dahil sa ginawa nila sa akin.

"Opo, mommy tatawagan ko po kayo." Nakangiti kong sagot sa kanya. Ginawaran niya muna ako ng mahigpit na yakap at nang maghiwalay kami sa pagyayakapan ay mangiyak ngiyak na siya.

"Mamimiss talaga kita hija," dagdag pa niya.

"Enough mom, aalis na kami at baka gabihin pa kami sa daan." May kainisang sabi ni Red.

"Sige, mag iingat kayo ha?" Muli nitong habilin.

"Ingat sissy! Don't worry bago ako bumalik ng Italy dadalaw ako sa inyo."

"Sige po ate Estella."

"Bro, take care of your wife." Tanging sabi lang ni Kuya William.

Sinimulan nang buhayin ni Red ang makina ng kanyang kotse. Nang paandarin niya na ito ay saka lang ako nakaramdam ng lungkot.

Hindi ko lubusang mawari kung para saan itong lungkot na nararamdaman ko ngayon. Kung nalulungkot ba ako dahil malalayo ako kila Mommy Ria, o kung nalulungkot ako dahil kaming dalawa nalang ni Red.

"Huwag ka masyadong nasasanay sa kanila." Napalingon ako kay Red na seryosong nakatuon an atensiyon sa pagmamaneho.

"Dahil pagkatapos mong manganak magpapa annul din tayo."

Napahigpit ang kapit ko sa seatbelt na suot ko dahil sa mga sinabi niya. Seryoso talaga siya sa pakikipaghiwalay niya matapos kong manganak.

"Okay." Sabi ko nalang kahit na ang totoo ay hindi naman talaga okay.

Matapos ang halos dalawang oras na byahe ay nakarating narin kami sa bahay niya. Nang makita ko ang loob nito ay muli na namang nagflashback sa isip ko ang nangyari sa akin five months ago.

Naalala ko na lasing na lasing ako nang gabing iyon, sa pag aakalang kotse ni kuya Lucas ang nasa parking lot ng bar na pinag inuman ko ay dali-dali akong sumakay dun at nakatulog.

Hanggang sa nagising nalang ako sa isang hindi pamilyar na kwarto at wala na ang pinaka iingatan ko.

Hindi ko naman masisisi si Red sa ginawa niya dahil lasing din daw siya ng gabing iyon, pero kahit na sana diba? Hays!

"Narito na lahat sa bahay ang mga kailangan mo. Pinahanda iyon lahat ni Mommy kaya hindi mo na kailangang lumabas."

Napalingon ako kay Red na seryosong nagsasalita.

"Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako."

"Bakit, saan ka pupunta?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Look Lyrica. I can't stay here with you. May girlfriend ako at ikakagalit niya pa lalo kung magsasama pa tayo."

Napanganga ako sa sinabi niya. So ito pala yung plano niya kaya gusto niyang humiwalay kami. Dahil plano niyang iwan ako mag isa. Sa isiping ito mabilis na nagsibagsakan ang mga luha ko.

Bakit parang ang malas ko naman ata ngayon?

"I-ito yung plano mo?" Natatawa kong tanong sa kanya sa kabila ng pagtulo ng mga luha ko.

"Yeah. Forgive me okay? I'm only human."

"O-okay. Naiintindihan kita. S-sige," tumango-tango ako sa kanya at pilit na ngumiti.

"Thank you. Uuwi lang ako kapag kailangan mo ako. Kapag may kailangan ka."

"Sige."

"Huwag sana itong makakarating kila Mommy, kapag tumawag si Mommy at itanong ako sabihin mo nasa trabaho lang."

"Okay. Saan ka nga pala mamamalagi?" Hindi ko maiwasang tanong.

"I'm staying with Klai."

Tuluyan na akong nabingi sa sariling sakit na nararamdaman ko ngayon. He's staying with his girlfriend. He's staying with his love, yeah.

---

RED'S POV:

"Thank you for keeping your promise hon!" Kaagad akong sinalubong ng mahigpit na yakap at matatamis na ngiti ni Klai, ang girlfriend ko.

Kakarating ko lang sa condo unit niya bitbit ang dalawang maleta na naglalaman ng mga gamit ko.

Nung araw ng kasal namin ni Lyrica ay isa ito sa napag usapan namin ni Klai. Ang manatili ako kasama niya.

Alam kong malaki ang responsibilidad ko kay Lyrica, at hindi ko naman tatakbuhan iyon. Ngunit ang manatili kasama niya ay hindi ko yata kaya.

Nakiusap ako kila Mommy at Daddy na payagan niya kaming bumukod ni Lyrica, at nagpapasalamat ako dahil pumayag naman sila. Wala sa plano ko ang tumira sa iisang bahay kasama ang babaeng 'yon. Ito lang ang tanging paraan na naisip ko. Ang iwan siya sa bahay ko. I already told her to contact me if she needed anything.

"Of course, I love you." I answered her and then kiss her on her lips. Mabilis naman niyang tinugon ang halik ko.

Nang makaramdam ako ng pagod ay pinutol ko din kaagad ang aming halikan.

"I'm tired hon, can we go to sleep now?" Malambing ngunit halatang pagod kong sabi sa kanya. Past 9:00 pm narin kasi.

"Kumain kana ba? Ipaghahain kita."

"Yap, I'm done eating. Matulog na tayo."

"You're done? Kasama ang impaktang malanding haliparot na 'yon?" Tukoy niya kay Lyrica.

"Nope. Kumain ako mag isa sa labas. Huwag kanang nagseselos d'yan." Paglalambing ko sa kanya.

"Akala ko e." Nakasimangot niyang tugon.

"Sinasabi ko sa'yo Richard Earl Daniel Velasquez, pag talaga ako nainis susugurin ko ang impaktang 'yon!" Gigil niyang sabi.

"Stop mentioning my longest name, okay? Wag kana ngang mainis dahil nagsasabi naman ako ng totoo." Pagpapakalma ko sa kanya.

"Okay. Basta pinapaalalahanan lang kita."

I just nod at her. Ang kulit hays.

"Saan ako matutulog?" Tanong ko kay Klai nang makapasok kami sa kwarto niya.

"Diyan ka sa baba." Kinunutan ko siya ng noo.

"Bakit dito?" Reklamo ko.

"Alangan namang dito sa katabi ko? Hoy may asawa kang tao Red ayokong maging kabit! Magtabi nalang tayo kapag na annulled na kayo ni Lyrica!"

"Akala ko ba nag usap na tayo tungkol dito?" Medyo inis kong tanong sa kanya.

"Yeah. Pero nagbago na ang isip ko. Good night hon, have a sweet dreams." Pagkasabi niya nun ay sumalampak na siya sa kama niya at natulog. Okay, she's really serious na dito ako sa sahig matutulog.

Carrying The Stranger's Baby (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon