Lyrica's POV:
Pagmulat ko nang mga mata ko kulay pink na kuwarto ang bumungad sa akin. May ilang alaala akong naalala sa kuwartong ito. Kagayang-kagaya ang kuwarto na 'to sa kuwarto ko sa bahay ni Lolo sa Taiwan.
Hello kitty din ang theme ng kuwarto ko roon. Bigla ko tuloy namiss si Lolo Andro.
"A-anak? Naku, salamat sa Diyos at nagising kana." Dumako ang tingin ko sa pinaggalingan ng pamilyar na boses, boses iyon ni Mommy.
Nakita ko ang alalang-alala na mukha ni Mommy.
'Nananaginip ba ako?'
Saglit kong ipinikit ang mga mata ko. Siguro nananaginip lang ako dahil impossibleng si Mommy iyon.
"Anak, galit ka ba kay Mommy?" Muli kong iminulat ang mga mata ko dahil nakaramdam ako na para nang may humawak sa kamay ko. Nang tingnan ko iyon, mukha ulit ni Mommy ang nakita ko. Umiiyak siya habang hinahawakan ang kamay ko.
Muli akong pumikit at iniling-iling ang ulo ko.
"Lyrica gising na, nananaginip kalang." Pagkumbinsi ko sa sarili ko.
"Anak, hindi ka nananaginip. Si mommy talaga 'to." Muli ko na namang iminulat ang mga mata ko. Sinubukan kong abutin ang mukha ni Mommy. Naabot ko iyon kaya napa iyak ako. Totoong narito si Mommy, dahil alam ko na kung sa panaginip 'to hindi ko mahahawakan si mommy.
"M-mommy huhuhu" iyak ko ng mapagtantong si Mommy talaga itong nasa harapan ko.
Kaagad akong niyakap ni Mommy kaya niyakap ko rin siya pabalik.
"S-sorry 'nak, sorryy.." hingi niya ng tawad habang panay ang paghaplos sa likod at buhok ko.
"I miss you so much po mommy."
"I miss you more anak, miss na miss ka ni mommy." Nang bumitaw si Mommy sa pagkakayakap sa akin ay pinunasan ko ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata niya patungong pisnge niya.
"Anak.."
"Daddy!" Bahagyang lumayo sa akin si Mommy at si Daddy naman ang nagbigay ng mahigpit na yakap sa akin.
"I miss you Lyrica Moore, Daddy missed you so much."
"I miss you too, Daddy. Namiss ko rin po ang pagtawag niyo sa akin sa buong pangalan ko," natatawa kong sabi. Si Daddy lang kasi ang tumatawag sa akin gamit ang dalawang pangalan ko.
"Hija apo ko."
"Lolo Andro!" Kung gaano ko namiss sila Mommy at Daddy, doble naman ang pagka miss ko kay Lolo Andro. Once a year lang kasi siya kung umuuwi ng Pilipinas.
"Nasa Taiwan po ba tayo?" Biglang tanong ko.
"Oo anak." Si Mommy ang sumagot ng tanong ko. So, hindi lang pala 'to kapareho ng kwarto ko sa Taiwan dahil ito pala mismo ang kwarto ko.
"Kailan pa po tayo rito?"
"Apat na araw na. Dinala ka namin rito para maalagaan ka namin at matingnan ka ng Lolo mo. Apat na araw kana ring walang malay," muling tumulo ang mga luha ni Mommy kaya mabilis siyang niyakap ni Daddy. How sweet of them.
"Apat na araw po?" Bigla akong napahawak sa tiyan ko. Nakaramdam ako ng ginhawa ng makumpirma kong narito parin si Baby.
"Kasalanan namin 'to. Kung hindi lang kami nagmatigas ng Dad mo."
"Hay naku Lianne, tama na kakasisi mo sa sarili mo. Ang mahalaga mabuti na ang kalagayan ng apo ko, at huwag mo naring uulitin iyon." Sermon ni Lolo Andro kay Mommy.
"Sorry Pa."
"Bakit ka naman kasi nagpakasal sa inutil na lalaking iyon apo ko?"
Napayoko ako dahil sa sinabi ni Lolo. Bigla ko ring naalala si Red. Kamusta na kaya siya? Masaya na kaya siya ngayong wala na ako?
Hindi ko sinagot si Lolo sa tanong niya. Nanatili lang akong tikom ang bibig.
"Sa makalawa ay uuwi ang kuya mo, dala ang annulmet paper niyo ng Red na 'yon."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Mommy.
"Pero Mommy, ama po siya ng magiging anak ko." Sabi ko sa malungkot na boses.
"Hindi niya deserve maging ama, pinabayaan ka niya at muntik mo pa itong ikamatay."
Naiintindihan kong galit sila kay Red. Pero kahit na, ayoko namang lumaki ng walang ama itong anak ko.
"Lianne, hayaan mong magdesisyon ang anak mo." Biglang sabat ni Lolo.
"Pero Pa,"
"Hayaan mo siya kung gusto niya bang makipag annul sa lalaking iyon, o ano.." si Lolo parin ang nagsalita.
"Fine." Kapag si Lolo talaga, hindi balewala ang desisyon ni Mommy.
"Ano ba ang nais mong mangyari apo?"
"Pag iisipan ko po Lolo." Sagot ko kay Lolo.
"Osiya, sige na Lianne, ikuha mo na muna ng pagkain itong si Lyrica."
"Sige po, pa." Kaagad na tumayo si Mommy at lumabas ng kwarto ko. Sumunod rin si Daddy kaya bale kaming dalawa nalang ni Lolo ang narito sa kwarto ko.
"Apo, hindi ko gusto itong nangyari sa'yo ha. Itong ginawang pagpapahirap sa'yo nang lalaking iyon, pero nasa iyo parin ang desisyon. Makikipag annul ka ba sa kanya?"
"Sa simula palang po, iyon na talaga ang plano niya. Dahil mahal ko po siya, at kung ikakasaya niya ang tuluyan naming paghihiwalay, opo. Pero hindi ko po ipagkakait sa anak ko ang apelyido ng tatay niya. Kung maaari din po, ayoko pong ipagkait ang bata sa pamilya niya."
"Ang galing mo talaga apo ko hahaha manang mana ka talaga sa Lola mo, hayyy"
"Miss niyo na po si Lola 'no?" Biro ko kay Lolo.
"Aba'y oo naman. Siya ang dahilan kung bakit ayoko nang iwan itong Taepie," malungkot at puno ng pagmamahal na wika ni Lolo.
"Gusto niyo po ba,dalawin natin si Lola?"
"Aba'y oo naman. Miss na miss kana rin ng Lola Laida mo, sigurado." Maluha-luhang sabi ni Lolo. Pinunasan ko ang luha ni Lolo gamit ang daliri ko.
Fifteen years old ako ng mamatay si Lola Laida, tandang-tanda ko pa kung gaano nasaktan si Lolo at nadurog nun.
Halos hindi na siya umaalis sa kabaong ni Lola nun at hindi narin siya natutulog. Ganun niya kamahal si Lola.
Napangiti ako matapos kong marealized kung gaano kaswerti ang pamilya ko pagdating sa buhay pag-ibig.
Kung gaano katibay at kalaki ang pagmamahalan ni Lolo Andro at Lola Laida, ni Mommy at Daddy ganun naman ang ikina rupok ng buhay pag ibig ko.
BINABASA MO ANG
Carrying The Stranger's Baby (COMPLETED)
RomanceShe's Lyrica Moore Yang, a woman who accidentally got pregnant by the stranger she just met one night. Dahil sa maaga niyang pagkakabuntis ay magiging dahilan ito sa pagtakwil sa kanya ng kanyang mga magulang. Dahil rin sa kanyang maagang pagkabunti...