Twenty-two.

13.1K 286 11
                                    

Lyrica's POV:

"Hanggang dito nalang ho tayo ma'am." Gulat kong iniangat ang ulo ko mula sa pagkaka-yoko para tingnan ang driver ng taxi'ng sinakyan ko.

"W-what do you mean? Kuya ihatid mo 'ko sa address na sinabi ko sa inyo!" Nanginginig ang tinig ko na sabi sa kanya.

"Pasensiya na ho, masyadong malayo ang Batangas dito sa Cavite. Sayang ang ibang kikitain ko sa ilalaan kong oras maihatid lang kayo." Naiintindihan ko ang punto niya. Subalit wala na akong oras, baka mamaya kung ano na ang gawin nila sa anak ko, natatakot ako.

"K-kuya handa po akong magbayad ng kahit na magkanong halaga, ihatid niyo lang po ako sa lugar na 'yon. Pakiusap?" Muli na namang tumulo ang mga luha ko. Akala ko kanina okay na dahil sa wakas mapupuntahan ko na ang anak ko, ngunit ano 'tong pakulo niya?

"Ma'am sige na ho, sayang ang oras ko. Bumaba na po kayo at sumakay ng kahit na anong van dito sa terminal."

Bagsak ang balikat kong bumaba sa taxi habang patuloy parin ang pagdaloy ng mga luha ko.

"Huwag na po kayong mag-abala na bayaran ako, mukhang emergency naman ang inyong sadya kaya libre nalang ho."

Hindi na ako nakapagpasalamat kay manong dahil kaagad nitong pinaharurot ang taxi niya paalis.

Kagaya ng sinabi niya ay naghanap ako ng van na byaheng Batangas. Laking tuwa ko ng kaagad din akong makasakay. Habang nasa byahe ay panay ang pagdarasal ko sa kaligtasan ng anak ko.

Wala nang ibang laman ang isip ko kundi ang anak ko. Na sana maayos lang siya at hindi siya sinaktan ng kung sino mang hangal ang kaluluwa na kumuha sa anak ko.

"Narito na po tayo." Magalang na saad ng driver ng puting van na sinakyan ko.

Muling bumuhos ang kaba sa aking dibdib sa narinig ko. Mabilis kong binuksan ang pintuan ng van at mabilis na bumaba.

Nasa tapat ako ng isang malaking mansion. Mukhang walang tao dahil madilim ito. Napatingin ako sa cellphone ko, hoping na may text ang kidnapper ng anak ko pero wala.

Tinext ko ito at sinabing narito na ako. Pagkasend ko pa lang ay may reply na kaagad ito na pumasok ako.

Abot-abot ang kaba kong naglakad papasok sa loob ng mansion. Napahawak ako ng mahigpit sa dala kong shoulder bag bago ako dahan-dahang humakbang.

Natigilan ako sa unang hakbang na ginawa ko. Biglang sumindi ang ilaw ng malaking poste rito sa gate ng mansion, kasabay nito ay ang agarang paglatag ng --- red carpet?

Ang kaninang kaba at takot na nararamdaman ko ay saglit na napalitan ng matinding pagka-gulo.

Saktong nasa entrance ng mansion ang red carpet kaya wala akong ibang choice kundi ang tumuntong dito.

Sa unang pagtapat ng mga paa ko sa carpet ay ang isa-isang pagbukas ng mga ilang sa mismong daraanan ko.

Wala akong ideya kung ano ang nangyayari, basta ang nais ko ay makita ang anak ko. Hindi ko pinansin ang bawat milagrong nangyayari sa bawat hakbang na ginagawa ko, kaya narating ko ang main door ng mansion na naguguluhan parin.

Akmang pipihitin ko ang pintuan para buksan ito, ng may nauna ng nagbukas nito. Wala akong makita dahil sa sobrang dilim na bumungad sa akin.

"B-baby?" Nanginginig ang boses kong tawag sa anak ko.

"Nandito na si mama. Asan ka?" Pagpapatuloy ko.

"Mamaa!" Matinding kaba ang lumukob sa buong pagkatao ko matapos kong marinig ang sigaw ng anak ko.

"W-where are you baby?" Mahihimigan sa tono ng boses ko ang labis na pagkatakot at pagkabahala.

Wala paring nagbubukas ng ilaw kaya nanatili akong nakatayo sa gitna ng pintuan. Kinapa ko ang cellphone ko sa shoulder bag na dala ko para gamitin itong ilaw sa dilim na bumabalot sa mansion.

Carrying The Stranger's Baby (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon