Five.

12.4K 315 12
                                    

Lyrica's POV:


Sakto alas otso nang magising ako. Kaagad akong bumangon at nagtungo sa banyo para gawin ang morning routine ko.

Matapos kong maghilamos at magbihis ng pambahay na damit ay lumabas narin ako ng kwarto ko. Dahil wala si Red kaya sa guest room ko naisipang matulog.

Malaki ang bahay niyang ito, ngunit ang lungkot naman dahil ako lang mag isa ang narito.

"Good morning!" Halos mapatalon ako sa sobrang gulat dahil sa nadatnan ko sa kusina.

"K-kuya William?"

"Bakit parang gulat na gulat ka? Hindi ba sinabi sa'yo ni Red na pupunta ako ngayon? By the way, where is he?" Sunod-sunod niyang tanong.

Wala namang sinabi si Red na parating pala ang kuya niya. Paano nga naman niya sasabihin kung wala siya rito diba? Isa pa, wala akong contact number sa kanya.
Natawa pa nga ako kahapon sa sinabi niyang tawagan ko siya kung may kailangan ako, paano naman ako tatawag kung hindi niya ibinigay ang cellphone number niya diba?

"Ah, si Red po kasi maagang pumasok sa opisina niya." Pagdadahilan ko. Naalala ko na kabilin-bilinan niya rin na huwag kong sasabihin sa kahit kanino na hindi kami magkasama rito sa bahay.

"Talaga? Galing ako sa opisina niya e, wala naman siya dun."

"K-kaalis niya lang kasi. Oo, tama kakaalis niya lang."

Kita ko sa mga tingin ni kuya William na hindi siya sa akin naniniwala kaya mabilis akong nag iwas ng tingin.

"Nevermind. Halika na at mag agahan. Ipinagluto kita ng soup." Napangiti ako sa sinabi ni kuya William.

"Salamat."

"Wala 'yon." Sagot niya.

"Kamusta naman kayo ng kapatid ko?"

"Mabuti naman po. Mabait naman si Red." Pagsisinungaling ko.

"Inaalagaan ka ba niya at ang pamangkin ko?"

"O-oo. Inaalagaan naman." Pagsisinungaling ko parin.

"Good."

"K-kuya William?" Tawag ko sa atensiyon niya.

"Yes?"

"Salamat nga pala."

"Saan?" Naguguluhan niyang tanong.

"Sa pagdala sa akin sa bahay niyo nung gabing pinalayas ako sa amin. Naalala ko kasi, ang tagal na nating nagkikita ni hindi pa manlang ako nakakapagpasalamat sa inyo."

"Hahaha ano ka ba naman, wala 'yon. Sadyang nakatakda ata talagang mangyari ang gabing iyon. Akalain mo, sinong mag aakala na ang babaeng nakita kong natutulog sa tabi ng daan ay ina pala ng anak ng bunsong kapatid ko diba?"

"Hehehe oo nga."

"Sige lang, kumain kalang dyan. Ubusin mo lahat 'yan para lumakas ka at si baby."

"Salamat." Naaalala ko si kuya Lucas kay kuya William. Kagaya ni kuya William, maalagaa at sweet din si kuya Lucas. Nakakalungkot nga lang na kinalimutan niya narin ako.

"Hindi ka ba nababagot dito?" Kapag kuway biglang tanong ni kuya William. Kakatapos ko lang kumain at maghugas ng pinagkainan ko.

"Hindi naman po masyado. Ayos lang naman po ako rito."

"Talaga?" Paninigurado niya.

"O-opo-- Oo."

"Mabuti naman. Sige, aalis na ako. Mag iingat ka rito ha? Kung kailangan mo nang makakausap tawagan mo lang ako."

Carrying The Stranger's Baby (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon