LYRICA'S POV:
"Come to nâinai sūnzi!" Nakangiting tawag ni Mommy kay Brent. Kakagising niya lang kaya kinukusot niya pa ang mga mata niya habang naglalakad patungong direksyon ko. Ang cute niya.
(Translation: nâinai - grandma , sūnzi - grandson)
Brent is my three year old son. Napaka bibo niya kaya naman tuwang tuwa sa kanya palagi si Mommy at Daddy, ganun din si kuya Lucas.
"Gâu-chà, mama!" Nakangiti niyang bati sa akin. Kaagad ko siyang binuhat at pinupog ng halik sa magkabilang pisnge niya. Tawa lang siya ng tawa habang ginagawa ko iyon sa kanya.
(Translation: Gâu-chà - Good morning)
"Good morning too my little boy." Pagbati ko sa kanya pabalik. He's only three years old kaya bilang palang ang mga salitang kaya niyang bigkasin. Kadalasan halos isang salita lang ang binabanggit niya.
After I gave birth to him, Mom and Dad decided to sent me back to school. Si Mommy ang nag aalaga kay Brent tuwing nasa school ako. Kaya naman halos Chinese Mandarin ang mga salitang unang natutunan niya.
Ipinagpatuloy ko ang pag aaral ko sa Taiwan sa kursong Bachelor of Fine Arts in Photography.
Graduating na ako this year kaya naman napakasaya ko. Finally, magiging isang ganap na photoghaper na rin ako.
Kakauwi lang namin ng Pilipinas para sa gaganaping malaking pagtitipon sa kompanya ni Kuya Lucas. Bukas nang gabi na ang nasabing pagtitipon kaya naman abala na si kuya Lucas para sa paghahanda para bukas.
Mula nung umuwi kami ng Taiwan si kuya Lucas na ang namahala sa kompanya ni Mom and Dad dito sa Pilipinas hanggang sa nagdecide si Daddy na ipasa na sa pangalan ni kuya Lucas ang Yang's Town Food Processing Corporation.
Habang si Daddy naman ang namahala sa company ni Lolo Andro sa Taiwan. Si Mommy nag resign na sa kompanya ni Lolo para daw maibigay niya ang buong atensiyon niya kay Brent.
"What do you want baby, huh?" Masiglang tanong ko sa kanya. Nginusuan niya muna ako bago siya sumagot.
"Niúnăi mama, niúnăi!" Bibong sagot niya. Sa muli ay napangiti ako dahil sa tuwang nararamdaman ko kapag masaya siya.
(Translation: niúnăi - milk)
"Okay baby, mama will get you milk." Dahan-dahan ko siyang ibinaba sa sofa para ikuha siya ng gatas.
Pagkatapos kong magtimpla ng gatas niya ay naabutan ko siyang nakikipaglaro kay Mommy at Daddy.
Nakasakay siya sa likod ni Daddy tapos hinahabol sila ni Mommy. Tawa ng tawa si Brent habang panay ang sabunot sa buhok ni Dad. Hahaha. Nakakatuwa lang na sobrang laking saya ang dinala ni Brent sa pamilya.
Mula noong dumating siya sa buhay ko, ang daming nagbago. Ang laki ng pinagbago ng buhay ko, ng buhay naming pamilya.
Nagpapasalamat ako sa Diyos na sa kabila ng lahat ay ibinigay niya parin sa akin ang batang si Brent.
"Here's your niúnăi, baby." Pagkarinig niya ng milk niya ay kaagad siyang bumaba sa likod ni Daddy at patakbong lumapit sa akin.
"Milk time sūnzi." Dagdag ni Mommy at umaktong hinahabol siya. Tuloy binilisan ni Brent ang takbo niya palapit sa akin.
Pagkalapit niya sa'kin ay binuhat ko siya at pinahiga sa lap ko dito sa sofa. Habang dumedede siya sa bote ay hindi ko maiwasan ang hindi pagmasdan ang mukha ng anak ko.
He has a dark chocolate eyes, long eye brows and a brownish curly hair. He has also a pointed nose and a dimple on his left cheek.
Kamukhang-kamukha siya ng Papa niya. Nakakalungkot lang isipin na yung curly hair lang yung namana niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Carrying The Stranger's Baby (COMPLETED)
RomansShe's Lyrica Moore Yang, a woman who accidentally got pregnant by the stranger she just met one night. Dahil sa maaga niyang pagkakabuntis ay magiging dahilan ito sa pagtakwil sa kanya ng kanyang mga magulang. Dahil rin sa kanyang maagang pagkabunti...