Ten.

11.5K 276 0
                                    

Lyrica's POV:

"Lyrica!" Nagulat ako at napako sa kinatatayuan ko matapos akong biglang yakapin ni Red.

"S-sorry." Bulong niya. Hindi ako kaagad nakagalaw dahil hindi ko alam kung paano ba mag rereact.

Kakaalis lang ni Leo at sakto naman ang pagdating niya.

"I'm sorry if I came late." Bakas sa boses niya ang sensiridad sa paghingi ng tawad.

"I-it's okay." Tanging itinugon ko nalang sa kanya.

"Okay ka lang ba? Ayos ka lang? Si baby kamusta?" Para siyang worried na asawa na sinusuring mabuti ang katawan ko kung may galos ba ako o kung may masakit ba sa akin. He even touched my tummy, idinikit niya ang tenga niya sa tiyan ko at pinakiramdaman si baby sa loob.

Out of nowhere, napangiti ako. Alam kong walang ibig sabihin ito para sa kanya, pero para sa akin malaking bagay ito.

"A-ayos lang ako...at si baby."

Nang marealized niya na hindi ako komportable sa posisyon namin ay kaagad din siyang bumitaw sa pagkakayakap sa'kin.

"N-nabigla lang ako." Halos utal niyang sabi. Nginitian ko lang siya saying na it's okay walang problema.

"Bakit pala basang-basa ka?" Takang tanong ko sa kanya ng mapansin kong basa ang damit niya.

"Umuulan kasi sa labas. Sige, akyat lang ako." Paalam niya. Tinanguan ko lang siya kaya mabilis siyang umakyat sa hagdan.

Nakakapanibago lang na parang ang normal niya ngayon. I mean, hindi siya malamig magsalita. Hindi nakakunot ang noo niya at walang bahid ng pagkamuhi sa akin.

Gusto kong isipin na siguro okay na kami, pero hindi kakasabi niya lang sa akin na walang ibig sabihin ang anumang ipinapakita niya.

Imbes na mag isip ng mag isip ay napagpasyahan ko nalang din na pumasok na sa kwarto ko dito sa guest room.

Bago ako pumasok nakita kong bumaba ng hagdanan si Red, siguro aayusin niya ang pintuan na sinira ni Leo. Ang lalaking 'yon talaga napaka sadista parin.

KINAUMAGAHAN paglabas ko ng kwarto ay nakita kong maayos na nga ang pintuan ng bahay. So, inayos niya nga talaga.

Ngunit nagulat ako pagsilip ko sa garahe narito parin ang kotse ni Red. Napasulyap ako sa wallclock na nakasabit dito sa may sala, past ten na ng umaga. Bakit kaya hindi siya pumasok? Baka naman trip niya lang magpahinga muna sa trabaho?

So ang ginawa ko, imbes na isipin kung bakit hindi pumasok si Red ay nagtungo nalang ako ng kusina para maghanda ng agahan.

Sa tinagal tagal kong pag iisa dito sa bahay ni Red ay natuto rin akong magluto sa pamamagitan ng Youtube. Naalala ko kasi nung gabing umuwi si Red at naghahanap ng pagkain ngunit dahil hindi pa ako marunong magluto kaya panlalait ang inabot ko sa kanya, ayoko nang muling maulit ang pangyayaring iyon kaya nagsikap ako na matoto.

Nagluto lang ako ng fried rice na may halong itlog at hotdog. I fried rice using margarine. Matapos kong magluto ay inihanda ko na ito sa lamesa. I also prepared coffee for him and milk for me, since bawal sa akin ang kape dahil makakasama iyon kay baby.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang inihanda kong pagkain sa lamesa. Hinihintay ko nalang ngayon si Red na bumaba. If ever na sabayan niya akong kumain ngayon, ito yung unang pagkakataon na magsasabay kaming kumain na kaming dalawa lang.

Unti-unti nang lumalamig ang pagkaing ihinanda ko pero wala paring Red ang bumababa ngayon.

Dahil medyo naiinip na ako kaya napagdesisyonan kong puntahan siya sa taas. Dahan-dahan akong pumanhik sa hagdan dahil mahirap na baka madisgrasya ako at mapano si Baby.

Carrying The Stranger's Baby (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon