End

18K 415 64
                                    

"Happy graduation, anak!"

Masayang-masayang bati sa akin ni Mommy habang hawak ko ang aking diploma.

"I'm so proud of you my Lyrica Moore," nakangiti namang bati sa akin ni Daddy sabay abot niya sa akin ng isang bouquet ng red roses.

"Happy graduation bunso."

"Thank you so much!" Maluha-luha kong sabi sa kanila at binigyan sila ng mahigpit na mahigpit na yakap.

"Happy graduation, apo!"

"EH! You came, Lolo!" Dahil sa labis na tuwa kaya ako na ang lumapit kay Lolo Aldo at niyakap siya ng sobrang higpit.

"Of course, it's your graduation day apo ko."

Kaka-labas niya lang sa hospital kaya hindi na ako umasang makakarating siya ngayon dito, pero heto at dumating siya. I'm so happy seeing my whole family in my special day.

Halos wala ng pagsidlan sa tuwang nararamdaman ko ngayon. Finally, after five years graduate na ako.

"Happy graduation anak!"

"Happy graduation!"

Napatakip ako ng dalawang kamay ko sa nakanganga kong bibig. I didn't expect them to come.

"Mommy, Ria!"

Kaagad kong nilapitan si Mommy Ria at sinalubong siya ng yakap. It's been a month since I last saw them.

"Thank you for coming po. Mommy Ria, Daddy Wilbert, kuya William and ate Estella."

Maluha-luha kong pagpapasalamat sa kanila.

"Its nothing my dear sister-in-law." Si ate Estella na ang sumagot. Habang ngiti lang ang itinugon sa akin ni kuya William, ganun din ni Daddy Wilbert.

"W-wait," natigilan ako matapos kong maalala si Brent.

"Where is Brent, mom?"

Gosh! Kanina pa ako tuwang-tuwa rito samantalang hindi ko manlang napansin na wala pala rito ang anak ko. Anong klaseng nanay ba ako? Huhu.

"I'm here, Mama!" Mabilis akong napalingon sa likuran ko kung saan nanggaling ang boses ng anak ko.

He's with Red. Ang buong akala ko, hindi makakarating si Red ngayon dahil may nakatakda siyang operasyon. Pero narito siya, sadyang nakakagulat ang araw na 'to.

Pakiramdam ko, ako na 'yong pinaka masayang tao ngayon sa buong mundo. Ang swerte-swerte ko. Salamat sa Diyos at hinayaan niya akong maranasan ang ganito kasayang sandali ng buhay ko. Wala na akong ibang mahihiling pa.

"Happy graduation!"

Hindi na ako sumagot, bagkus ay ginawaran ko na kaagad ng mahigpit na yakap ang mag-ama ko.

"Salamat sa inyo, pinasaya niyo 'ko ng sobra ngayon. Mahal na mahal na mahal ko kayo." Mahina kong bulong kay Red. Naramdaman ko na lang ang kamay niya na hinahaplos ang buhok ko.

"Mas mahal ka namin ng anak mo, thank you so much Lyrica." He whispered between his tears.

Matapos ang yakapan moment namin ni Red at ng anak ko ay humarap na ako sa kanila, sa pamilya ko at sa pamilya ni Red.

Nagpa-picture lang sila sa'kin isa-isa pagkatapos ay nag group picture kami.

Pagkatapos ay dumiretso na kami ng bahay para doon ipagpatuloy ang celebration.

Ngayon ay nakatayo ako sa may pintuan kung saan malaya kong napagmamasdan ang mga ngiti ng mga taong mahal ko.

Habang nakatingin sa kanila ay may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. Sa amoy palang ay kilalang-kilala ko na ito, sino pa nga ba kundi ang lalaking mahal ko.

"I love you." Bulong niya sa gitna ng pagsinghot niya sa buhok ko.

"I love you too." tugon ko sa kanya bago ako tuluyang humarap sa kanya.

Muntik na akong atakihin sa sobrang kaba dahil wrong timing ang pagharap ko kay Red, dahil naka-awang ang labi niya. Kaunting pagitan na lang 'yong nakapagitan sa mga labi namin.

Halos mapapikit ako ng mga mata ko matapos niya pang ilapit lalo ang ulo niya sa akin.

"Can I kiss you?" Tanong niya sa kabila ng pag hahabol niya ng kanyang hininga.

Hindi na ako sumagot sa halip ay ipinikit ko na lang ang aking mga mata.

Hindi ko alam kung bakit kabado ako gayong halik lang naman 'to. Marahil dahil ito 'yong unang beses na mahahalikan niya ako ng may pagmamahal.

Napangiti ako matapos kong maramdaman ang labi niya sa labi ko. Inihanda ko na ang sarili para tugunin ang halik niya.

"MAMA MILK!"

Bigla kong naitulak si Red dahil sa lakas ng sigaw ni Brent.

"O-uch!"

Hindi ko tuloy alam kung sino ang uunahin ko. Kung si Brent ba na may dala-dalang milk bottle o si Red na napa-upo sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatulak ko.

"S-sorry," paghihingi ko ng tawad kay Red bago ko inunang lapitan si Brent. Kinuha ko ang dala-dala niyang milk bottle at patay malisya akong naglakad patungong kusina para ipagtimpla siya ng gatas.

Habang si Red naman ay napakamot nalang sa batok niya at nanghihinayang na tumayo.

"Ayon na sana e, sayang!" Rinig kong bulong niya kaya pa-simple akong natawa.

"Mama?" Napatigil ako sa pagtawa pagkatapos ay hinarap ko si Brent.

"Yes, baby?"

"I want little sister! Sister yehey!"

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin lang sa kanya.

"Narinig ko 'yon! Sige baby mamaya gagawa kami ni mama." Natatawang sabi ni Red kaya pinandilatan ko siya ng mata.

"Loko kayo ha! Tigilin niyo nga ako!"

Pigil ang ngiti kong sabi bago sila tuluyang iniwan para magtimpla na talaga ng gatas ni Brent.

END
---

Carrying The Stranger's Baby (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon