RED'S POV:Nakaramdam ako ng gutom kaya bumangon ako. Alas quatro na pala ng madaling araw. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may lagnat pa ba ako, nakahinga ako ng maayos dahil magaling na ako.
Akmang bababa ako ng kama ng makita ko si Lyrica. Naka upo siya sa tabi ng kama ko at nakahilig ang ulo niya sa kama.
Mukhang hirap na hirap siya sa posisyon niya kaya naman binuhat ko siya at pinahiga sa kama ko.
"Buntis ba talaga ang babaeng 'to? Ba't ang gaan niya? Tsk."
Matapos ko siyang ihiga sa kama ko ay kinumutan ko siya. Ilang sandali ko rin siyang pinakatitigan. Bigla nalang akong napangiti matapos maalala ang ginawa niyang pag asikaso sa akin kahapon.
Ito yung unang beses na iba ang nag alaga sa akin. Tuwing may sakit kasi ako si Mommy ang palaging nag aalaga sa akin.
Kakaiba ang naramdaman ko kahapon. Hindi ko maipaliwanag pero natutuwa ako sa ginawa niyang pag alaga at pagbantay sa akin.
Matapos ang ilang minuto kong pagtitig kay Lyrica ay lumabas na ako ng kwarto at nagtungo ng kusina.
Pagbukas ko ng ref ang daming pagkain. Himala at natuto na pala siyang magluto. Sa pangalawang pagkakataon ay napangiti ako.
May nakita akong isang hiwa ng strawberry cake sa ref kaya iyon nalang ang kinuha ko para kainin, nagtimpla rin ako ng kape para naman mainitan ang tiyan ko. Matapos kong ihanda pagkain ko ay naupo ako sa mesa.
Paborito ko ay strawberry kaya naman ninanamnam ko ang strawberry cake na kinuha ko sa ref. May papikit pikit pa ako habang ninanamnam ang lasa nun.
Pagmulat ko nang mata ko halos malaglag ako sa kinauupuan ko sa bumungad sa akin.
"B-bakit mo kinain 'yan?" Parang batang tanong sa akin ni Lyrica. May namumuo naring butil ng luha sa mga mata niya.
"B-bakit ka nandito? H-hindi ba't natutulog ka pa?" Halos pautal-utal kong tanong sa kanya. Nakahawak rin ako ngayon sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat sa biglaang pagsulpot niya.
"Yung cake ko! Akin 'yan e huhuhu" this time talagang parang bata na siya na umiiyak dahil lang sa kinain ko 'yung cake daw niya.
"Walang sa'yo Lyrica. Nasa loob ng pamamahay ko ang cake na 'to kaya akin 'to." Katwiran ko. Tinigasan ko pa ang boses ko para matakot siya pero lalo lang siyang umiyak. Fvck!
"Sa akin nga kasi 'yan pinabili ko pa 'yan kay kuya eh! Red naman palitan mo 'yan huhuhu"
At talagang pinanindigan niya talaga na kanya 'to. Argh! Pinapasakit niya ang ulo ko.
"Naubos ko na Lyrica kaya bumalik kana lang sa pagtulog."
"Hindi. Ayoko!"
"Edi bahala ka!" Pagmamatigas ko rin.
"Isusumbong kita kay Mommy Ria!" Pananakot niya sa akin. Tsk.
"Do whatever you want. I don't care."
Nagulat ako ng padabog siyang nagtungo sa guest room. Napa iling-iling nalang ako sa ginawa niya. Childish.
"M-mommy Ria? Hello po." Nanlaki ang mga mata ko nang pagbalik niya ay talagang kausap niya na si Mommy sa phone. Kinuha niya lang pala sa kwarto niya ang cellphone niya. Anak ng talaga ang babaeng ito!
"S-si Red po kasi 'yung cake ko kinain niya po huhuhu" parang bata niyang sumbong kay Mommy through the phone.
"O-opo sinabihan ko na nga pong palitan niya e pero ayaw niya po huhuhu opo, pagalitan niyo po please s-sige poooo"
Fvck!
"Kakausapin ka raw!" Matatalim ang titig niyang sabi sa akin sabay abot ng cellphone niya sa akin. Kahit naiinis ako kay kinuha ko parin ang cellphone niya.
"Mom---"
[ RED PALITAN MO 'YUNG CAKE NI LYRICA PAG 'YAN NAKUNAN IKAW ANG MALILINTIKAN SA AKIN PALITAN MO 'YON! ]
Bahagya kong inilayo ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw ni Mommy. Seriously?
"Mom naman madaling araw palang oh---"
[ KAHIT NA! ]
"Fine!"
Pinukol ko ng masamang tingin si Lyrica bago ko tuluyang iniabot sa kanya ang phone niya.
Hindi na ako nagsalita pa. Kaagad akong lumabas ng bahay at nagmaneho patungong pinakamalapit na goldilocks store.
Nagpapasalamat ako dahil bukas na ito. Kaagad akong um-order ng strawberry cake flavor at nagmamadaling umuwi ng bahay.
Naabutan kong nakapangalumbaba si Lyrica sa lamesa habang pinakakatitigan ang platitong pinaglagyan niya ng strawberry cake niya na kinain ko.
Hindi parin maka move on amp.
"Ayan na. Ubusin mo 'yan." Sabi ko sa kanya pagkalapag ko ng malaking box ng cake sa harapan niya.
Naningkit ang mga mata ko ng parang walang gana niya lang na tinitigan yung binili kong strawberry cake.
"Ano pang hinihintay mo? Kainin mo na 'yan." Utos ko sa kanya mukhang wala kasi siyang balak na kainin 'yon nakatitig lang talaga siya rito.
"Ayoko na pala ng strawberry cake, gusto ko chocolate cake nalang. Please?" Naka pout niyang sabi. Gusto kong magmura at magbasag ng mga gamit ngayon pero pinigilan ko ang sarili ko dahil naalala ko ang sinabi ni Mommy na pag nakunan si Lyrica ako ang mananagot sa kanya.
"Okay." Napipilitan kong tugon sa kanya bago muling lumabas bahay.
"Ate pa order nga po, lahat ng flavors ng cake niyo."
"S-seryoso kayo sir?" Hindi niya makapaniwalang tanong.
"Yes."
"Okay. Just wait for a minute sir."
Matapos ang halos kalahating oras kong paghihintay ay naayos narin nila ang order ko kaya mabilis ko itong kinuha at isinakay sa sasakyan ko.
Nang makarating sa bahay ay pinagkasya kong bitbitin ang sampung box ng cake na may iba't-ibang flavor. Mahirap na baka kung anong flavor na naman ang hingin niya.
"Here."
"S-seryoso ka? Gusto mo ba akong magka diabetes at si baby?" Galit niyang tanong.
T-teka nga lang, bakit parang kasalanan ko pa ngayon?
Natampal ko ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung maiinis na ba ako o magwawala na talaga. Bakit ganito ang babaeng 'to huh? Anyone can tell me why she's being like this? Ugh!
"Hindi ko kakainin 'yan." Tuluyan nang bumagsak ang katawan ko sa sinabi niya.
'Calm down Red, buntis na babae 'yan okay?' Pagpapakalma ko sa sarili ko.
"So, what do you want to eat now?" Kalmado kong tanong sa kanya pero ang totoo gustong-gusto ko na talaga siyang sigawan.
"Uhm,"
At talagang pinag isipan niya pa talaga ha!
"Gusto ko ng rambutan."
"Saan ako kukuha nun? Walang malapit na Palengke dito Lyrica please!"
"Sige na Red oh?" Parang bata niyang pakiusap.
"Fine! Fine! Ihahanap kita ng rambutan!" Naiinis kong sabi bago muling lumabas ng bahay.
'Hindi sana ako mabinat sa mga pinaggagawa kong 'to dahil malalagot talaga sa akin ang babaeng 'yon!'
'STRAWBERRY CAKE TO RAMBUTAN? REALQUICK IS REAL! FVCK! FVCK! ONE THOUSAND TIMES!!'
BINABASA MO ANG
Carrying The Stranger's Baby (COMPLETED)
RomanceShe's Lyrica Moore Yang, a woman who accidentally got pregnant by the stranger she just met one night. Dahil sa maaga niyang pagkakabuntis ay magiging dahilan ito sa pagtakwil sa kanya ng kanyang mga magulang. Dahil rin sa kanyang maagang pagkabunti...