Three.

12.8K 357 7
                                    

Lyrica's POV:



"You may now kiss your bride." Masayang wika ng pari. Dahan-dahan namang tinanggal ni Red ang belo sa mukha ko. Walang emosyon ang mukha niya. Marahil dahil sa napipilitan lang siya sa kasal na 'to.

Tinitigan muna ako ni Red ng ilang segundo bago ako saglit na hinalikan sa labi. Hindi ko alam kung matagawag bang halik iyon.

Bahagya niya lang kasing inilapat ang labi niya sa labi ko at kaagad niyang inilayo.

"Congrats mga anak ko!" Maluha-luhang bati kaagad sa amin ni Mommy Ria, mom ni Red. Bago palang kami ikasal ay gustong-gusto niya nang tinatawag ko siyang Mommy Ria. Para narin daw hindi ko gaanong mamiss ang parents ko na nagtakwil sa akin. Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na tuluyan na nila akong kinalimutan.

"Congrats son!" Tinapik ni Daddy Wilbert si Red sa balikat nito habang todo ngiti.

"Welcome to Velasquez family Lyrica!" Masayang bati naman sa akin ni ate Estella. Ate Estella is a model in Italy. Sobrang ganda niya at ang bait-bait pa. She deserve to be called a model.

"Hoy ikaw Red ha, alagaan mo 'tong mag ina mo kundi ako makakalaban mo sinasabi ko sa'yo." Pagbabanta niya kay Red. Kinunutan lang siya ng noo nitong si Red.

"Picture taking na po!" Sigaw ng assistant ng photographer na hinired ng pamilya Velasquez.

"Family muna ng ating guwapong groom!" Kaagad namang nagsilapitan sila ate Estella, kuya William at Mom and Dad ni Red.

"Smile!" Todo ngiti ako nang sabihin ng photographer na ngumiti. Ngunit kaagad ding naglaho ang mga ngiti ko dahil kita ko kung paano i-peke ni Red ang mga ngiti niya. He's trying hard to smile, pero halatang-halata naman sa mukha at mga mata niya na talagang napipilitan lang siya.

Bago ang kasal na ito ay kinausap niya ako na handa siyang maging ama ng bata na dinadala ko pero hindi siya handang pakasalan ako.

Ngunit mapilit at gusto ng pamilya niya na mabigyan ng masaya at buong pamilya ang magiging apo nila kaya pinush nila ang kasal na 'to. Walang nagawa si Red kundi ang tanggapin nalang na kailangan naming magpakasal, kailangan niya akong pakasalan.

"Family naman po ng ating bride!" Biglang natahimik ang lahat, maging ako ay napayoko nalang din.

Masyadong matigas sila Mommy at Daddy, ganun din si Kuya. Ilang beses silang pinadalhan ni Mommy Ria ng wedding invitation pero hindi parin sila sumipot.

Kahit si kuya manlang sana, I was expecting him to come dahil alam kong hindi niya ako kayang tiisin, pero umasa lang pala ako sa wala dahil walang kuya Lucas ang dumating sa pinakamasayang araw ko sana.

Ni wala din si Daddy para maghatid sa akin sa altar. Hindi ko nga alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon. Kung dapat ko ba itong ituring na best day of my life, o worst day of my life magkahalong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

Lungkot at saya. Nakakalungkot lang na wala ni isang kamag anak ko o kaibigan manlang ang naglaan ng oras para pumunta. Lahat naman sila pinaabutan ni Mommy Ria ng imbitasyon.

At the same time, masaya ako na may bago akong pamilya. They accepted me wholeheartedly.

To be honest, mas pamilya pa ang turing nila sa akin kesa sa biological parents ko, lalong-lalo na si Mommy Ria parang tunay niya talaga akong anak tuwing kinakausap niya ako, at tuwing nagdedesisyon siya para sa akin.

Kahit kailan hindi pa ako itrinato ni Mommy kagaya ng pagtrato sa akin ngayon ni Mommy Ria.

Matapos ang picture taking ay sa reception naman kami nagtungo. Sa pag mamay aring hotel ng mga Velasquez lang din ang reception ng kasal namin dito sa Manila.

Maraming bisita ang narito ngayon. Kamag anak ng mga Velasquez at business partners ng pamilya.

"Stay here. Babatiin ko lang ang ibang mga bisita. Bawal kang mapagod kaya dito ka lang." Bilin sa akin ni Red matapos niya akong paupuin dito sa isang sulok.

Busy sila ate Estella at maging Mom and Dad niya kaya bale wala akong maka usap.

Halos tatlong buwan palang ako sa kanila kaya hindi ko pa masyado kilala ang ibang mga kamag anak nila Red.

Dahil ayaw ko namang maging malungkot ngayong araw kaya imbes na mag isip ng mag isip ng kung anu-ano ay minabuti ko nalang na pagmasdan ang mga taong nasa paligid.

Ang sasaya nila. Ang genuine ng mga ngiti nila. Namimiss ko nang ngumiti ng walang halong lungkot. Bigla kong naalala ang mga kaibigan ko. Sila Lyka, Olivia at Hazel, hindi rin sila dumating. Siguro tinakot din sila ng parents ko. Nakakalungkot lang.

"It's your day little sis, huwag kang simangot ng simangot dyan." Natatawang sabi ni Kuya William.

"May naalala lang po ako." Magalang kong sagot.

"Drop that 'po' hindi pa naman ako ganun katanda." Natawa ako dahil sa sinabi niya. Ayaw na ayaw niya talagang ginagamitan ko siya ng 'po' dahil nagmumukha daw siyang matanda.

"Ganyan dapat, nakangiti lang." Dagdag niya bago pinisil ang tungki ng ilong ko.

"You look so beautiful with that smile."

Nginitian ko nalang si Kuya William. Hindi katulad ni Red, mabait at palangiti itong si Kuya William. May sense of humor din siya, samantalang si Red wala nang ibang ginawa kundi ang simangutan ako.

"Nasaan pala si Red bakit hindi kayo magkasama?" Nagpalinga linga siya sa paligid at nang hindi niya ito makita ay nagpaalam din kaagad siya, hahanapin niya raw si Red dahil hindi dapat ako iniwang mag isa nito.

Halos ilang minuto na ang lumipas ngunit wala parin si Red, maging si Kuya William ay hindi narin bumalik.

Ayokong tumunganga nalang rito kaya naglakad-lakad ako, hanggang sa napadpad ako dito sa labas ng hotel sa likuran.

Napangiti ako dahil maganda rito sa labas. Kagaya ng sa mansion nila ay puno rin dito ng iba't-ibang klase ng bulaklak.

Mahilig talaga si Mommy Ria sa mga halaman, nakwento niya rin 'yon sa akin ng minsang naiwan kaming dalawa sa bahay.

Nang makita ko ang pool ay napagdesisyonan kong magtungo malapit dito. Ngunit nakaka ilang hakbang palang ako ay may narinig ako na nag uusap.

Napatigil ako ng makumpirma kong boses iyon ni Red.

"Ikaw lang mahal ko Klai hindi siya." Napahawak ako sa bandang dibdib ko. Hindi ko alam pero may kaunting kurot akong naramdaman.

Hindi ko pa naman mahal si Red para masabing nasasaktan ako. Pero oo, nasasaktan ako. Nasasaktan ako hindi dahil nagseselos ako, kundi dahil parang ang hirap kong mahalin.

"Then why did you marry her?" Batid ko sa boses ng babae na umiiyak ito. Medyo basag na kasi ang boses niya. Alam ko ring nasasaktan siya.

"Wala akong choice. Gusto nila Mom ad Dad na pakasalan ko siya. Wala akong choice Klai." Pilit niyang pagpapaliwanag sa babae. Sa tono ng boses ni Red ay mahal na mahal niya ito. Batid ko ring umiiyak narin siya dahil sa tono ng boses niya.

"Then what about me? What about us?"

"I'll talk to her. Kakausapin ko siya na pagkatapos niyang manganak ay maghihiwalay rin kami. Kaunting panahon lang Klai, okay? Ilang buwan nalang din at manganganak na siya."

Tuluyan na akong nanghina dahil sa narinig ko. Pakiramdam ko anytime ay magb-breakdown ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

"Ssshhhh" napalingon ako sa taong nasa likuran ko ngayon. Dahan-dahan niyang tinakpan ang bibig ko para patahimikin ako.

"Calm down, okay? Calm down." Inalalayan ako ni kuya William palabas sa puno ng halaman na pinagkukublian ko para lang pakinggan ang usapan ni Red at ng babaeng mahal niya.

"Don't make any noise, tara na sa loob." Tumango tango lang ako kay kuya William kahit na ang totoo'y hirap na hirap na akong pigilan ang paghagulgol ko.

Carrying The Stranger's Baby (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon