Nine.

11K 304 6
                                    

RED'S POV:

Magbuhat nang maging asawa ko ang babaeng aksidente kong nabuntis ay tuluyan na akong nawalan ng gana sa buhay. Nawalan narin ako ng kalayaan na makasama si Klai, ang babaeng tintibok ng puso ko.

Isinisisi ko lahat kay Lyrica. Kasalanan niya kung bakit nangyari sa akin 'to. Kung sana hindi siya sumulpot sa buhay ko, edi sana wala akong sakit ng ulo ngayon.

Tingnan natin kung hindi siya magsawa sa akin. Sinasadya kong lamigan ang pakikitungo sa kanya dahil gusto kong magising siya sa katotohanan na kahit kailan ay hindi siya magkakaroon ng puwang dito sa puso ko.

"Sir, Mr. Madrigal is here." Sabi ng sekretarya ko kaya napaayos ako ng upo. Matigas ang ulo ng lalaking ito. Sinabi ko nang ayokong makipag negosasyon sa kanya, hayan at nagpunta parin talaga.

"Come in." Walang buhay kong sabi. Ayoko namang maging bastos para hindi siya papasukin gayong naririto na siya. Kaagad naman itong pumasok.

"Nice to meet you Mr. Velasquez." Nakangiting sabi nito. I didn't smiled back. I just remained serious. Kung para sa kanya mabuti itong pagkikita namin, well for me it isn't.

"What's bring you here?" Sarkastiko kong tanong sa kanya. Sa pagkakaalam ko kasi hindi talaga ako pumayag na makipagkita sa kanya.

"I'm here for Lyrica." Tinaasan ko siya ng kilay.

"What?"

"I'm here for Lyri---"

"I don't understand you Madrigal."

"Well, Lyrica is my fiancee. At sa pagkakaalam ko, nabuntis mo siya kaya napilitan siyang pakasalan ka. Nung una, tanggap ko e. Pero nung mabalitaan kong hindi mo naman siya itinatrato ng tama kaya napagdesisyonan kong kuhanin nalang siya sa'yo."

Pagak akong tumawa dahil sa mga sinabi niya. Paano niya nalaman ang nangyayari sa amin ni Lyrica gayong hindi naman lumalabas ng bahay si Lyrica?

"You're just kidding, right?" Natatawa kong tanong sa kanya. Sumeryoso siya ng mukha at sinagot ang tanong ko.

"No. I'm serious Red."

"Whatever Leo. Do whatever you want."

"Really? Wala nang bawian ha?" He said smirking and left my office.

---

Alas singko na ng hapon kaya nagdesisyon narin akong umuwi. Ako nalang kasi ang tao rito at ang anim na on duty na guards.

Habang naglalakad ako patungong elevator ay tumunog ang cellphone ko. Kinapa ko iyon sa bulsa ng coat na suot ko.

I read the message that I recieved. Galing kay Klai ang mensahe. Napangiti ako habang nagtatype ng reply.

Mabuti nalang at matapos ang ilang linggo ay nagkaayos narin kami ni Klai. Akala ko tuluyan niya na akong iiwan matapos ang gabing pinagtulakan niya ako palabas ng condo niya.

[Sure, hon. I'm coming]

Reply ko sa message niya na kung pwede ko ba siyang puntahan sa  condo niya.

Pagkatapos kong mapindot ang send button ay muli akong nakatanggap ng mensahe. This time, galing iyon kay Lyrica kaya hindi ko ito pinag aksayahan ng oras para basahin. Pinatay ko ang cellphone ko at muling inilagay sa bulsa ng coat ko.


---

LYRICA'S POV:

"Asan kana ba kasi Red? Please, I need you."

Kanina ko pa paulit-ulit na tinitingnan ang phone ko kung nagreply na ba si Red sa text ko pero wala parin. Almost two hours na akong nagtext pero wala parin siya.

Carrying The Stranger's Baby (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon