• Josh •
Balik na naman sa normal. Buong linggong nasa studio para mag practice.
Laging ganon ang routine ko. Wala namang bago. Minsan nakakasama ko ang pamilya ko kapag free ako at wala masyadong ginagawa.
Ngayon ay nandito ulit ako sa bahay dahil bukas ay linggo at wala kaming pasok.
Balak ko lang ngayon ay matulog. Ayaw kong sa condo ako mamalagi dahil alam kong mabubulabog lang ako sa kaingayan ni Ken at Justin.
Pero ang akala kong makakatulog ako ng tahimik dito ay hindi pala mangyayari dahil ngayon ko lang naalala, mas maingay pala ang mga pinsan ko. Tsk!
"Pinsan, ano yang binabasa mo? 'Bat ngayon ko lang nalaman na mahilig ka pala magbasa." Biglang sabi ni Ayesha saka tumabi sa akin sa sofa.
Agad ko namang itinago ang notebook na hawak ko dahil panigurado ay hahablutin niya iyon sa kamay ko.
"Wala, pampalipas oras lang." Sagot ko. Tinignan naman niya ako ng may pagtataka.
"Huwag mo mga akong pinagloloko. Computer games ang pinagkakaabalahan mo hindi ang pagbabasa ng ganyan." Sabi pa nito saka ako pinanliitan ng mata.
"Lahat ng tao nagbabago ng gusto." Sagot ko naman pero mas lalo lang niya akong pinanliitan ng mata.
"Maniwala ako sayo. Ano ba kasi ang meron sa notebook na 'yan?" Turo niya sa notebook na hawak ko.
"Wala. Dun ka na nga matutulog ako." Pagtataboy ko sa kanya kaya tumayo na siya sa pagkakaupo.
Pero bago siya umalis sa harap ko ay may naalala akong itanong sa kanya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay naghihinala na ako kung sino ang may ari ng diary na ito.
"Nga pala, may kilala ka bang Maria Isabella?" Tanong ko dahilan para maupo siya ulit sa tabi ko
"M-Maria, ano?" Tanong niya. Kumunot naman ang noo ko. 'Bat ganyan ang reaksyon niya?
"Maria Isabella." Ulit ko. Mukhang tama ang hinala ko.
Tinignan niya lang ako na para bang hindi makapaniwala sa itinanong ko.
"Are you serious, Josh? Hindi mo talaga kilala si Maria Isabella?" Sabi nito kaya napakunot ang noo ko.
"Tatanungin ba kita kung kilala ko?" Sarkastikong sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Unbelievable!" Sabi nito nang hindi makapaniwala. "Ano nga ba ang aasahan ko sa'yo, eh lahat na ata ng babaeng nakilala mo nung high school tayo ay nakakalimutan mo." Patuloy niya pa.
"Tsk! Nagbago na ako, Yesha." Sagot ko pero tinawanan niya lang ako. "So ano nga, kilala mo?" Tanong ko ulit.
"Yes." Deretyong sagot niya. "At kilala mo rin siya, Josh." Patuloy niya saka tumayo at iniwan na ako na tulala at naguguluhan.
Bella. That girl. Sigurado na ako na yung si Bella at ang may-ari ng Diary na 'to ay iisa.
~°°~°°~
KINABUKASAN akala ko magiging tahimik na ang buhay ko ay hindi parin pala. Paano ay pumunta dito ang mga kagrupo ko para lang makigulo sa mga pinsan ko.
"Anong trip niyo?" Kunot noong sabi ko sa kanila dahil para silang mga bata na nag-aasaran sa sala ng bahay namin.
"Binubulabog ka." Sagot ni Justin kaya naiiling akong lumabas na lang ng bahay.
Sa may kubo ako pumunta at nahiga na lang doon. Pero hindi pa dumadalaw ang antok ko ng biglang may padabog na umupo sa kabilang upuan ng kubo.
Napapakamot sa ulo akong bumangon at sisigawan na sana ang taong iyon pero biglang umurong ang dila ko ng makita kung sino.
"Ohh? S-sorry akala ko walang tao dito." Utal na sabi niya. Nawala naman ang kunot ng noo ko.
"Okay lang." Tanging nasabi ko. Bakit siya nandito?
Matapos nun ay wala nang nagsalita pa. Awkward.
Nahiga nalang ulit ako at pilit na natulog pero hindi ako makatulog dahil sa presensya niya kaya bumangon lang ulit ako at hinarap siya.
"I just want you to tell me the truth." Panimula ko. Kumunot naman ang noo niya dahil dun.
"What?" Tanong niya kaya napakamot ako sa ulo.
"Ikaw ba si Maria Isabella?" Deretyong tanong ko kaya nawala ang kunot ng noo niya at napalitan ng seryosong mukha.
"Yes. May problema ba 'dun, Mr. Santos?" Sarkastikong sagot niya.
Bigla naman akong kinabahan dahil sa sinabi niya.
Ngayon naaalala ko na. That Maria Isabella, Riri and Bella ay iisa. Si Riri na sinaktan ko noon.
Si Riri na walang ibang ginawa sa akin noon kun'di mahalin ako, pero nagawa kong saktan. Hindi ko yun sinasadya, pero nasaktan ko parin siya.
Hindi ko alam kung mag so-sorry ba ako dahil sa ginawa ko noon sa kanya? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya ngayon.
Pinagsisisihan ko naman na lahat ng kalokohan ko noon. Pero ang ginawa ko sa kanya, parang hindi yun makakaya ng konsensya ko.
At ang ikinatatakot ko, ay kapag nalaman iyon ni Sejun. O baka alam na niya pero hindi niya sinasabi sa akin.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Her Diary | SB19 Josh✔
FanfictionSB19 Series #3 While Josh was walking at the lobby of the condominium where they'd staying, he saw a diary. Diary of a girl named Maria Isabella Salazar. He never noticed that this girl was his schoolmates and one of those girls he hurt. Ang babaeng...