#26

311 19 1
                                    

• Josh •

Birthday ngayon ni Shaila kaya nandito kami lahat sa coffee shop na pagmamay-ari niya.

Nandito rin si Riri pero hindi niya ako pinapansin. Iniiwasan niya ako. Hayst!

"Kuya, you okay?" Tanong ni Shai kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian ko naman siya saka tumango.

"Ito regalo ko, happy birthday." Sabi ko saka inabot sa kanya ang isang paper bag.

"Thank you." Sagot niya saka ako nginitian. Lumapit naman sa amin si Justin. Nakakunot ang noo.

"Ano na namang problema mo?" Tanong ko. Umupo naman siya sa tapat ko. Nakasimangot na naman. Tsk!

"Ang bait sa inyo si Shai, tapos sakin hindi! Apaka daya mo!" Bulyaw niya kay Shaila kaya natawa nalang ako. Napaka isip bata niya talaga.

"Ang cute mo talaga, tara na nga 'dun." Sagot naman ni Shai saka hinila si Justin palayo sakin. Natawa nalang ako dahil sa kacute-tan nilang dalawa. SANA ALL!

Napabuntong hininga naman ako nung makita kong masaya silang lahat. Ako lang ata yung hindi dahil iniisip ko kung bakit hindi ako pinapansin ni Riri.

Nagulat naman ako nung may biglang umupo sa tapat ko. "Hi!" Bati nito kaya nginitian ko na lang. Hindi ko siya kilala, siguro kaibigan ni Shaila?

"I'm Carisa Lianne, Cali for short." Sabi pa niya saka ilahad ang kamay sakin.

"Josh." Tipid na sabi ko saka tinanggap ang nakalahad niyang kamay saka siya nginitian ng tipid.

"Are you free tonight? My friend invited me sa isang party." Bigla niyang sabi saka hawakan ang kamay ko na nakapatong sa mesa.

"No I'm not, excuse me." Sagot ko saka tumayo at iwan siya dun. Bahala siya sa buhay niya. Feeling close? Tsk!

"Sino yun?" Tanong ni Sejun nung makalapit ako sa kanila.

"I don't know." Sagot ko saka umupo sa tabi ni Ken.

"Shai, kilala mo yun?" Turo ni Justin dun sa babae na lumapit sakin kanina.

"Yeah! Pinsan ko." Sagot niya saka umirap. "Huwag niyo nalang pansinin, sadyang malandi lang talaga yan." Patuloy niya.

---

Nandito na ako sa condo, ako lang ang nandito dahil nagsiuwian na naman sa mga bahay nila ang apat. Mabuti naman at makakatulog ako ng maayos.

Kinabukasan, pumunta ako sa grocery store parabumili ng mga kailangan namin sa condo. Matapos nun ay pumunta na ako sa studio.

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng makita ko si Riri. "Riri!" Tawag ko sa kanya. Tinignan naman niya ako pero nung malamang ako yung tumawag sa kanya ay agad siyang tumakbo palayo.

"Hindi parin kayo okay?" Nagulat ako dahil sa pagsulpot ni Justin sa likod ko.

"Hindi ko alam." Sagot ko. Tinapik naman niya ang balikat ko.

"I'm sure magiging okay din kayo, tara na." Ani niya saka ako inakbayan at pumasok na kami sa practice room.

Kinahapunan, dumeretyo ako sa The Brightest Bar. Gusto ko lang mag inom ngayon.

Kasalukuyan kong iniinom ang alak na inorder ko ng biglang may umupo sa upuan na nasa left side ko.

"Oh, hi! Josh, right?" Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Tumango lang ako saka inalis na ang tingin sa kanya. Hindi ko siya kilala kaya wala akong pakealam sa kanya.

"Still remember me? I'm Cali, pinsan ni Shaila." Sabi pa niya. Hindi ko siya pinansin kasi pumunta ako dito sa bar para mapag isa, hindi para makipag chismisan. "Mag-isa ka lang ba?" Tanong pa niya.

"May nakikita ka bang kasama ko?" Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Okay, since wala kang kasama, sasamahan nalang kita." Napahawak nalang ako sa noo ko dahil sa sinabi niya.

Parang gusto ko nalang umuwi.

"Thanks, but I have to go." Sagot ko saka tumayo at naglakad palabas ng bar. Tinawag pa niya ako pero hindi ko na siya pinansin.

Napatigil ako sa paglalakad ng makasalubong ko si Riri. Nakatingin lang siya sa akin. "Riri..." tawag ko sa kanya pero umiwas siya ng tingin at nilagpasan ako.




To be continued...

Note: sabaw na naman TINATAMAD kasi ako. Hahaha. Anyways, may nagbabasa pa ba? Next update sa susunod na araw kung may load ako. HAHAHAHA

Hoy po! Support niyo naman yung story ni Stell yeiii. Thank you😘

Her Diary | SB19 Josh✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon