#18 Josh

401 31 18
                                    

• Josh •

Kinaumagahan, himalang maaga akong nagising, it's already 4:04am. Sinubukan ko pang matulog ulit pero hindi na dumalaw pa ang antok sa katawan ko kaya naisip ko na lang na bumaba at magluto para sa mga kasama ko.

Habang hinihintay kong maluto ang niluluto ko ay umupo muna ako at tumunganga. Hindi parin mawala sa isip ko ang tungkol kay Riri.

"Nasusunog na 'yung niluluto mo." Nagulat ako sa pagsulpot ni Stell. Agad niyang pinuntahan ang niluluto ko at siya na ang umasikaso doon. "Tungkol ba yan kay Bella?" Tanong niya saka humarap sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

Naiinis ako sa sarili ko.

"Alam na ba ni Sejun?" Tanong ko saka bumuntong hininga. Nanatili lang siyang nakatayo sa harap ko.

"Yeah! Sinabi na sakanya ni Ayesha. And I think noon pa niya alam" Sagot niya kaya mas lalo lang akong kinabahan. "Alam ko naman na pinagsisisihan mo ang mga nagawa mo noon," tapik niya sa akin. Pinapagaan ang loob ko. Maya-maya pa ay ibinalik na niya ang atensyon sa niluluto ko kanina.

---

Nauna na akong pumunta sa studio dahil gusto kong matuon ang buong atensyon ko sa iba para hindi na ako mag isip tungkol sa mga nangyari noon.

Habang wala pa ang mga kasama ko ay nag-ayos na lang muna ako ng mga gamit doon. Pagkatapos nun ay pumunta ako sa room kung saan nagt-training ang mga trainee at ako na muna ang nag turo sa kanila ng mga kailangan nilang matutunan.

"Break time muna," sabi ko sa mga ito dahil kanina pa sila sumasayaw ng paulit-ulit. Lumabas na lang muna ako para lang bumili ng nalamig na tubig. Meron namang tubig sa loob ng studio pero ewan ko ba kung bakit lumabas pa ako.

Matapos kong inumin ang laman ng bottled water ay naisip ko na tumambay na lang muna sa malapit na coffee shop. Iced coffee yung inorder ko saka isang slice ng cake.

Gaya ng lagi kong ginagawa ay sa malapit sa pinakadulong bahagi ng coffee shop ako umupo.

Bago ko simulang kainin ang in-order ko ay tinignan ko muna kung anong oras na.

8:08 am.

Panigurado ay nasa studio na ngayon ang mga kasama ko. Nanatili lang ako sa coffee shop hanggang 8:30.

Aalis na sana ako pero may biglang pumasok sa loob ng coffee shop. Si Riri.

Inilibot niya ang tingin at nung dumapo ang tingin niya sa gawi ko ay nagtama ang mga mata namin.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang lumapit siya sa gawi ko ng hindi pinuputol ang tingin sa akin.

Napaiwas ako ng tingin ng makarating siya sa tapat ko. Nakatayo lang siya at nakatingin sa akin ng seryoso.

"Hindi mo ba ako yayayaing umupo?" Biglang sabi nito kaya agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. Nagtamang muli ang paningin namin.

"H-ha?" Tanging lumabas sa bibig ko saka nag-iwas ng tingin.

"Tsk!" Napapairap niyang sabi saka umupo sa harap ko. "Wala ka bang sasabihin?" Tanong niya kaya tumingin ulit ako sa kanya. Nakakunot ang noong nakatingin sa akin.

"S-sorry," tanging nasabi ko saka bumuntong hininga.

Walang nagsalita. Nung muli ko siyang tignan ay seryoso na siyang nakatingin sa natirang slice ng cake.

"Hindi ko naman na noon itutuloy ang binabalak namin. Kahit konting panahon lang tayong nagsama noon naging malapit na ang loob ko sayo kaya nagdalawang isip ako, pero nakialam lang si Herald." Muli kong pagsasalita maya-maya pa.

"I'm sorry, Riri." Patuloy ko saka ko siya tinignan sa mata. Pero nalungkot ako lalo nung makita ko na blangko siyang nakatingin sa akin.

"Tsk! Paano mo nasabi na naging malapit ang loob mo sa akin, eh ni hindi ko nga ako nakilala nung nakita mo ako sa playground malapit sa condo." Sagot nito saka tumawa nang pagak.

Hindi ako nakasagot. Bakit nga ba? Bakit ni hindi ko man lang siya nakilala? Familiar siya sa akin noon pero hindi ko maalala kung saan at kailan ko siya nakita o nakilala.

Siguro dahil malaki na ang ipinagbago niya. Kung noon meron siyang salamin sa mata ngayon wala na. Yun siguro ang dahilan para hindi ko siya makilala.

"Pero okay na, naka-moved on na ako." Patuloy niya saka ngumiti. Hindi ko alam pero bigla nalang akong napatitig sa kanya. Bigla ay bumalik sa alaala ko ang mga inosente niyang tawa at ngiti noon.

Kung hindi sana naging masama ang intensyon ko noon sa kanya, ano kaya kami ngayon?





...

To be continued...

Note:

Hi guys! May nagbabasa pa ba? Hahahaha! Masaya ako kapag magpapakilala kayong mga silent readers sa akin. (Kunwari may reader talaga ako hahahaha).

Anyways, KEEP SAFE EVERYONE! ALAB YOU ALL😘

Her Diary | SB19 Josh✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon