#30

346 21 1
                                    

• Josh •

"Oyy Josh!"

Napabalik ako sa reyalidad ng bigla akong kalabitin ni Riri. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa studio.

Kanina pa kasi ako tulala. Iniisip ko kung paano ko mapapatunayan sa sarili ko na may gusto ako sa kanya.


"Ha? Ano ulit yung sinasabi mo?" Tanong ko. Inirapan muna niya ako bago sumagot.

"Tsk! Tinatanong ko kung tama bang bigyan ko ng chance si James." Sagot niya sabay inom ng kape.

"H-ha?"

Tinignan niya ako ng nakakunot ang noo dahil sa reaksyon ko sa sinabi niya. Parang may biglang bumara sa lalamunan ko dahilan para hindi ako makasagot. "Tsk! Tulog ka pa ata. Kanina ka pa lutang." Sabi niya saka umiiling na ininom ang kape niya.

"Ahmm... it's up to you naman kung bibigyan mo siya o hindi ng chance." Sagot ko sa tanong niya.

Tumingin  naman siya sa akin kaya ngumiti ako. "What if I don't have a feelings about him?" Tanong niya. Para naman akong nabuhayan dahil dun.

"Then tell him the truth, habang maaga pa." Sagot ko. "Mahirap umasa..." bulong ko pa pero mukhang narinig niya dahil kumunot ang noo niya.

"Matanong lang kita Josh, may naging serious relationship ka na ba?" Tanong niya dahilan para muntik na akong masamid.

"W-wala..." sagot ko. Umiling naman siya saka tumangotango.

"I see, hahaha. Anyways, bakit wala?" Tanong niya na natatawa.

"H-ha? Bakit ba 'yan yung usapan natin?" Pag iiba ko. Uminom naman ako ng kape saka umiwas ng tingin sa kanya

"Tsk! E 'di hindi nalang." Natatawang sabi niya saka ipinagpatuloy na niya ang pag inom ng kape niya.

Ilang sandali pa ay bumalik na kami sa studio. "Ayeiii si kuya Josh pumapag-ibig!" Biglang sigaw ni Jah kaya napatingin ako kay Riri na nasa tabi ko. Ngumiti lang siya ng pilit saka nagpaalam na samin.

"Siraulo ka, Jah!" Bulyaw ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako.

"Aminin mo na kasi na may gusto ka sa pinsan ko. Baka maunahan ka pa ng iba." Singit naman ni Sejun.

"Ano bang sinasabi niyo?" Inis na tanong ko saka umupo sa couch. "Kaibigan ko lang siya, okay?" Sabi ko pa pero sinivawan lang nila ako ng 'indenial'. Anak ng...

BUONG araw ay nasa studio lang kami para magpractice. Kinahapunan ay deretyo naman sa taping.

10pm na ako nakauwi sa condo at dumeretyo na para matulog.

Kinabukasan ay wala namang importanteng nangyari. Gaya nung  nakaraang araw ay sa umaga nasa studio ako tapos kinahapunan ay pupunta sa taping.

NGAYONG araw ay linggo kaya family time namin ngayon. Nandito ako sa bahay. Balak ko kasi na matulog buong araw, pero nag text si Shaila na pumunta ako sa coffee shop dahil ililibre niya kami. Tatanggi pa sana ako kaso nabanggit niya na nandun si Riri at kasama niya si James kaya wala akong nagawa kun'di maligo at pumunta 'dun.

Pagkarating ko dun ay sila lang ang nandun. Mukhang hindi muna sila tatanggap ng customer ngayon.

"Akala ko ba hindi ka pupunta?" Tanong ni Stell pagkaupo ko sa tabi niya.

"Pinilit ako ni Shai." Sagot ko saka kinuha ang phone na nasa bulsa ko at kunwaring busy sa paglalaro para hindi sila mangulit.

"Weh? Yun ba talaga? O baka naman pumunta ka kasi nandito si Bella?" Napatingin nalang ako sa kanya ng masama ng sabihin niya yun.

"Ano naman sayo?" Pagsusungit ko saka ibinalik ang tingin sa cellphone.

"Nako! Sinasabi ko sayo umamin ka na, kita mo yun? Baka maunahan ka." Sabi niya sabay turo ang kinaroroonan nila Riri at James.

Napakunot ang noo ko ng makita na nagtatawan sila. Mas lalo pang napakunot ang noo ko ng guluhin ni James ang buhok ni Riri.

"Easy ka lang, Josh. Masisira na yang cellphone na hawak mo." Tawa ni Stell kaya nawala ang tingin kila Riri. Dahil sa inis hindi ko namalayan na napahigpit  ang hawak ko sa cellphone ko. Takte!

Tumayo na lang ako at lumipat sa kinaroroonan nila Ken at Star dahil panay ang asar sakin ni Stell. Nakakainis! Ganon na ba kahalata na may gusto ako kay Riri? Tsk!

"Anyare sayo Kuya?" Tanong ni Star. Nanatili naman si Ken sa panonood ng anime.

"Wala, kulang lang siguro ako ng tulog." Sagot ko. Tumangotango naman siya saka sinuway si Ken na tutok sa panonood.

"Isang episode nalang..."

Binatukan naman ni Star si Ken dahil sa sinabi nito. "Kanina mo pa sinasabi yan! Akin na nga 'yan!" Bulyaw niya kay Ken saka inagaw ang cellphone at itinago iyon. Wala namang nagawa si Ken dahil takot siya kay Star. Pfft!

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" Tanong niya sakin kaya napatigil ako sa mahinang pagtawa.

"Wala, sige doon muna ako kay Sejun. Nagmumukha na akong kawawa dito." Sabi ko saka tumayo.

Minsan nakakaasar sumama sa kanila dahil may kanya kanya silang mundo. Iba talaga pag may mga jowa na. Mapapa sana all ka nalang talaga eh.

Yung akala ko na walang kasama si Sejun ay nagkamali ako. Kasama niya pala si... teka sino 'yun? Hindi naman si Lara yun, e.

"Hoy!" Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat. "Kanina ka pa dumating?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Oo,"

"Bakit hindi ko napansin?"

"Paano mo mapapansin, e busy ka sa James na 'yun." Bulong ko saka yumuko.

"A-ano?" Tanong niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"H-ha? Wala, sabi ko gutom na ako." Palusot ko, umaasa na sasakyan niya yun.

---

Dahil sa kaingayan nila, naisipan ko na lumabas na lang muna at umupo sa mga upuan sa labas ng shop.

Hindi ko napansin na sumunod pala sa akin si James. "Can I join you?" Tanong niya kaya tumango lang ako at hindi siya tinignan. Naasar ako sa pagmumukha niya. Tsk!

"Anyway, may gusto ka ba kay Bella?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Feeling close amp! 'Pake mo?' Gusto kong sabihin yan sa kanya pero pinigilan ko lang sarili ko.

"What if sabihin ko sayo na meron?" Tanong ko rin sa kanya. Ngumiti naman siya saka tumingin sa loob kung saan naroon ang iba.

"Then, what are you waiting for? Bakit hindi mo sabihin sa kanya na gusto mo siya?" Tanong niya. Ako naman ang natawa, baliw ba 'to?

"Kung ako ikaw, aamin na ako. Hanggat maaga pa amin na, hanggat may chance ka pa. Baka kasi bukas o sa makalawa, may nauna na. Baka magsisi ka." Sabi niya saka tumayo. "By the way, James nga pala." Pakilala niya bago pumasok ulit sa loob.

Weird...



To be continued...

Note: sorry kung ngayon lang ako nag ud. And sorry if lagi nalang sabaw mga updates ko. Wala kasi akong maisip! Pero, thank you sa mga patuloy na nagbabasa🥺😘

Her Diary | SB19 Josh✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon