• Josh •
MEDYO okay na ang pakiramdam ko pero hindi pa ako pinayagan ni Sir Robin na pumasok dahil baka mabinat ako.
Buong araw lang akong natulog.
Napabangon ako nang biglang may kumatok. Dito kasi ako sa sofa natulog.
Napapakamot sa batok kong binuksan ang pinto.
"Hi?" Bungad niya kaya agad kong naisara ang pinto. Nang gugulat naman kasi! At isa pa, bakit siya nandito?
Binuksan ko ulit ang pinto. Kung kanina ay nakangiti siya ng alanganin, ngayon ay nakakunot na ang noo na nakacross arm.
"Ah, a-anong ginagawa mo dito?" Utal na tanong ko.
"Tsk! Nakiusap lang si Ayesha na dalhin sa'yo 'to." Sagot niya saka ipinakita yung dala niyang paper bag na sigurado akong pagkain iyon. "At isa pa, dyan lang ako nakatira." Patuloy niya sabay turo ang katapat naming unit.
"Salamat." Sagot ko saka iyon inabot.
"Geh! Una na ako." Ngumiti siya saka tumalikod at naglakad patungo sa unit niya.
Ako naman ay isinara na ang pinto at nagtungo sa kusina. Inilapag ko yung paper bag na nag lalaman ng pagkain sa mesa saka ako umupo at tinitigan lang ang mga iyon.
Anong gagawin ko dito?
Hindi ko alam kung ilang minuto kong tinitigan iyon at namalayan ko na lang na nasa tapat na ako ng unit ni Riri.
Wtf? Anong ginagawa ko dito?
Babalik na sana ako sa unit namin ng biglang bumukas ang pinto at sumalubong ang mukha ni Riri. Nakakunot ang mga noo nito na nakatingin sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Napakamot naman ako sa batok ko. Takte ano nga bang ginagawa ko dito?
"Ahh--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nung may biglang sumulpot na lalaki sa likod niya.
"Bell-- oh? Hi?" Alanganin niya akong tinignan kaya nginitian ko na lang siya ng pilit.
Sino naman to?
"Ah, sorry sa abala. Actually, napadaan lang ako dito." Sagot ko na lang at agad na bumalik sa unit namin.
Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa katangahan ko. Ano ba kasing ginagawa ko 'dun?
Tulala akong naglakad papunta sa sofa at pabagsak na umupo.
Sino yung lalaking kasama niya?
Tsk! Ano bang pakealam ko? Wala.
Nagsorry na ako sa kanya. Okay naman na siya, nakalimutan na niya yung ginawa ko kaya dapat ay kalimutan ko narin yun.
Pero sino ba kasi yun?!
Arrrgh! Matutulog na nga lang ako!
---
NAGING abala kami nitong mga nakaraang araw. Sunod-sunod na mall show ang ginawa namin.
Ngayong araw ay rest day namin.
Umuwi kami sa kaniya-kaniya naming mga bahay para makasama namin ang aming pamilya.
Kahapon pa ako nandito sa bahay at hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko ngayon.
Bumaba ako at nagtungo sa kusina para kumain. Pagkatapos nun ay pumunta sa sala para manood ng TV.
Napakunot ang noo ko nung nakita ko ang iniwan kong Diary ni Riri na nakapatong parin sa mesa.
BINABASA MO ANG
Her Diary | SB19 Josh✔
FanfictionSB19 Series #3 While Josh was walking at the lobby of the condominium where they'd staying, he saw a diary. Diary of a girl named Maria Isabella Salazar. He never noticed that this girl was his schoolmates and one of those girls he hurt. Ang babaeng...