#17 Josh

399 27 5
                                    

• Josh's P.O.V •

"I'm Maria Isabella also known as Riri," mahina ngunit sarkastiko at may diin pang sabi niya.

Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kamay ko dahil hindi ko siya matignan sa mukha. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya.

"Bakit hindi ka makapagsalita? Hindi mo ba inaasahan na makikita mo ulit ako?" Tanong niya pa. Napatingin ako sa kanya pero saglit lang dahil sa reaksyon ng mukha niya.

Galit. Punong-puno ng galit ang makikita doon. Ano pa ba ang aasahan ko? Ano ba ang aasahan kong mararamdaman niya? Ang matuwa sa ginawa ko sa kanya? Tsk!

"Kuya Josh, tinatawag ka ni kuya Justin!" Napaangat lang ako ng tingin ng may magsalita. Si Trixie. Pinsan ko rin.

Agad na akong tumayo dahil hindi ko na kayang magtagal pa na kasama siya. Dahil kinakain ako ng konsensya sa ginawa ko.

"Hoy!" Sigaw ni Justin nung lagpasan ko lang sila sa sala. Gusto ko sana na mapag-isa ngayon. Gusto kong matulog para kahit papaano ay makalimutan ko ang mga katarantaduhang nagawa ko noon.

"Kung uuwi na kayo, mauna na lang kayo. Susunod ako bukas." Deretyong sabi ko at hindi na hinintay pa na makasagot sila at agad na akong pumasok sa kwarto ko.

---

Kinahapunan ay nagising ako dahil sa katok ni mama. "Anak, nasa labas si Yesha. Hinahanap ka." Sabi nito kaya napilitan akong bumangon.

Agad na akong bumaba at nadatnan ko si Ayesha na nakaupo sa sofa.

"What?" Tanong ko agad pagkalapit ko. Umupo naman ako sa tapat niyang upuan. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"'Yung notebook na binabasa mo kahapon, kay Bella 'yun diba? It's her diary. Bakit nasayo? At bakit mo binabasa?" Deretyong tanong niya kaya kinabahan ako.

Hindi kasi ako sanay na ganon niya ako kausapin. Hindi ako sanay na ganon siya kaseryoso.

"Ahm, napulot ko noon ang notebook na 'yun sa labas ng condo. At hindi ko naman alam na sa kanya at Diary niya yun." Pag amin ako.

"Tama lang naman na napulot at nabasa mo 'yun. Para naman malaman mo kung anong klaseng ugali ang nasa'yo." Sagot niya saka tumayo at umalis na 'dun.

Napabuntong hininga na lang ako. Galit na rin si Ayesha sa'kin. And for sure kapag nalaman ni Sejun ang lahat ng ito magagalit rin siya sa akin.

Ano ba kasi 'tong nagawa ko?

Tumayo na ako at nagtungo sa kwarto ko at kinuha lahat ng gamit ko. Babalik na ako sa condo. Isasara ko na sana ang pinto ng kwarto ko nang mahagip ng paningin ko ang diary.

Siguro kailangan ko na itong maibalik kay Riri.

Kinuha ko ito at lumabas ng kwarto. Alam kong nandito parin siya kaya iniwan ko nalang sa sala yung notebook saka nagpaalam kay mama na aalis na ako. Nagtanong pa siya kung bakit bigla kong naisip na babalik gayong kanina lang ay ayaw ko pa. Sinabi ko na lang na maaga kaming may practice bukas kaya kailangan ko nang bumalik ngayon.

Muli akong napabuntong hininga nung makasakay ako sa kotse ko. Hindi ko maalis sa isip ko ang reaksyon ni Riri.

Anong gagawin ko?

To be continued...

Note:
Hi guys! Ito na lang muna sa ngayon. Tinatamad na naman kasi ako at wala na akong maisip. Pagpasensyahan niyo na kung magulo ang takbo ng story. Pero thank you sa mga nagbabasa and sa mga nagco-comment nag e-enjoy akong basahin ang mga comments niyo.

Anyway, kung hindi niyo pa nababasa yung Because of You(SB19 Justin) at Your Fangirl(SB19 Ken) basahin niyo na sige na ayeiiii hahahaha. Labyu😘

- Aly❤

Her Diary | SB19 Josh✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon