#34

369 22 3
                                    

• Bella •

Pagkagising ko kaninang umaga, syempre cellphone ang unang hinanap ko. Bumungad sakin ang text ni Josh.

Napakunot nalang ang noo ko dahil sa napaka weird niya ngayon. Hindi naman kasi siya nagtetext ng good morning at isa pa, hindi siya nagigising ng maaga.

Bumangon nalang ako at hindi nalang pinansin iyon. Napag-isip isip ko kasi na huwag masyadong maging assuming.

Matapos kong kumain ay agad na akong naligo at pumasok na sa trabaho.

Sinikap ko talaga na hindi makita si Josh. Hindi pa  ako handa na makita siya.

Lumipas ang ilang araw at sa mga araw na iyon ang naging busy kami lahat dahil malapit na ang susunod na concert ng SB19.

Linggo ngayon at rest day ng ilan sa empleyado ng SBT at kasama na ako doon.

Nandito ako ngayon sa The Brightest Bar dahil sinamahan ko si Yesha. Kasalukuyan sila ngayong nagpapractice para sa performance nila mamayang gabi.

"Ye, sa labas muna ako." Paalam ko saka tumayo. Tumango naman siya kaya lumabas na ako.

Napakunot ang noo ko dahil nakita ko lang naman si Josh at yung babae na kasama rin namin noong birthday ni Shaila. And according to Shai, pinsan niya daw iyon.

Lalagpasan ko na sana sila kaso nakita ako nung walang hiyang babae at tinawag ako. Wow! Close tayo ghorl?

"Sakto, nandito pala yung friend mo Josh. Bella right?" Sabi niya na talaga nga namang napaka arte.

"Yeah I'm Bella, but sorry we're not close to call me that." Nakangiti pero may halong kaplastikan na sagot ko.

Hindi naman siya sumagot at mukhang napikon sakin kaya tumingin nalang siya ulit kay Josh na ngayon ay hindi mapakali.

"So Josh, pupunta ka ba sa party ko?" Tanong niya kay Josh. Tumingin naman sa akin si Josh kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Ah-- sorry but--"

"Hindi siya pupunta kasi may pupuntahan kaming iba." Putol ko sa sasabihin ni Josh kaya napatingin sakin yung babae. Kinunutan niya ako ng noo kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"I'm not talking to you okay?" Pagtataray niya.

Sasagot pa sana ako pero hinawakan ako ni Josh sa kamay kaya napatingin doon yung babae. "I'm sorry Cali," iyon lang ang sinabi ni Josh dahilan para padabog na lumabas ng bar yung Cali daw.

Nang kaming dalawa nalang ay doon ko lang na-realize na hawak niya ang kamay ko! Wahhhh! What to do?!

Nakatingin lang ako sa kamay namin ngayon na magkahawak. Takte feeling ko nararamdaman niya yung panginginig no ngayon!

"Ah, s-sorry." Agad niyang binitawan ang kamay ko kaya napalayo ako sa kanya. Umiwas ako ng tingin ng maramdaman ko na nakatitig siya sa akin. Putek!

"S-sige kung wala ka ng sasabihin una na ako." Utal na sabi ko saka akmang maglalakad na pero nagsalita siya.

"About sa sinabi ko noong nakaraan..." panimula niya.

"Okay lang yun, alam ko naman na nagbibiro kalang hahaha." Sagot ko na pilit na tumawa pero napatigil ako dahil hindi man lang siya tumawa at seryoso lang siya na nakatingin sa'kin.

"I'm serious, Riri. I like you."

Napatulala nalang ako dahil sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita, para akong ewan na nakatulala lang ngayon sa kanya.

"Ahh, it's okay for me if you don't like me. Gusto ko lang sabihin sayo ang nararamdaman ko na hindi ko nasabi noon." Patuloy niya.

Hindi pa rin ako nagsalita. "Don't worry, hindi ko kayo guguluhin ni James." Sabi pa niya dahilan para mapakunot ang noo ko.

"H-ha?"

"You and James, diba kayo na?" Tanong niya kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Sino nagsabi na kami na?"

"Siya, he told me yesterday noong nakita ko siya sa labas ng company para sunduin ka ata." Sagot niya. Hindi ko alam kung tatawa ako o ano. Si James? Wtf! Eh, mas babae pa nga yun sakin minsan eh hahaha.

"Nah! We're not. Pinagtitripan ka lang nun. At pakana yun ni Star tsk" Sagot ko saka naglakad para umupo. Nakakangalay naman kasi ang nakatayo nalang. Sumunod naman siya sakin at umupo sa tapat ko.

"Ha? So hindi kayo?" Tanong niya kaya tumango ako. Ngumiti naman siya dahilan para umiwas ako ng tingin. "E'di m-may pag-asa ako sayo?" Tanong niya pa niya dahilan para mapaayos ako ng upo at tumingin sa kanya.

"H-ha?"

"Hays, forget about it na nga. Wala ka na palang nararamdaman sakin according to your diary." Sagoy niya saka bumuntong hininga. "Sige mauna na ako." Matamlay na sabi niya saka tumayo at maglakad na parang pasan ang mundo. Hindi ko naman malaman kung tatawa ako o maawa sa kanya.

Napapailing akong tumayo at sinundan siya. "Bakit mas naniniwala ka sa Diary ko?" Tanong ko sa kanya ng mahabol ko siya. Tumigil naman siya sa paglalakad at tinignan ako.

"H-ha?" Napairap nalang ako dahil sa reaksyon niya. Apaka slow naman nito!

"Ang slow mo naman!" Bulyaw ko. Kumunot naman ang noo niya dahilan para napahawak ako sa noo ko.

"Naiintindihan ko Riri na h--" hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya. Ang dami pang sinasabi!

"I like you too."


To be continued...

Note: siguro next ud last chapter na hahaha. Anyways, huwag kayong mag expect huhuhu.

Her Diary | SB19 Josh✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon