• Flashback •
3rd Person's P.O.V
Isang buwan narin ang nakalipas. Gaya nang napag-usapan ay ipinagpatuloy nga ni Josh ang plano nila kay Bella.
At sa isang buwan na iyon ay mas naging malapit na nga ang loob ni Bella sa kanya. Hindi man maganda ang binabalak ni Josh ay totoo naman ang kabaitang kanyang ipinapakita. Kaya naman, hindi na napigilan ni Bella na mahulog kay Josh.
Samantala, nag-aalangan naman si Josh na ituloy binabalak ngunit inaasar siya ng mga kaibigan, na baka siya na ang nahulog sa dalaga.
"Mukhang hindi na ikaw 'yan, bro. Hindi ganyan ang kilala naming Josh." Tawa ni Herald at sumang-ayon naman ang iba maliban kay Matt.
"She's different. Parang hindi kaya ng konsensya ko na saktan siya." Sagot ni Josh.
"Josh is right. Riri is a good person, hindi niya deserve masaktan." Sang-ayon naman ni Matt kay Josh.
"Come on! Nakalimutan niyo na ba ang kasabihan natin? WALANG ATRASAN PAG DATING SA KALOKOHAN!" Sigaw ni Herald nung iba.
"Bahala na." Wala sa sariling sagot ni Josh.
---
"Hoy!" Sigaw ni Bella kay Josh dahil tulala lang ito. Napabalik naman siya sa reyalidad dahil dun. "What's your problem ba?" Tanong niya. Napailing naman si Josh at bumuntong hininga nalang.
"Nice! Mukhang nahuhulog na nga si Ms. Bitter kay Josh!" Biglang sulpot ng mga kaibigan ni Josh kaya napatayo ang binata.
Kumunot naman ang noo ni Bella dahil sa mga sinabi ng mga ito.
"Huwag nga kayong gumawa ng gulo dito." Mariing sabi ni Josh na nangungusap ang mga mata na huwag na ituloy ang ano mang gawin ng mga kaibigan.
"Bakit? Natatakot ka na malaman niya na pinagpustahan lang natin siya?" Tawa ni Herald kaya nayukom ni Josh ang kamao. Pinipigilan ang sarili.
"A-anong pustahan?" Utal na tanong ni Bella saka tumingin kay Josh.
"Tara na." Sinubukan ni Josh na ilayo doon si Bella pero nagsalita ulit si Herald.
"Ikaw Riri, pinagpustahan ka namin. Na sa loob ng isang buwan dapat mahulog ka sa patibong ni Josh. And I think, nahulog ka na nga." Sagot ni Herald sa tanong ni Bella.
Hindi naman napigilan ni Bella ang sarili at bigla na lang siyang naluha. Minsan na siyang niloko noon ng itinuring niyang kaibigan kaya ganon nalang ang reaksyon niya.
"Riri..."
"T-totoo ba?" Utal na tanong niya. Hindi naman nakasagot si Josh. Kaya napatango si Bella sa sarili. "I think you're not like him, but I'm wrong. Gaya niya, sinaktan at niloko mo lang ako. Are you happy now? Nagtagumpay ka. Nahulog nga ako sa'yo." Mahina ngunit may diing sabi ni Bella kay Josh na walang ibang nagawa kun'di ang yumuko na lang at tinanggap ang kung ano mang sabihin ng dalaga sa kanya.
"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Ayesha kay Bella nang makitang mugto ang mata nito.
"Wala, napuwing kasi ako kanina." Sagot niya saka kunwaring kinusot ang mukha.
Naisip ni Bella sa sandaling iyon na dapat walang makaalam sa nangyari.
At matapos nga ng isang linggo ay napagpasyahan niya na lumipat na lang ng school dahil ayaw niya nang maalala ang katangahan niya.
---
Matapos ang pangyayari na iyon ay hindi na nakita pang muli ni Josh si Bella.
Hanggang sa lumipas ang ilang taon at nakalimutan na niya ang pangyayaring iyon.
Ngunit sa kabilang banda. Ipinangako naman ni Bella sa sarili na darating ang araw na si Josh naman ang paiiyakin niya.
Ipinangako niya sa sarili na sa oras na mag krus ulit ang landas nila ay hindi na siya gaya nung dati na madali lang utuin at lokohin. At sa oras din na 'yun, ipaparamdam niya rin ang sakit na naranasan niya.
To be continued...
Note:
Next chapter ay balik sa entry sa Diary ni Bella hahaha. Kung naguguluhan kayo, huwag kayong mag-alala parehas lang tayo HAHAHAHA.
Keep safe everyone!😘
BINABASA MO ANG
Her Diary | SB19 Josh✔
FanfictionSB19 Series #3 While Josh was walking at the lobby of the condominium where they'd staying, he saw a diary. Diary of a girl named Maria Isabella Salazar. He never noticed that this girl was his schoolmates and one of those girls he hurt. Ang babaeng...