• Josh •
ISANG linggo na ang nakalipas. Hindi ko na ulit nakita si Riri, hindi ko tuloy maibalik yung diary niya.
"Noon nagbabasa ka, ngayon naman nagsusulat na. Anong trip mo?" Biglang sabi ni Ken kaya isinara ko ang notebook na sinusulatan ko at tignan siya ng masama.
"Pake mo?" Sagot ko pero tinawanan niya lang ako. Buang.
"Tawag ka ni Sejun, may pag-uusapan 'daw kayo." Biglang sabi niya matapos niya ako tawanan. Bigla tuloy akong kinabahan. Hindi pa kasi kami nag-uusap tungkol sa pinsan niya.
"Tungkol saan?" Tanong ko kay Ken.
"Malay ko." Sagot niya saka ako tinalikuran. What the hell?
Naiiling akong tumayo at pinuntahan si Sejun na nakaupo sa labas ng practice room.
Tumikhim naman ako bago umupo sa tabi niya kaya nilingon niya ako.
Hindi ko alam kung ilang minutes kaming tahimik lang, hanggang siya na ang pumutol ng katahimikan.
"Are you in love to my cousin?" Tanong niya kaya gulat akong napatingin sa kanya. Saan naman galing ang tanong niyang iyan?
"Huh? Naka drugs ka ba? Hindi mo ba alam ang ginawa ko sa pinsan mo?" Sagot ko saka medyo natawa. Sira ata ulo nito, eh.
"Tsk! I know, noon pa." Sagot niya kaya tinignan ko ulit siya. "And I know naman na hindi mo iyon sinasadya." Patuloy niya.
"So, alam mo na noon palang tapos hindi mo man lang ako kinausap?" I asked him.
"Tsk! Sa tingin mo ba hindi kita minamanmanan noong lapit ka ng lapit sa kanya? Sa galing mo ba naman mang babae." Sagot niya saka tumawa.
"Pero nakita ko kung gaano ka nagbago simula nung nakilala mo si Bella. At ang saktan siya? Alam kong hindi mo iyon gustong gawin." Patuloy niya.
"Hindi ko nga ginusto, pero nangyari parin. Nasaktan ko parin siya." Sagot ko. Tinapik naman niya ang balikat ko.
"Narinig ko kung paano mo ipagtanggol si Bella kay Herald noon, kaya alam kong importante narin siya sayo. Sayang nga lang at lumipat siya ng school noon at ikaw naman, hindi mo man lang siya hinanap." Sabi pa niya.
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Oo nga. Bakit nga ba hindi ko siya hinanap noon? Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi ko din alam ang sagot sa tanong na yan.
"Pero bakit mo naitanong kung in love ako sa kanya?" Bigla ay tanong ko. Tumawa naman siya kaya kumunot ang noo ko.
"Halata kasi. Laging kang tulala simula nung nakita mo siya ulit. At napapansin ko rin na lagi mo siyang inaabangan dito." Sagot niya saka tumawa. "Tama ba ako?" Patuloy niya pa.
What the hell?
"No." Sagot ko pero tumawa lang siya ulit.
"Okay, sabi mo eh." Sagot niya saka tumayo at tinapik ang balikat ko.
"Papalapit siya dito." Bulong niya kaya iginala ko ang paningin. Napakunot nalang ang noo ko nung bigla siyang tumawa kaya napatingin ako sa kanya.
"What?!" Inis na sabi ko rito dahil sa nakakaloko niyang tingin.
"Easy ka lang, dre. Napaghahalataan ka, eh." Sagot niya kaya tumayo na lang ako at nauna nang pumasok ulit sa practice room.
Raulo yun ah. Pinapunta lang ba niya ako doon para inisin? Tsk!
And what? In love? Nakadrugs ba siya? Lolo niya in love pfft!
--
To be continued...
Note:
Yan na lang muna sa ngayon, hindi parin kasi ako makapag-isip ng tama. Thank you sa mga patuloy na nagbabasa, hindi ko na sana ito itutuloy pero hanggat may isang nagbabasa, magpapatuloy ako HAHAHAHAHAHAHA.KEEP SAFE EVERYONE!😘
BINABASA MO ANG
Her Diary | SB19 Josh✔
FanfictionSB19 Series #3 While Josh was walking at the lobby of the condominium where they'd staying, he saw a diary. Diary of a girl named Maria Isabella Salazar. He never noticed that this girl was his schoolmates and one of those girls he hurt. Ang babaeng...