Chapter 4

377 15 10
                                        

NAGISING ako sa isang silid na puti ang theme ng kulay. Nasaan ako? Hindi ko ito kwarto ah, hindi ko maidilat ng maayos ang mata ko dahil nasisilaw ako sa ilaw ng subukan ko namang iangat ang ulo ko ay napahawak ako dito at napahigang muli.

Nilibot ko ang paningin ko at napag tantong nasa isa akong hospital room. Nakita ko sa isang sofa ang mga kaibigan ko na natutulog, ano bang nangyari sakin? Ang naaalala ko nasa bahay kami nila amber Bakit nandito ako? Oo nga pala naalala ko na bumagsak ako nung paalis na ako sa bahay nila amber.

Nagising si amber at tumingin ito sa gawi ko at dali daling lumapit sa akin.

" Gising kana pala, kamusta pakiramdam mo? Bakla ka sabi ko naman sayo wag ka nalang muna umuwi nun napaka mo yan tuloy tss alam mo bang pinag alala mo kami hah!hah!" Sunod sunod na talak nito sabay hampas nito sakin ngunit mababakas ang pag aalala rito.

"Aray naman! Sasabunutan kita dyan kagigising ko lang ang ingay mo nanaman" kunwaring masungit na sabi ko pero natatawa ko sakanya talo pa nya si mama "Tignan mo nagising na sila sa ingay mo" natatawa kong nilingon sa anim na papalapit sa amin dahil kay jiro na sobrang kunot ng noo na nabubugnot dahil na putol ang mahimbing na tulog nito.

"Ako pa ngayon ikaw na nga tong inaalala ko tss" ngingisingisi akong yumakap sa bewang nya ng mahigpit.

"Wag ka ng mag alala mami amber ko maayos naman nako" natatawang sabi ko rito

Nag tawanan naman silang mga nasa likod

" Baka naman mag selos si Joseph sa inyo nyan Hahaha" ani ni kuya ced. Nagtawanan lang kaming lahat Doon ko napansin na wala pala si joseph.

" Asan nga pala si joseph bat wala dito? Tyaka gaano naba ko katagal dito?" Napatingin ako sa binta na may kalayuan kaonti sa amin. Tingin ko mag gagabi na medyo madilim narin, ganun bako katagal natulog?hays. Binalik ko ang paningin ko sa kanila.

"Kahapon ka pa naka confine dito. Si joseph naman nandito lang kanina yun siguro lumabas lang" si franz naman amg sumagot

"Ah" sabay tango ko "Eh si mama nasaan?" Tanong ko pa

"Pinauwi na muna namin, sya nag bantay sayo kahapon nakita namin na pagod rin si tita kaya kami muna nag bantay sayo para makapag pahinga ng maayos si tita" turan naman ni carla. Napatitig naman ako sakanya ng maalala ko yung nakita ko sakanila ni joseph ngunit inalis ko nalang ito sa isipan ko. Hindi tamang pag isipan ko sila ng masama.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwal nun si Joseph na masama ang tingin sa braso ko papunta kay amber. Diko napansin na nakayakap pa pala ko kay amber

"A-ah ikaw pala yan joseph san ka galing?" Medyo nautal na tanong ko pano ba naman kase yung tingin nya kala mo mangangain na haha selos!

"Sa labas di pa ba obvious? Tss" pag susungit nito.

Nag katinginan kaming walo at nag pipigil ng tawa at sinundan namin sya ng tingin ng dumiretso ito sa medyo maliit na lamesa at nilagay dun ang bitbit nya pag kain siguro yun, nagutom ako bigla. Umikot sya papunta sa kabilang side ko at nilagay ang pag kain na para siguro sakin hmm natatakam nako. titig na titig ako ron.

Kukunin ko na sana yung pag kain ngunit hinampas nya ang kamay ko. "Aray ! Nananakit kana hah!" Tumingin lang ito sakin at umirap sabay binalik ang tingin sa pag kain na nasa styrofoam na tinatanggal nya sa plastic. Aba! Maattitude.

Naibalik ko ang aking paningin kila kuya ced ng tumawa ito bigla.

"HAHAHAHA sabi sainyo mag seselos yang kumag nayan eh"

Let's try againWhere stories live. Discover now