Chapter 10

374 18 42
                                        

Issey POV

Nang ibaba ko ang telephono pag ka sagot ko kay ian ibinalik ko ang paningin ko sa kutsara ko Tulala lang akong nakatingin sa  pag kain ko habang iniikot ko ang hawak kong kutsara sa pag kain na nasa harap ko. Nag sinungaling akong kumakain ako, totoong nagugutom ako. Yun talaga ang pakay ko kaya ako pumunta dito ngunit sa tuwing pumapasok sa isip ko yung nalaman ko kanina, nawawalan ako ng gana nakatulalang titingin lang sa pagkaing nasa harap ko.

Hindi ko alam kung may karapatan pa ba ko. May karapatan pa ba akong magalit? May karapatan pa ba akong masaktan?

Ako ang umalis, pero may sapat naman akong dahilan kaya ko ginawa yun. Hindi ko inaasahan na wala na pala akong babalikan. Diko alam kung may ginawa ba kong masama sa tanang bunay ko para mabigo nanaman ako sa pangalawang pag kakataon. Diko mawari kung swerte bang isipin na ang dalawang kaibigan ko ay nag ka gusto sakin o isang malas dahil pereho nila akong nasaktan at iniwan.

Para akong pinagkaitan ng mundo dahil yung parehong taong inaasahan ko na palaging mag tatanggol at hindi ako hahayaang masaktan sila pa mismo ang naging dahilan nito ngayon. Akala ko masakit na yung ginawa sakin ni jason noon, pero mas masakit pala yung pinaramdam sakin ni ian ngayon, kaibigan din namin ni ian si jason, tatlo kami dati pero simula ng niloko ako nito nasira ang pag kakaibigan naming tatlo at pumunta ako ng ibang bansa. Pero nagulat nalang ako ng ilang buwan lang ang nakalipas ay sinundan ako ni ian doon at inaming matagal na syang may gusto sakin at sising sisi sya na nag paraya sya kay jason dahil may gusto rin ito sakin. Sinisisi nya ang sarili nya dahil nasaktan ako dahil hindi nya ako pinag laban. Simula nun niligawan nya ako at di nag tagal ay naging kami din. Umuwi kami dito sa pilipinas nun at dito pinag patuloy ang pag aaral, walang araw na hindi kami naging masaya, minsan nag aaway kami pero naayos din namin agad yun. Masyado syang protective pag dating sakin at ayaw na ayaw nya akong nasasaktan kahit kaya ko naman ang sarili ko. Tuwing nakikita nya akong nakikipag away lagi syang nagagalit at binubulyawan nya ako hanggang sa maiyak na ako habang nag papaliwanag sa kanya kung bakit ko ginawa yun, hindi naman ako nakikipag away dahil trip ko lang, tinutulungan ko lang yung mga schoolmates ko na palaging binubully ng mga taong walang magawa sa buhay. Sa ganung paraan lang kami nag aaway kasi ayaw nya ngang nasasaktan ako gusto nya pag gagawin ko yun nasa tabi ko sya, kung baga hindi nya ko pinipigilang tumulong pag may inaapi ayaw nya lang talagang masasaktan ako. Pag nakita nya namang ayos lang ako at walang galos eh bubusangot dahil nakapag yabang nanaman daw ako tapos sya hindi. Pag tapos nun magiging okay na kaming dalawa. Dalawa lang ang napag aawayan namin nun pag nasasaktan ako at kapag hindi ko sya kasama pag napapasabak ako sa gulo dahil hindi sya nakakapag yabang sakin tch baliw talaga. Sabi nya dapat daw palagi kaming partner sa lahat ng bagay. Napaka corny nya pag dating sakin sa totoo lang.

Pero nag bago ang lahat ng iyon ng malaman kong may breast cancer ako. 1yr na kami ng mag paalam ako sa kanya na babalik ako sa ibang bansa pero hindi ko sinabing may cancer ako ang sinabi ko lang ay gusto ni mommy na dun ko ipag patuloy pag aaral ko. Pero ang totoo dun ako mag papagamot. Nalungkot sya sobra nun at ayaw akong paalisin pero pinangako ko na pag balik ko magiging ayos na ang lahat. Ngunit nag kamali ako dahil mas gumulo pa pala at may nag mamay ari na sa kanya ng hindi ko nalalaman.

Napansin kong may tumulo sa lamesa ko kaya dali dali kong pinunasan ang mga luha ko na diko namalayang tumutulo na pala. Naalala ko nanaman ang nakaraang iyon. Natawa nalang ako ng mapait, siguro kung hindi ako umalis kami parin hanggang ngayon. Napangiwi ako sa isipang iyon. 

"Issey"

Napalingon ako sa taong tumawag sakin.

It's ian. Nandito na pala sya diko namalayan.

Napatitig ako sa muka nya.

Let's try againWhere stories live. Discover now