"What would you do now?" Tanong ko. Inunat nya ang binti nya at humawak sa hawakan ng swing, bahagya nya itong idinuyan.
"What do you mean" he answered, clueless from what I asked.
"I mean, Kay issey..You said you still love her, And I see na ikaw parin ang mahal nya" Gusto kong matawa sa tanong ko. Bat ba nag tatanong ako ng ganito sa kanya? Alam ko naman kung anong isasagot nya. Sinasaktan ko lang sarili ko sa tanong ko na 'to pero deserve ko naman. Ge lang manghinayang ka ngayon.
Napailing iling ako sa mga naiisip ko. Hindi naman nya 'yon napansin.
"Sa totoo lang hindi ko din alam, Knowing her hindi nun basta basta tatanggapin lahat ng sinabi ko, Kahit na sinabi ko pang s'ya parin mahal ko" Napangiwi sya sa sinabi n'yang yun na parang mahihirapan muna s'ya bago sila mag kabalikan.
Kung aminin nya mismo sa mukha kong mahal nya parin si issey parang di n'ya alintana na masasaktan ako ah, kaltukan ko kaya to? Tsh.
"Bat naman? Diba nga dapat masaya pa s'ya na may pag asa na mag kabalikan kayo ulit dahil s'ya parin mahal mo?" Naguguluhang tanong ko, parang gusto kong mag diwang dahil kung mag usap kami parang hindi naging kami at nag kasakitan. "Kung ako nasa position n'ya hindi na'ko mag dadalawang isip pa na balikan ka ngayong malaya kana" Dagdag ko pa.
Kumunot ang noo ko ng tinawanan n'ya ang sinabi ko.
"Unfortunately she's not you, Iba ang takbo ng utak nun, Kahit na sabihin mo pang mahal mo s'ya at mahal ka rin n'ya kung alam n'yang may masasaktan pa s'yang ibang tao mag dadalawang isip yun na tanggapin ka, Malaya ka man o hindi. Mas pipiliin nun na masaktan s'ya kaisa makasakit ng damdamin ng iba. Natuto din ako ng dahil sa ugali n'yang yon" Halata sa mga salita nya na hinahangan nya nga ito dahil sa ugali nito tila yun ang dahilan kung bakit sya nahulog dito.Now i get it, Kung bakit hanggang ngayon mahal nya parin ito.
Walang wala ako.
"Maliban sa kaibigan natin si carla ayoko din na masaktan s'ya kaya hindi ko narin kayang makipag balikan sayo, Don't get me wrong hah, Hindi sa ayaw kita balikan dahil lang dun dahil yun sa ayaw ko talaga na yung may traydoran sa pag nasa isang circle of friends ako kaya galit talaga ko sainyong dalawa, Alam nyo naman yun pero parang binaliwala nyo lang at pinagpatuloy padin" pag papatukoy nya.
Napayuko ako. "I'm sorry"
"Hindi ko masasabibg mapapatawad ko na kayo ngayon sa ginawa n'yo, I need time to heal and to forget. Ayoko man masira ang pag kakaibangan natin pero yung tiwala ko sainyo nasira na. It can't fix and back it as whole again in just a simple sorry. I only need time to refresh again but I'm not saying na mapapatawad ko kayo, Who knows diba? Malay mo hindi na after all, I made you all aware before na big deal sakin yun. So who knows Kung mababalik pa ba ang dati nating pag kakaibigan natin diba" Pabiro n'yang sinabi yun pero alam kong seryoso sya sa mga sinabi niyang iyon. At kung pipiliin nya hindi nya na talaga kami papansinin pa.
"I'll do everything para mapatawad mo kami" Lakas loob kong sabi
"Let's see" Ngisi niyang sabi.
Tumayo na'ko at namulsa. Tumayo nadin sya.
"Thanks for everything and I'm sorry again sa nagawa ko sayo. Siguro nga hindi ako para sayo, hindi ko deserve yung pagmamahal mo na pinag dududahan ko lang" Bumuntong hinga ako at iniwas ang paningin ko sa kanya "Do everything para maging kayo parin sa huli" dagdag ko.
