Amber POV
After ni ian umalis tumayo narin kami para umuwi. Hinatid pa muna kami ni tita sa labas.
"Ah, tita thankyou po sa foods mauna na po kami" nakangiting paalam ko.
"Walang anuman, ingat sa pag uwi"nakangiting kaway ni tita.
Hindi naman sumagot ang iba kong kasama, pilit na ngiti lang silang kumaway pabalik kay tita. Marahil na bigla din sa nangyari ngayon maski naman ako. Nakakahiya naman kay tita kung aalis kami ng hindi nag papaalam ng maayos. Kaya ako nalang ang sumagot.
"Yes tita!" Sigaw ko pa. Nakangiting kumaway.
Tumalikod na kami at nag simulang mag lakad papunta sa kanya kanyang sasakyan. Kay zed nga pala ko sasakay. Napabusangot ako. Lumingon ako sa gawi ni joseph Pansin kong tulala ito habang nag lalakad. Nasa unahan kaming tatlo, sa kanan ko ay si joseph at sa kaliwa ko ay si zed bali nasa gitna nila ko. Lumingon ako sa likod at nakita kong nakatingin si carla kay joseph napaiwas ito ng napansing nakatingin ako. Katabi nya si jiro,ralph,carla,vien,franz
Huminto ako sa pag lalakad kaya napahinto din sila. Maliban kay joseph na tumuloy pa hinabol ko ito at hinawakan sa braso.
Nag tataka naman itong tumingin sakin. Napairap ako at bumuntong hininga.
Pinag cross ko ang kamay ko sa dibdib at nag salita"Sumabay kana kila jiro at ralph pauwi"
"Huh?" Nalilito nitong sagot.
"Sabi ko, sumabay ka nalang kila ralph umuwi hindi ka pwedeng mag drive ng ganyan lagay mo"
Bumuntong hininga ito at yumuko"ayos lang ako kaya ko naman"
"No, mamaya mapano ka pa tsk"Tumingin ako kay ralph"Hatid nyo nalang to hah kami na mag hahatid ni zed kay carla" turo ko pa kay joseph.
Tumago lang si ralph bilang pag sangayon. Di naman na umangal pa si joseph at sumunod na kila jiro.
Sumabay naman si vien sa kotse ni franz."Tara na carla" yaya ko rito. Bumuntong hininga naman ito bago sumunod.
Pumasok na kami sa kotse ni zed nasa driver seat sya at nasa passenger seat naman ako nasa likod naman si carla.
Namayani ang katahimikan at Walang nag salita samin tatlo habang nasa byahe kami.
Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayare sa birthday ni ian ngayong taon, yung mga nakita namin kanina nakakabigla, diko akalain na ganun sya pag dating dun kay issey. Tapos yung tawa nya pa kanina sa telepono nung may kausap sya Ibang iba,pero hindi ko sya masisisi kung ganun naging akto nya alam kong nabigla din sya. Kilala ko si ian di nya gawaing gumanti, masaktan na sya lahat lahat pero di nya gagawin yun para lang pag selosin si joseph.
Mahirap makuha ang tiwala ni ian sa totoo lang, bago mo makuha tiwala nun mauubusan kana ng laway kakakausap sakanya sya naman tamad na tamad sumagot. Pero tunay yang kaibigan, tutulungan ka sa panahong nangangailangan ka. Ngunit isa lang ang ayaw niyang masira yun ay ang tiwala nya sa mga kaibigan nya. Sa ginawang pag sira nila carla nun paninguradong mahihirapan silang maibalik ang pakikitungo nito sa kanila.
Naalala ko isang beses may may tumawag sa kanyang isang lalaki nun sa mall pero hindi nya ito pinansin at nag derederetsyo lang sya sa pag lalakad hanggang sa hinarang nito si ian at kinausap, pinag masdan ko kung pano kausapin nung lalaki si ian, diko alam kung bakit patuloy itong tanong ng tanong kung kailan sya mapapatawad ni ian pero ni hindi manlang nito binigyang interes sagutin ang mga tanong nito sakanya hanggang hindi na ito nag salita kaya tumuloy na mag lakad si ian. Sabi ko baka ex nya before pero nung tinanong ko sya nalaman ko na dating best friend nya ito. Pero kung ituring nya at hindi kausapin ay parang hangin lang ito sa kanya, tinanong ko pa sya kung bakit ganun ang trato nya rito at ang sagot nya ay niloko nito ang girlfriend nya, which is, best friend din nila. Habang nag kukwento sya yung mga mata nya ay punong puno ng galit ang bawat salita nya ay punong puno ng mga hinanakit. Pero ang naka agaw lalo ng pansin ko ay nang ikwento nya pa na umalis ang best friend nilang babae at pumunta ng ibang bansa. Para syang maiiyak na para bang sinisi nya ang sarili nya kung bakit nasasaktan ang kaibigan nya. Normal lang naman naman yung mag alala ka sa isang kaibigan pero parang iba ang pag papahiwatig ng pag aalala nya nung araw nayun pero hindi ko nalang iyon pinansin. Simula daw nun nasira na ang pag kakaibigan nila ng lalaki at hindi nya na muli ito kinausap pa.
