"What the" napalingon ako sa gawi ng nag salita nun. Si franz
"Shit" yun ang unang lumabas sa bibig ko ng makitang nakatingin na pala sila sa gawi namin. Lahat sila nakatayo at gulat na gulat. Nakatakip sa bibig ni vien ang kamay nya, si kuya ced at amber na kunot na kunot ang noo. Si ralph at jiro na sisipol sipol at ang titig na titig na mga tingin ni joseph na tila hinahalukay ang kaloob looban ko. Nandito nga pala sila bat ko ba nalimutan aish.
Shit! Nakita ba nila yun?
Tumingin ako kay issey na sobrang taas ng kilay na nakatingin sakin.
"Minumura mo ba ako?"tanong nito. Sabay bitaw sa pag ka yakap sa batok ko."Ah.. eh..hindi ikaw yun nagulat lang ako nandito nga pala sila" kamot kamot sa batok na sagot ko.
"Good, akala ko ako minumura mo eh lagot ka talaga sakin"
"Hindi ah, tara na" lumakad na kami palapit sa kanila."Pasenya na kanina nandyan pa pala kayo. Kanina pa ba kayo nakatingin samin?"kamot ulo ko pang tanong sa kanila. Nahihiya.
"Oo, sapat na para makita namin mula umpisa"pairap na sagot ni amber.
Tangina nakakahiya!
"Wait andito din pala kayo diba kayo yung mga kaibigan ni ian?"nakangiting tanong ni issey.
"Ah oo kami nga"sagot naman ni kuya ced.
"Kanina pa kayo? Sorry nakita nyo pa yung kanina diko kasi alam na nandito kayo"Nahihiyang ani ni issey.
"Ah wala yun" ani ni jiro na nakangiti bahagya
Nahagip ng paningin ko ang mata ni joseph na nakatingin sa kamay namin ni issey na mag kahawak, hindi ko naman na ito pinansin at inakay na paupo si issey"Upo ka muna" pinaupo ko sya sa inupuan ko kanina sa tabi ni amber. "Kuha lang kita ng plato, wait me here" nakangiting sambit ko.
"Okay, Thankyou" nakangiti ring tugon nito sabay bitaw sa kamay ko.
Narinig ko pang kinausap sya ni amber pero diko na narinig ang sinabi nya dito at tumuloy nako sa kusina para kumuha ng plato at baso, nasa mesa naman na ang pag kain. Naramdaman ko ang tama ng alak sakin kaya uminom muna ko ng tubig bago bumalik ngunit ganun nalang ang gulat ko ng may humatak sa braso ko at pwersahan ako nitong hinarap at hinalikan. Nanlaki ang mata ko at Nabitawan ko ang hawak kong baso at nabasag ito.
Uso ba manghalik ngayon?putspa!
Nang tangkang gagalaw na ang labi nya sa labi ko ay nasuntok ko ito ng malakas at natumba sya sa sahig.
"Baliw kana ba seph! Ano bang ginagawa mo!" Naiinis na sigaw ko dito.
Tumingin naman ito sakin ng nakangisi habang pinupunasan ang dugo sa labi nya."Bakit ayaw mo naba sa halik ko? Mas masarap ba yung halik nya sayo?"mapanuyang tanong nito.
Nanlilisik ko naman itong tinignan.
"Ano kamo?" Nagugulat na napatingin ako sa pintuan papasok dito sa kusina doon nakatayo si issey at kunot na kunot ang noong nakatingin kay joseph, sa likod nya ay ang mga kaibigan ko. Paniguradong narinig nilang may nabasag kanina kaya nandito sila.