Chapter 13:

312 17 48
                                        

Napatayo ako bigla dahil sa sinabi nya. May parte sakin na masaya pero may parte rin na ayokong maniwala. Galit lang sya kay joseph kaya nasasabi nya yan at alam niyang nandito ako kaya nasasabi nya yan.

"Nasasabi mo lang yan dahil alam mong nandito ako ian" sabi ko dito.

"No, Issey mahal kita, Mahal parin kita" sagot nito at hinawakan ang kamay ko.

"Please ian ayoko ng gulo, Naguguluhan ka lang"

"I'm not issey, Ikaw parin ang mahal ko, minahal ko si joseph pero hindi ka parin nawala dito" sabi nito at tinuro ang bandang puso nya."Minahal nya ako na ikaw parin ang mahal ko, gusto kong itama ang lahat ng pag kakamaling nagawa ko sayo issey alam kong napaka tanga ko dahil mas pinili kong kalimutan ang lahat sa atin patawarin mo sana ako, kahit gaano katagal bumalik ka lang sakin, I know that you won't agree sa decision ko but I really can't be with joseph again. I can't"

"You can't be with me either ian"

"Why? Hindi na ba ako ang mahal mo?"

"Alam mo na ang sagot dyan ian, But there are sort of things that we should forget to avoid another pain"

"Hindi ko na ulit hahayaang masaktan ka issey I promise, just let me love you again" mababang tonong sabi nito

Sasagot na sana ko ng may marinig kaming nag salita. Napatingin kami doon.

"Bro ang bilis mo naman hindi naman mawawala yun si ian!" Hingal na sabi ng kaibigan ni ian na si franz. Bahagya siyang nakayuko at nakahawak sa bewang at balikat ni joseph na nakatingin samin nag sidatingan din ang iba nilang kaibigan.

"He did" sagot ni joseph dito. Bakas ang kalungkutan at sakin sa boses niyang iyon.

He heard us.

"Joseph" banggit ni ian sa pangalan nito."You heard us?" Tanong nya dito.

Tumango si Joseph at tumingin sa mag kahawak naming kamay ni ian.

Tinanggal ko iyon.

"What the hell bro chismosa kana pala" pang asar ni franz dito.

Hindi naman sya pinansin ni joseph at bigla nalang Lumabas.

Nagulat ako ng mabilis din itong sinundan ni ian at naiwan kami ng mga kaibigan nya.

What now? Lahat ng sinabi nya kanina lalong luminaw sa isip ko ngayon. Naguguluhan ka nga lang talaga siguro ian, You wouldn't leave me like that kung ako talaga ang pinipili mo. Pinilit kong ngumiti at binaling ang tingin sa mga kaibigan ni ian.

"Upo muna kayo, Tatawagin ko lang si tita sasabihin kong nandito kayo" nakangiti kong alok sa kanila sa upuan.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nung amber nang makalapit na sila. Nag taka naman ako. Pinapaupo ko lang naman sila ah pano naman ako hindi magiging okay nun? Haha

"Oo naman bakit?"
nakangiting sagot ko.

"You're crying" sagot nito.

"Huh?" Nag tatakang tanong ko at hinawakan ang pisngi ko. May basa nga. "Ah hahaha wala to napuwing lang ako" sabi ko habang pinupunasan ang basa sa pisngi ko. Panong Hindi ko naramdaman yon?.

Ganto pala kasakit yun, sa sobrang sakit na makita ng mismong dalawang mata ko kung paano nya habulin si joseph hindi ko na namalayan na umiyak na pala ko. It's hurt but it's for the best.

Nakatingin lang silang lahat sa akin kaya natawa ko bahagya.

"Ano ba hindi ako kagandahan para titigan nyo" pag bibirong sabi ko na natatawa. A fake laugh.

Let's try againWhere stories live. Discover now