Chapter 16:

322 18 17
                                    

Halos mag salubong na ang kilay ko sa sobrang inis habang papunta ko sa pintuan para pag buksan kung sino man yang lintek na storbong bwisita na yan.

Nakita ko pang nag lalaro si marikosa sala at nakabukas naman ang tv. Diko nalang pinansin at bwisit na bwisit padin. Nang makalapit na'ko sa pintuan ay hinawakan ko na ang hawakan at huminga ng malalim at handa ng sigawan ang nasa labas nito. Baka isa nanaman kila amber to palagi naman sila ang nag babalik balik dito.

"Sabi---"

Hindi ko natuloy ang pag sigaw sa taong nasa harapan ko ngayon at bahagya nalang umawang ang bibig ko sa gulat at pag tataka kung bakit s'ya nandito sa bahay namin at sa mismong harapan ko. Bumalik ang pag kakunot ng noo ko mula sa pag kagulat.

Matagal s'yang tumitig sakin bago naiilang na itinaas ang kanan'g kamay n'ya at kinaway ito sakin "Uhm...hi?" Naiilang na patanong n'yang sabi.

Tumaas ang isang kilay ko, Sumandal ako sa pinto at nag cross arm bago sumagot. "Bakit ka nandito?" Matabang kong tanong at inirapan s'ya "Kung pumunta ka dito para tignan kung okay pa'ko, Wag ka mag aalala buhay pa naman ako. Pwede ka ng umalis" Pag tataboy ko dito at isasara na sana ang pinto ng pinigilan n'ya ito sa pag sara.

"Ian...please..gusto kitang makausap ng maayos"

"Oh? Himala, Diba umalis kana? Wala na tayo'ng dapat pag usapan, Pwede ka ng umalis ULIT" sarkastiko kong sambit at diniinan pa ang pag sabi ng 'ulit'

Napayuko naman s'ya.

Aba, Dapat lang iwan iwan n'ya ko tapos susulpot s'ya dito sa bahay at iistorbohin pamamahinga ko.

Tsk, Sinuraduhin n'ya lang na magugustuhan ko sasabihin n'ya kung hindi. Hindi na s'ya makakalas dito sa bahay na'to.

"Dalian mo at mag papahinga pa'ko, Dapat 5minutes tapos na lahat ng sasabihin mo" Sabi ko at tumalikod na.

"Ang sungit nito meron ka ba?!" Pasigaw na tanong n'ya

"Ayoko lang na makita ka ng matagal, Make it fast issey. Naalibadbaran ako sayo" Pag dadahilan ko.

Pero ang totoo gustong gusto ko na s'yang yakapin ng mahigpit yung tipong di na s'ya makahinga. Pero dagil badtrip padin ako sa pag iwan n'ya sakin ULIT ansarap n'yang kutos kutusan.

Di'ko na narinig ang sagot n'ya. Nakasimangot nanaman siguro yun at nag memake face.

Akala n'ya ba natutuwa ako na nandito na s'ya? Hah! Sarap n'yang sakalin, Bat pa s'ya bumalik para ano umalis ulit? Subukan nya lang, Diko s'ya palalabasin dito.

Umupo agad ako sa pahabang sofá ng makarating kami sala. S'ya naman sa single sofá.

Walang modo di manlang tumabi sakin tsk.

"Ate issey!" Masayang sigaw na bati ni mariko dito at kumalong sa kanya.

Ngumiti naman si issey "Hello baby girl, Imissyou" sabi nito at kinurot ang pisngi ni mariko.

Tss, Sana oll diba.

"Oh, Kala ko ba ayaw mo ng bisita bat pinatuloy mo pa?" Nakangising tanong ni mama at sumulyap kay issey.

"Saglit lang s'ya dito, May sasabihin daw" Pairap na sabi ko at sumandal sa sofá.

"Asus, Dimo nalang sabihin na namimiss mo" Pangaasar nito. Sinamaan ko naman ng tingin si mama.

"Shut up ma" Nakabusangot kong sabi. "Kunin mo muna si mariko mag uusap lang kami ng mabilis inaatok pa ko" Humikab pako pag tapos ko sabihin yun.

Let's try againWhere stories live. Discover now