Bahay
Pag dating ko sa bahay derederetsyo akong pumasok sa kwarto ko kahit na tinatawag ako ni mama ayokong makita niyang namumugto ang mga mata ko kakaiyak mag aalala lang yun.
Tch arte mo naman kase beach paiyak iyak ka pa.
Pabagsak akong nahiga sa kama ko ng nakadapa. Sobrang sakit ng mata ko paniguradong namumula na ito ngayon. Wag kayong ano mga teh di ako nag dadrugs hah!. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa cellphone ko nang naisip ko na gumawa nalang ng tiktok videos kesa mag mukmok ako kakakaiyak. Nakakabaliw
Pag tapos kong gumawa ay nahiga ulit ako at diko namalayan na nakatulog na pala nagising nalang ako ng may tumatapik sakin.
"Nak...nak gising tanghali na mag peprepare pa tayo" gising pa nito habang tinatapik ako.
"Hmm para saan naman yan ma" tanong kong nakapikit padin at yakap yakap ang unan ko habang naka dapa.
"Ano ka ba naman, birthday mo diba. Hindi ba dadating mga kaibigan mo?" Tanong pa nito na nag padilat sakin.
Shet! Oo nga pala. Nakalimutan ko pupunta panigurado yung mga yun.
Authomatic kong nadampot ang cellphone ko. Pag bukas ko sobrang dami na nila text sakin mas marami kay amber, di naman halatang miss nya ako noh? Tinamad akong replyan sila isa isa kaya nag open nalang ako ng messenger at dun nalang sa gc namin nag chat, at expected nga sobrang ingay nila at puro mention ng pangalan ko.
FYH FAM GC❤️
"Hoy ian ano naaaaaaaa kain na kain nako oh" - amber tsk tsk walang pinag bago
"Bro ano oras kami pupunta dyan!?" - jiro
"Baka naman ian pwedeng mag chat ka hahaha excited nako oh pakain ah! Kidding." - ralph
"Kuya ian wala kong regalo sayo huhu bawi ako next time promise!!"- vien
"Beach regalo ko hah! Wag mong kakalimutan mag tatampo ko sayo sigeee..hahahaha jok"- kuya ced
Mga baliw!
"I ready mo na sarili mo ian hahahaha baka papakin ka ni joseph mamaya hahahaha"- franz
"Siraulo"-raplh
"Gago"- jiro
"Baliw ka talaga franz hahahaha pero baka mag ka totoo ian mag ready kana din para makasigurado ka pft" -amber
"May bata po dito hello Hahahaha jowk"- kuya ced
"Omg grabe kayo kay kuya ian wag nyo nang asarin baka kiligin yan sobra hahahaha" - vien
Tsk tsk iiling iling ako bago ko nag reply. Hindi pa nga pala nila alam, diko nalang pinansin yung pang aasar nila at nag reply.
"Be here at 7pm guys see you. Ingat kayo 🙂" -me
Lumabas na si mama ng kwarto at sinabi ko nalang na mag aasikaso na ako. Nag offline nako at dumiretso sa banyo. Gumawa muna ako ng tiktok bago ako naligo. Kahit sa pag gawa ko diko parin maiwasang hindi maiyak sa mga nang yari tsk. Pinag walang bahala ko nalang yung sakit na namumuo nanaman sa dibdib ko at naligo ng mabilisan para makapag ready para mamaya.
