It's been 2weeks nung nakalabas ako hospital since that day alam kong iniiwasan nako ni joseph. Once a week kaming nag babonding mag babarkada pero ang mga araw na yun ay hindi sumisipot si joseph, lagi nyang sinasabi na busy sya if I know iniiwasan nya lang ako. I called him many times pero hindi nya sinasagot kahit sa mga text ko ni isang reply hindi nya rin nirereplyan.
Pero lagi naman naka open sa social media nya tss
I know it's my fault. I hurt him and he has a right to get mad, that's why i decided na pumunta sa kanila ngayon siguro naman hindi na sya busy at kausapin nya nako ilang araw narin naman na nung nangyari yun sana lang hindi na sya galit.
Shook kinakabahan ako.what if ayaw nya ako makausap? What if di nya ko harapin?
Taeyan lalo kong kinakabahan eh! Whooo kalma kaya mo yan !si joseph lang yan.
Pag di ka padin napatawad halikan mo,
What the freak?! Ano ba itong naiisip ko langya!..
Iiling iling akong naka ngiti habang nag dadrive papunta sa bahay nila joseph kung ano ano nalang naiisip ko busit kasing lalaki yun hindi manlang nag paparamdam.
Tsk tsk lagot ka talaga sakin
Nang malapit nako sa kanila ay mabilis kong ipinark ang kotse ko at pumasok sa bahay nila na nag mamadali kahit na kakaba kaba ngunit hindi ko inaasahan na may bisita rin pala sila ngayon at hindi lang ako.
Gulat itong tumayo sa kinauupuan nya at humarap sa akin. "O-oh i-ikaw p-pala i-ian b-bat n-nandito k-ka?"
It's carla!
Kunot noo ko naman syang tinignan at tyaka sumagot "Ako dapat ang nag tatanong nyan diba?anong ginagawa mo dito. Tyaka bat ka naman utal utal mag salita parang kinakabahan ka ah?haha"
Nameke pako ng tawa. Ayoko mag assume pero tingin ko hindi ko magugustuhan kung ano mang rason nya kung bat sya nandito dahil Una, hindi nya kasama sila amber. pangalawa, hindi naman nya ugaling bumibisita kay joseph ng ganto sya kaayos at naka formal dress pa.
Lumunok muna sya bago sumagot"Ah ano sabi kasi ni j-joseph mag papatulong lang daw sya sakin para mag ka ayos kayo hehe"
Really? Kailangan ba naka formal dress?tsk
"Aw ganun ba? Eh nasan na pala sya? Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko pa dito. Habang lumilinga ako na hinahanap si joseph.Diko nalang tinanong kung Bakit kailangan naka dress pa baka may lakad sya after.
"Kararating ko lang din. siguro nasa taas pa sya" sagot nito na hindi makatingin sa mata ko at yumuko
Bakit sobrang kinakabahan naman ata toh?
Lumakad ako palapit sa kanya at hinawakan sya sa balikat. Kumunot lalo ang noo ko ng nagulat pa sya sa pag hawak ko.
"Grabe ka naman sis takot na takot ka naman sakin muka bakong manyakis? Haha anyare sayo?" Tatawa tawa ko pang tanong"Dati inaakbayan pa kita ah di ka naman nagugulat hahaha" dagdag ko pa
"Baliw yung kamay mo kasi m-malamig" tugon nito.
Nilagay ko naman sa pisngi ko ang kamay ko at pinakiramdaman.
