It's been three long years magmula nang makilala ko siya,
"May flight tayo ngayon, bakit nakatunganga ka diyan?" tanong sa 'kin ni beks.
Pupunta nga pala kami sa kasalan ng kapatid niya.
I did my light make up, since guest lang naman ako. Siya naman? Well, make up artist, iba talaga kapag bride's maid.
"Taray, mukha kang tao ngayon." sumimangot 'to at pinaghahampas ako.
"Gaga, mas mukha pa kaya akong tao sayo 'no?" umiling na lamang ako sa sinabi niya, ayoko ng patulan, pagbigyan na tutal big event naman ng kapatid niya.
Nag-ring bigla ang phone ko at nakita ko ang number ni Langit.
"Napatawag ka?" tanong ko dito, hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko, shit. Bakit nararamdaman ko na masama ang balita.
"Si H-herricane . . ." nauutal na saad nito, pakshit.
"Anong nangyari?" usisa ko dito.
"She got into accident." naputol ang linya, at agad naman akong tumawag ulit, pero wala na, out of reach.
I cursed hard, shit naman.
"Beks." sinusubukan kong ngumiti, kahit na nahihirapan ako.
"Anyare?" tanong niya sa 'kin, bakas rin sa kanya ang pag-aalala.
"Si Herricane, shit." napaiyak ako, at nanginginig ang boses.
"Uy, hindi na nakakatuwa? Prank ba 'to? Kasi kung prank 'to, tigilan niyo na."
Ako rin hindi natutuwa sa balita ni Langit, damn it.
"Sana nga, prank nalang." I smiled weakly, sinusubukan kong magsalita ng maayos pero garalgal at nanginginig talaga ako.
"Naaksidente daw." nagulat ako dahil lumapit ito para sampalin ako.
"Gaga ka, beks. Naaaksidente lang naman pala, akala ko naman kung ano, kaya niya 'yan. Ano daw ang location nila?" Oo nga pala, hindi nasabi ni Langit.
"Hindi ko alam, walang sinabi si Langit dahil naputol ang tawag." saad ko.
"Tawagan mo ulit!" sushestiyon niya.
Tinawagan ko ulit 'to, at napabuntong hininga kami ng sumagot na sa wakas.
"Kung saang hospital ka naka-duty noong intern ka."
Shit, bakit naman 'don. Pero hayaan mo na, mas importante si Herricane kaysa sa taong 'yon.
"Ayos ka lang ba, kung babalik tayo 'don?" tanong sa 'kin ni beks, at tumango ako agad.
Naghilot ako ng sintido at pumikit ng mariin.
"Beks, tatlong taon na, baka hindi na 'don naka-assign 'yon, kaya ko 'to."
Sana nga kaya ko. Shaleah, kayanin mo, para sa kaibigan mo.
Nag-drive na si beks, papunta sa Vanguar Hospital, kung saan ako nag-ojt, at kung saan din kami nagsimula at natapos.
'Kaya mo 'yan, kaya mo 'yan.' I mentally noted.
Habang papalapit ay nanginginig na ang tuhod ko, ang hospital na punong puno ng ala-ala, punong puno ng sugat mula sa nakaraan.
Pre-ocupied akong naglalakad, my heart was beating loudly, the scent, aura and everything.
"So long, Sha." hindi ko na 'to hinarap, dahil kilala ko na ang may-ari ng boses.
'Aatakihin ata ako sa puso nito.'
Nakita ko si Hush na kapatid ni Herri, nawala ako sa focus dahil sa nangyari.
"Saan room ng Ate mo?" I asked, at agad naman nitong sinabi sa 'kin ang exact number.
She's beautiful, kamukhang kamukha niya ang Ate niya, but ang difference lang ay mas mukha siyang suplada, but both of them are screaming of elegance and class.
"Sha, let's talk, please." I know where that voice came from.
"Tigilan mo na 'ko, hindi ikaw ang business na pinunta ko dito, matagal na tayong tapos." and with that, nakita ko sa peripheral vision na wala na siya.
'Salamat naman, ghad.'
BINABASA MO ANG
Carried By The Current ( Alcantara Series #1 )
General Fiction- she who prefer the art of simplicity ; while he who mastered the art of being egocentric.