Kabanata 7

25 4 6
                                    

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin after those stupid and reckless words.

Ni hindi ko nga alam kung may pride pa bang natirira sa ‘kin, ah shit.

‘Shaleah, don’t overthink, don’t.’

“Good morning bhieee!” masiglang bati sa ‘kin ni Heaven, wearing her priceless smile.

“Ay jusko mahabagin!” I was startled, akala ko yung fallen angel na, ang dumating.

“You look bothered, what happened?” she asked, pero winaglit ko sa isipan si Zed, at nagpatuloy na sa first class namin.

“Tara na.” hinila ko siya papasok ng room, upang makalimutan niya na ang itinatanong niya kanila.

Hindi ko alam kung kaya ko bang mag-open up sa kanya na ikakasal ako kay Zed, kahit na alam kong impossible talaga at wala akong makitang logic.

“They are here.” she announced kaya naman nanlaki ang mata ko.

Anong ginagawa ni Zed at Kael dito sa loob ng classroom namin?

“Good morning class.” pagbati ng aming guro, nakapalumbaba lamang ako at nakatingin dahil nasa harap sila Zed at Kael.

Halos matunaw sila sa titig dahil sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanila, magaling lang naman sila kumanta, pogi at mayaman pero hanggang ‘don nalang yon.

Nagtakha ako dahil bored din si Heaven kahit na halata namang nakatingin sa kanya si Kael.

“You are not affected?” sinulat ko ito sa isang papel at iniabot sa kanya.

Nagsulat din siya dito, para kaming elementary na nagsusulatan about sa crush, ang weird.

“Bakit ako maaapektuhan, sino ba siya?” sabagay mukha naman siyang bored at naiinip na.

“By the way, classmate niyo sila sa subject na ‘to dahil nakaleave ang prof nila, be nice to them, alright?” sabi nang aming prof, pero nakakaboring pa din talaga ang subject na ‘to, may bwisit pang classmate.

Syempre ang mga pabebeng babae na halos maglaway na sa dalawang ‘to ay nag-offer ng vacant seats sa tabi nila, but Kael and Zed prefer sa pinakadulo.

Naiinis agad ako, lalo na kay Zed, so tingin niya kina-cool niya na ang pag-salpak ng earphones sa tenga at magmukhang cold guy?

“Ikaw ata ang affected.” pinadala sa ‘kin ni Heaven ang sulat.

“Duh, I don’t even know that fallen angel!” nagulat ako dahil ako mismo ay napalakas ang boses ko.

“Shaleah, any problem?” tanong sa ‘kin ni Miss kaya gulat din ako at umiling iling.

“Nothing po, I’m just trying to practice my role sa upcoming roleplay.” pagdadahilan ko.

“But, it wasn’t related to my subject if you are focus on that subject, better leave than disrespect my class.” tumango ako hindi na nagdahilan dahil mas mapapahiya ako kaya naman umalis nalang ako.

“Maa’m ako din po, I’ll go with her masama po ang pakiramdam ko.” tumango si Maa’m at lumabas din si Heaven, nang makalayo kami sa classroom ay natawa siya.

“Bakit ka pa sumama?” tanong ko dito, siraulo talaga at sinamahan ako.

“Duh, that’s what friends are for.” napangiti ako dito, kasama at kasabay ko sa kalokohan ‘to, kahit minsan ay nagkakatampuhan kami, still she’s my bestfriend.

“Anong feeling noong nalaman mong may Yumi na si Kael?” alam kong hindi ko alam ang buong storya but base on my speculations, pinagpalit siya agad nito, tho kakabreak lang nila.

Carried By The Current ( Alcantara Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon