Kabanata 5

18 5 0
                                    

“Stupid.” napairap ako sa sinabi niya. Malay ko ba kasi na biglang lilitaw na parang magic ang kotse niya. Ako pa ang nasabihan ng stupid? Wow.

“Paano kung nasagasaan kita? Konsensya pa kita?” sabi nito, kaya naman naiinis ako. Antipatiko slash mayabang mode na naman.

“Nasagasaan mo ba ‘ko? Hindi naman diba? H’wag ka ng umarte diyan, walang napinsala sayo at sakin.” angal ko, pero hindi pa din siya nagpatalo.

Lagi siyang ganito, ayaw na ayaw magpatalo sa argument, the nerve. Is he a lawyer? Hindi naman diba, bakit end of the world ba kapag natalo siya?

“Paano nga diba at isa pa kung magpapakamatay ka huwag kang mandamay ng tao sa katangahan mo, paano kung mahirap na tao lang ang makasagasa sayo? Kargo ka pa nila?” nabwibwisit na ‘ko, makasabi siyang tanga ay parang kilalang kilala ako.

“Excuse me, bago mo ako sabihang tanga, isipin mo muna kung may ambag ka sa buhay ko.” hiyaw ko.

“Ingay naman, tss.” sinuot niya ang earphones at iritadong bumaling sa ‘kin.

“Kung may problema ka, huwag kang mandamay ng tao, hindi lang ikaw ang may problema sa mundo para mag-inarte.”

Oh, fuck. I take all back, hindi siya anghel as in never. Fallen angel nga ang bwisit na ‘to, an angel in disguise akala mo ay kung sinong di makabasag pinggan pero masahol pa ang ugali.

Ewan ko’t bwisit na bwisit na talaga ako sa kanya. Naiinis ako at naalala na siya pala ang nagligtas sa akin dati, utang na loob ko pa tuloy.

Sa sobrang gigil ko ay tinanggal ko ang sapatos ko, hindi na kasi ako nakapagpalit galing ng concert at agad ko siyang binato.

Magaling ako sa archery noong buhay pa si Papa at hindi pa kami naghihirap, dinadala niya ‘ko sa archery class at lagi akong bull’s eye. And I got it, tamang tama lang naman sa ulo niya ang sapatos ko.

I heard him cursed so hard. At tinawanan ko siya, dahil nakahawak ito sa ulo.

“Putangina, are you really testing my patience?” tinaas ko ang kilay ko at ngumisi.

“I am not testing you, bakit mukha ka bang tester?” pag-susuplada ko.

“Hindi ako pumapatol sa babae.” ani niya sa malamig na tono, I laughed sarcastically.

You want a war, Zed? I’ll give you one, dahil aaasarin pa kita.

“Hindi pumapatol sa babae, that means, bakla ka?” I joked, ngunit wala pa din akong mabasang reaction sa mukha niya.

What the hell? Ano ba ‘tong antipatikong lalaking ‘to, robot?

“What a flirt, I won’t be on your level, Miss.”

Aba, napaka-taas ng confidence. Akala mo naman ay — oo gwapo naman siya pero shit naman ang ugali niya. I wanna vomit, tingin niya kasing baba niya ang standards ko? He wished, tch.

“I am not flirting you, hindi ka umabot sa standards ko.”

Totoo naman ang sinabi ko, hindi naman talaga siya umabot sa standards ko, mayaman nga, mayaman lang naman pero ang gaspang ng pag-uugali. Useless, fuckboy lang ‘to.

“Same as with you, Miss. Even half of my standards, hindi ka pumasa.”

“Di ka naman exam na kailangan kong pumasa, at kung ikaw man ang exam, mag-drop nalang ako.”

Agad na nag-ring ang cellphone ko, sumakay na siya sa kotse at tinalikuran ako, ganon din naman ang ginawa ko dahil pumunta ako sa kalayuan.

“Anak…”

Ano na naman kaya ‘to? Fuck, I want freedom, gusto kong maging malaya, shit.

“Ma, hindi niyo po talaga ako mapipilit, buo na ang desisyon ko —.” naputol ang sinasabi ko dahil agad siyang nagsalita.

“Nasa hospital kami ngayon, may sakit si Jun, nak.”

I cried not because she called me ‘nak’, pero nakakatawa dahil wala pa din pala akong takas. Tanginang buhay ‘to, kailangan ko pa din pala talagang pakasalanan ang gagong ‘yon.

“Saan po ‘yan, Ma? Papunta na po ako.” sinend niya naman sa ‘kin, sa bayan pa ang hospital na ‘yon, kaya nagtricycle ako para magpahatid sa exact place ng hospital.

Habang nasa loob ay nag-aalala na ‘ko, ayoko ng maulit ang kay Kang Kang, hindi ko na mapapatawad ang sarili ko, tho hindi ko pa naman napapatawad ang sarili ko pero hindi ko talaga mapapatawad lalo na’t kung hindi ko matutulungan ang bunso namin.

Nang makarating ay tumakbo kung saan ang kwarto na nakalagi ang kapatid ko.

“Jun, dito na si Ate.” niyakap ko ito at hinalikan sa noo.

“Ate?” tanong niya sa akin, at hinarap ko naman siya.

“Bakit, Jun? Kamusta ka na? Anong nararamdaman mo? Ayos ka lang ba?” tanong dito, alam kong sunod sunod ang tanong ko, pero nag-aalala ako ng sobra para sa kapatid ko, sila nalang dalawa ni Mama ang meron ako.

“Ate, mamatay na daw ako.”

“No, no. Hindi ka mamatay, Jun, nandito na si Ate oh? Tutulungan kitang gumaling, magpapagamot ka tapos bibilhan kita ng madaming laruan, diba gusto mo ‘yon?” ramdam ko ang butil ng luha na unti unting nang-gagaling sa mga mata ko.

“Ate huwag ka na pong umiyak.” pinunasan niya ang luha ko, kaya’t mas lalo akong nalungkot at naiyak.

“Ikaw kasi, pinapaiyak mo si Ate. Huwag ka kasing magsalita ng ganyan.” sabi ko sa kanya

“Ate, sabi sa ‘kin ni Mama, mahal daw po ang magpa-opera.” umiling iling naman ako.

“Magtatrabaho si Ate, kahit katulong pa ‘yan, magtatrabaho ako, basta mapagamot ka lang at mabayaran lahat ng gastusin dito.”

Ghad, mahal na mahal ko ang kapatid ko, I can’t bear to see him sad at the very young age.

“Huwag ka ng iiyak, ha?” tumango siya at bumalik sa tulog. Lumabas naman ako, upang makapag-usap kami ni Mama.

“Nakapagdesisyon ka na ba, Shaleah?” tanong sa akin ni Mama, ito na naman ang luha ko, shit bakit ba napaka-balat sibuyas at iyakin ko.

Kaunting bagay ay naiiyak ako, dahil mas pipiliin ko ba ang sarili kong kaligayahan o ang kapatid — tinatanong pa ba ‘yan, Shaleah! Syempre mas importante ang kapatid mo.

Family over everything, family over myself, family over love, family even over career.

“Kapag naman pinakasalan mo si Zed, maaari ka pa ‘nong pag-aralin ng doctor. Para sayo din naman ‘tong ginagawa ko, Shaleah.”

Para sa ‘kin, Ma? O, para sa sarili mo? O baka naman, para sa utang na loob na ako lang pala ang pambayad, funny indeed.

“Lagi naman po, Ma. Lagi naman kayo ang panalo, tho it’s not a competition but nice, Ma, kayo na naman po ang nagdesisyon sa buhay ko.” I left her dumb founded, puppet lang naman ako.

Kahit kailan, never na ata akong magdedesisyon para sa sarili ko, para sa sarili kong kaligayahan.

Carried By The Current ( Alcantara Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon